Chapter 4

64 4 0
                                    


"Ladies and gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. Philippine Airlines welcomes you to Manila. For your safety please remain seated with your seatbelt fastened until the fastened seatbelt sign has been switched off."

We heard the announcement in the plane. Nandito na pala kami. Every time na umuuwi kami at nagkakareunion ang K Band. Kaya nandito kami ngayon sa resort namin. Yung may lighthouse.

Niyakap ko naman agad sila Mommy and Daddy.

"Aba, grown man na talaga ang anak ko." Sabi ni Daddy. Sabay gulo sa buhok ko. Nagbulong din siya sa akin na lagot ako kay Tito Karlo at tumawa siya. Natakot naman ako bigla. Naalala ko kasi na baka magagalit si Tito sa akin. Kaya ni ready ko na ang Chopin CD. Rare item ito at lima lang ang meron nitong kopya. Dalawa sa akin. Kaya for sure mababribe ko si Tito.

Lumabas naman si Tito sa kwarto nila at pinipigilan siya ni Kiara. Ang maskuladong lalaki kasi ni Tito Karlo dahil isa itong Air Force Army. Naku, nakabahan naman ako. May dala itong tungkod, medyo matanda narin kasi si Tito.

"Hoy, Krelo, halika ka nga dito. Hindi kapa nagpapaalam sa akin, ang lakas ng loob mong haranahin ang unika iha ko." Sabi ni tito na seryoso. Napatawa naman sila mommy and daddy pati mga kabanda nila kasi alam naman daw nila na nagbibiro ito. Pero hindi naman halata sa sobrang seryoso ng muka.

"Eh Tito, mas lalo tayong bumata at pumogi ah." Hirit ko na mas lalong ikinatawa ng mga magulang ko. Biglang lumambot naman muka ni Tito. Alam ko na gusto talaga ni tito na pinupuri siya eh.

"Manang mana talaga sayo si Krelo, mahal." Sabi ni mama kay daddy. Natawa naman sila pareho.

"Aba, napakabolero mo talaga. Baka binobola mo lang ang anak ko ha!" Sabi ni tito na aakmang tatamaan ako ng tungkod niya. Bigla ko naman hinarang ang Chopin CD. Akala ko tatamaan na ako, pero bigla itong lumapit at hinawakan ang hawak ko. Ngumiti naman ako dahil hindi ako nabigo sa plano ko. Nagsalita na rin ako.

"Relax lang po kayo Tito Karlo. May dala po akong regalo only for you. Alam kung magugustuhan mo ito." Binigay ko ang CD.

"Lima lang ang may kopya niyan sa buong mundo Tito. Syempre, simula ngayon, isa kana sa nag mamay ari niyan." Dagdag ko at tumingin pa kay Daddy Kryston. Nag thumbs up naman sa akin si Daddy.

"Aba, napakabolero at ang galing manuhol nitong anak mo Kryston. Manang mana talaga sayo. " Sabi ni Tita Kayla. Natawa na rin si Tito Krei.

"Galing mo talaga Kryston, alam kong di makakatanggi diyan si Karlo. Pakiss nga si Tita. Hinalikan naman ako ni Tita Kayla sa pisngi.Ginulo narin ni Tito Krei ang buhok ko sabay akbay samin ng anak niya.

"Nice ka talaga bro, kuha mo na ata loob ni Tito Karlo." Tawa naman nito. Nag fist bump pa kami.

"Tito, pwede ko na po bang ligawan anak niyo?" Sabi ko. Natigil naman ang ngiti ni Tito Karlo. Akala ko magagalit na pero ginulo lang nito ang buhok ko.

"Aba, nasa kay Kiara na yan ang desisyon anak. Pero dahil sa regalo mo, approve na ako." Hirit ni tito kaya nagtawanan naman sila. Namula nalang si Kiara sa gilid.

"Tara, kumain na tayo." Yaya naman ni Mommy Celeste. Pumunta na kami sa hapag kainan at kumain. Nag jamming din kami pagkatapos. Syempre, puro musicians nandito. Nag post rin kami sa social media ng jamming session namin. Kahit di naman makatugtog ng drum sets si Tito Krei eh si Krage ang pumalit sa kanya sa drummer. Sobrang saya nga niya dahil na mana ni Krage ang talent nito. Nandito kami sa may lighthouse sa taas. Malaki kasi itong space sa lighthouse.

Main singer ako at side singer si Kass. Keyboardist si Daddy. Drummer si Krage at sa gilid nya naman si Tito Krei na kaya pang mag beatbox kahit isang kamay lang. Ang galing parin ni Tito. Nag base guitar naman si Tita Kayla, at gitara naman si Tito Karlo. Pero unique rin ito, dahil napilit namin si Kiara na sumabay at nag violin naman siya. Lahat naman kami alam ang kanta na Palagi. Kaya ayun ang kinanta namin. Sobrang unique nga ng version namin ngayon.

Marami parin kasi talagang fans ng original K Band. Kaya pinost namin ito sa social media para pagbigyan daw ang mga sumusuporta. Lagi kasi kaming sinasabihan ni Daddy, na kung di dahil sa supporters eh di mabubuo ang K Band.

"Naiiyak ako dahil patuloy parin tayo pinapasaya ng K Band."

"Sobrang solid ng version na to. Grabe sobrang talentado talaga!"

"Palagi will always be the national anthem ng mga nagmamahal sa pilipinas!"

"Ang ganda ni Kiara, kahit first time nya sumabay, ang galing parin!"

"Excited ako kapag gumawa ng kanta si Krelo na parehas sa vibe ni Kryston!"

"Ano kaya feeling pag kumanta si Krelo ng ganyang vibe na original song?"

Maraming comments rin ako nabasa na kung gayahin ko daw style ni Daddy. Natawa na lang ako dahil nagawa ko naman iyon eh. May kanta akong original din na kay Krystal ko lang inalay.

SwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon