Nanlalaki ang mga mata ko at hindi pa rin makapaniwala! He sounds jealous! crush niya na rin ba ako?! kinagat ko ang ibabang labi dahil sa iniisip.
Muntik na akong sumigaw sa kilig at tuwa pero naputol 'yun nang bigla na lamang siyang umalis sa harapan ko.
Mabilis akong tumakbo para sundan siya, tinakbo ko na dahil hindi ko ito maabutan sa paglalakad niya, ang laki kasi talaga ng mga hakbang dahil sa matataas na hitang mayroon siya.
"T-teka! kunin mo muna 'tong lunch mo!" Pilit kong inaabot sa kamay niya 'yun habang tumatakbo, lahat ng mga estudyante ay napatingin na rin sa amin lalo na nang makapunta kami sa hallway.
Lahat ng nga tao sa pasilyo ay nagbigay sa amin ng malaking espasyo, at dahil iyon sa takot nila sa Presidente ng skwelahang ito. Walang mga teachers at nasa karenderya sa labas, walang sisita sa aming dalawa dahil sa eksenang ginagawa namin.
Pilit ko itong sinusundan pero wala itong pakialam kaya mabilis kong kinuha ang kanang kamay niya para ibigay ang paper bag, pero lahat kami ay napasinghap nang wala pang sampung segundo ay mabilis niyang inagaw ang kamay niya.
He pushed me using his right hand, I knew that it was unintentional pero nagulat rin ako! Dahil sa pagkabigla ay nabitawan ko ang paper bag at bumagsak ito sa sahig na siyang naging dahilan kujg bakit natapon ang pagkain sa loob ng paper bag, ang mga chips at cloud 9 ay kumalat din.
His eyes widen as he held his right hand, gulat na gulat ito dahil sa ginawa ko. That was my first time holding his hands, mula rati ay hindi ko pa nagagawa 'yun kahit close kami rati dahil nahihiya ako but unlike kanina na desperado na.
"C-Cloud. . ."
Nang matauhan siya ay lumipat ang mga mata niya sa pagkaing natapun sa sahig ng hallway, napatingin din siya sa mga estudyanteng nagbubulungan dahil sa nakita.
Then he throw his glance at me, coldly again.
"I told you, I don't like you preparing food for me because first of all, I got myself and I am not a baby. So stay away from me." Pagkatapos no'n ay nagmartsa siyang umalis.
"Pero baby kita, Cloud!" I shouted, humakbang pa ako ng ilang beses pero tumigil na ako nang nawala na siya sa mga mata ko.
"Ate, jowa mo?" Tanong ng mga grade 8, lahat sila ay natatawang tinutukso ako kaya mabilis din akong ngumiti. Kita mo na, may fans agad kami!
"Hindi pa, pero malapit na." Ngumisi ako.
Mabuti na lang at mababait ang mga bata sa floor na 'to, tinulungan nila akong ligpitin ang mga basura. Ibinigay ko na lang sa kanila ang mga chips at ang friedchicken na hindi naman natapon at nasa loob pa ng lunch box except sa kanin na talagang kumalat, pero ibinulsa ko ang tatlong cloud 9.
"Alex!" Tawag ko sa vice-president, he quickly smiled at me. Tapos na pala ang decoration nila sa loob ng gym, lahat ng mga members ay ngumiti sa akin at umalis na.
Tamang-tama at naabutan ko silang palabas na.
"Bakit?" He asked, napatingin siya sa kaliwang kamay ko kung saan hawak ko kanina ang paper bag. He smiled at me, akala siguro kinuha ni Cloud ang paper bag.
"Glad that he accept it, masarap ang luto mo, sana all! baka magustuhan ka na ni Brye kapag natikman niya ang luto mo." Tumawa siya at napakamot sa buhok, dahil doon ay gumulo ito at mas naging pogi pa siya.
"Actually, hindi niya tinanggap. Something happened at the hallway, puwede bang ibigay mo 'to sa kanya?" Kinuha ko mula sa bulsa ang tatlong cloud 9 at inabot sa kanya, tumango ito at kinuha sa kamay ko.
Tumalikod na si Alex pero mabilis ko itong tinawag ulit, I cleared my throat. "Paki sabi, 143 mula sa'kin, hehe." Ngumisi ako at ibinaba-taas ang mga kilay.

BINABASA MO ANG
Vivid of Cloud
RomanceBeing the one of the most wealthy family in their province, some people think that it's hard to adjust and maintain the family legacy. But for someone like Jozylen Prequxet Colia, it wasn't. She was born thinking that she's free and can get all what...