Krystal's POV
Habang naririnig ko ang kanta ni Krelo kay Kiara sa harapan halos napaiyak naman ako. I wished ako ang hinaharana ni Krelo. Sinayang ko ang chance nayun.
"Hey Babe, you okay?" Sabi naman ni Alexander. Babe ang tawag niya sakin kahit matagal na rin na walang kami. We broke up when we were 20 at naging kami nung 17 years old palang kami. 3 years in a relationship with him feels not right. Siguro na inlove lang ako sa idea na his my prince charming dahil pang prinsipe naman talaga ang dating niya noon. Kaya siya nga ang pinili ko over Krelo. Gwapo na si Krelo kahit dati pa, pero when I learned that she was intersex, hindi ko mapgilian na ma disappoint. Naka wolf-cut ang buhok niya dati pa man hanggang ngayon pero she looks a little bit more feminine dati unlike now that he decided to live as a man. Sobrang transformation niya rin dahil parang pang model na lalaki ang katawan niya, slender and muscular.
"Yes, Alex. I'm fine, the song was just really so beautifully crafted." Sagot ko at napatango naman si Alex.
"You really like him. Kilala kita Krystal, I know kahit when we were in a relationship, may nararamdaman ka parin kay Krelo nun. I remember that you once tried to travel after your debut para lang sundan siya. Kaso pinigilan kita." Dagdag ni Alexander. Naalala ko rin ang panahon nay un dahil after ko malaman na aalis na siya abroad parang hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto ko siyang sundan kaso pati sila lolo ay pinigilan ako dahil sayang daw ang mga inihanda nila sa birthday ko.
I even cried more when I heard his song for me for the first time. She wanted reassurance that time and the song felt like I was hurting him but his willing to accept it and understand me more.
Dumating rin kasi ang opportunity ko sa acting and modelling career na pangarap ko kaya di ko na rin na pursue si Krelo. When he finally came back naman sa Pinas, akala ko may chance na ako pero wala talaga dahil sobrang inlove niya kay Kiara. Hindi ko naman siya masisi dahil dream girl nya talaga yon. They even shared interest in classical music. Meanwhile ako, I was just into it because of Krelo. I don't have any talent sa ganun kaya mas bagay talaga sila ni Kiara. It even shattered me into pieces when I saw them both performing sa Indiapolis nun when Krelo served as her emergency and sudden accompanist. That's when I realized kung gaano siya kamahal ni Krelo na willing siya to perform, even without practice, para lang matupad ang pangarap ng taong mahal niya. Napakarisky yun sa part niya as a pianist pero hindi siya nagdalawang isip nun.
I should have swayed my love to him sooner. I should have chosen him and gave him reassurance, but I did not. But if there would be a chance to be with him again, I'll give my all and will make sure to win him back.
Krelo's POV
Ang bilis rin ng panahon. We were 23 when we graduated from Yale School of music at parang kahapon lang din when I serenaded her and we celebrated 24th birthday of Kiara. Ngayon, one year of being together na rin kami ni Kiara at 25 years old na kami.
Masaya naman ang pagsasama namin. Just like in any relationship, may ups and down kami. Madalas kasi ang pag abroad ni Kiara because of his Music Career. She was invited and offered an opportunity and work to play in a prestigious ensemble in Europe. Siya ang may solo part at parang main character sa mga performances. Syempre, dahil alam kung pangarap niya yun ay sumuporta ako. Minsan, binibisita namin siya ng magulang niya. There were also times when we were invited to perform together kaya isa rin yung rason sa pagkikita namin abroad.
Kalaunan, mas napadalas rin ang away bati namin. Noong umpisa, nagseselos din siya kapag nalaman niya na kasama ko si Krystal sa isang event. Hindi naman maiwasan dahil siya rin naghandle ng ibang business ng parents niya. Isa din sya sa sumuporta sa De Valle Music Foundation. Pero na explain ko naman sa kanya na siya lang ang mahal ko at mamahalin. Kunting suyo at paglambing, nagiging okay din kami.
BINABASA MO ANG
Sway
RomanceThe story is about the complexities of a past relationship that intervenes in the present love. Krelo Ginerva-De Valle, a 22-year-old classical piano prodigy, falls in love with a violinist. However, what will happen if the past intervenes with the...