Chapter 8

63 4 0
                                    

Krystal's POV

"Nagmana talaga si Krelo kay Kryston. Ito na ata ang pinakamagandang love song na narinig ko. Tinalo ang lahat na kanta ni Kryston na paborito mo Annelle at Sofia." Sabi ni Lolo Sander.

"Genius lyricist talaga itong batang ito. Napakaswerte mo anak na maharanahan ni Krelo. At ikaw pa talaga ang unang babae sa puso nya" Sabi naman ni Daddy Fred ngumiti pa ito.

"Anak, I never knew na nasaktan mo pala si Krelo dati?" Sabi ni Mama Sofia.

Patuloy parin ako sa pag-iyak. Niyakap naman ako di Daddy.

"The song will surely be a hitsong, sobrang ganda ng mga linya at tono. Halatang pinagisipan lalo na ang musical arrangement. Hindi na ako magtataka kung bakit sobrang ganda dahil mga young musicians naman talaga ang sa likod nito. Naiiyak na rin ako kasi the song really convey a deep sense of longing and the emotions about love.

Pansin mo ba apo ang sa mga chorus na part, na don't ever go away? Tila message yun ni Krelo sayo na there is fear on his part if you won't reciprocate the feelings.

The ocean metaphor apo naman suggests Krelo was consumed by your presence, indicating a profound connection that is both exhilarating and frightening. In love si Krelo sayo and that's why pala Sway ang title dahil it is about the essence of love's sway, the way it can make someone lose control and the desperate need to understand the one they truly love.

Isang nakapamabuluhang kanta ito of highs and lows of love. " Sabi ni Lola Annelle. Grabe natahimik naman kami sa explanation and interpretation ni Lola. Sobrang galing rin talaga ni lola mangilatis ng kanta. Tumunog naman ang phone ko.

"Iha, you didn't tell me about this childhood friend of yours. Sobrang gwapo at galing kumanta. Alam mo ba halos umiiyak kami dito sa opisina dahil sa heartfelt song nya for you. But I'm just calling you na huwag ka muna mag engage sa fans dahil sobrang nakakatuwa ang feedback iha. Right now, enjoy being the most beautiful princess serenaded by the most romantic lover in the world." Natawa naman ito at nag paalam na. Ito yung manager ko na kanina galit tapos ngayon napalambot rin ni Krelo.

In De Valle Household

Krelo's POV

"Pucha anak ang galing mo talaga." Sabi naman ni Daddy Kryston. Sabay gulo sa buhok ko.

Narinig ko naman na panay iyak ni Mama Celeste sa gilid. Nilambing narin ito ni Daddy. Puro nalang kasi hikbi si mommy. Hindi ko naman alam bakit sobrang iyak niya na masaya ko naman ginawa yung video. It's a complicated love song of longing, fear, seeking for reassurance, and everything in between I felt for Faye that time. Faye rin tawag ko sa kanya kasi puro Krystal tawag sa kanya ng mga kaibigan namin. Gusto ko kasi lagi mag stand out para mapansin niya. Sinadya ko din na sa last part ay mag message sa kanya. Di ko akalain na masasali post yun. Kasi akala ko I cucut nay un after the song. Pero whole file pala pinost nila. Nahihiya kasi ako sa part na yun kasi malalaman ng buong mundo na rejected ako.

Napapunta naman si Krage at Kass sa bahay. Binabasa nila sa amin ni mommy and daddy ang comments.

"Ni reject nga si Krelo na gwapo, mayaman, at talented, saan naman kami lulugar na mga panget?"

"ANG GANDA NG FIRST SONG EVER NI KRELO!"

"Kaya naman hindi ikaw ang Prince Krelo kasi dapat King, kasi tinawag mo siyang queen!"

"Hoy De Javu ba ito ng lovelife ni Kryston?"

"Fan ako ng Krelo and Kiara, pero nakikilig ako dito!"

"Haba ng hair Krystal, nakakakilig ang kanta?"

"Babalik talaga si Don Cerelo para iship ang apo" (Napatawa naman si Mommy Celeste)

"Kryston-Coded rin ba ang lovelife ni Krelo?"

"Classical style blended really well in modern era, galing Krelo!"

"May papalit na talaga kay Kryston as the most romantic lover sa pilipinas."

"Krelo at Kiara parin!"

"Krelo's confession to Kiara is still the best!"

"Krelo the most romantic lover in the world."

Nag trending rin sa mga netizens yung mga sinabi ko.

"May Krelo na nagmahal sayo."

"Unang babae sa puso ko"

Natawa nalang din kami sa feedback at na shock nung mga sikat na artista sa pilipinas ay shinare ang video. Siguro dahil sikat talaga sa industriya si Krystal. Panay comments rin ng mga friends nya na artista kaya mas lalo sumikat ang kanta.

Masaya naman ako dahil nagandahan ang mga tao. Nalaman ko na rin na kaya panay iyak si Mommy Celeste dahil aside na proud ito sakin ay sobrang nag resonate pala sa kanya ang kanta daw. Complicated daw kasi ang lovelife nila ni Daddy noon kaya naka relate daw siya.

Ang hindi ko rin na expect ay may mga fans club agad nabuo. Tulad ng "FayeLo" Loveteam. Artista rin kasi si Krystal kaya madami talaga trip ang fans niya.

Pumunta naman ako sa kwarto. I suddenly received a notification sa messenger. It's a message from Krystal Faye.

"I didn't know there was still a message at the last part of the video. I wasn't able to say how grateful I am from your gift. Thank you for granting my request and fulfilling your promise when we were 10. I'm sorry for the disturbance I cause because of the tweet and I'm sorry for the hurt I caused you 5 years ago. I'm also rooting for your happiness, my king?"

Na seen ko naman ang message niya. Hindi ko alam ang irereply dahil biglang bumalik yung sakit. I tried my best before for her pero si Alexander yung pinili niya. Hinayaan ko na lang muna ang message.

SwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon