Chapter 6

34 1 0
                                    

Natuloy nga ang camping na pinplano ng lahat, mga limang araw pa simula ng nangyaring napahiya ako sa gym, hindi ko rin nakita si Cloud dahil busy talaga ito at minsan lang nakikita sa campus.

I was sulking, hindi ko maitatanggi 'yan dahil sa loob ng limang araw na 'yun ay hindi ko talaga pinansin si Cloud. I was hurt, marami kaya ang tumawa sa'kin! feel ko nga ay pinagchismisan nila ako.

Nakanguso habang yakap ang mga kahoy na nililigpit namin, bigla kasing dumaan si Cloud kaya natigilan ako at napatingin lang sa papalayo niyang bulto, hindi rin siya tumingin sa akin.

"Hala, love quarrel?" Pinisil ni Klent ang braso ko bago siya humalakhak, tuwang-tuwa talaga!

Si Cyrez naman ay ngumuso sa akin, umirap ako sa kanila na parang nagtatampo at mabilis na naglakad patungo sa kung saan tinitipun ang mga kahoy.

"Brye! tubig oh." Boses ni Stacey hindi lang malayo mula sa akin, mabilis akong napatingin sa kanya.

She was standing under the big tree, malayo ito mula sa amin pero lumapit pa rin si Cloud sa kanya para makuha ang tubig. Habang ako naman ay napatayo lang sa gitna ng matirik na araw.

"Siya ba ang girlfriend ni Pres?"

"May chemistry 'no?"

"Wala kaya! Mas bet ko 'yung babae sa gym kaso mukhang ayaw sa kanya ni Brye kaya sayang."

Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa narinig mula sa likuran ko, malulungkot na sana ako kaso may maganda akong narinig! Shit! Tama talaga siya d'yan, sus sarap ilibre ng nagsabi no'n.

Nakangisi akong humarap sa mga grade seven bago ko inilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa, nanlaki ang mga mata nila nang makilala ako bago napasinghap.

"Actually, ako talaga ang girlfriend tapos yaya naman namin 'yang si Stacey. Sino pala ang nagsabing bagay kami?" Tanong ko sa kanilang tatlo.

The two of them pointed the short girl in the middle, ngumiti ako at lumapit bago inilabas ang wallet ko para kumuha ng isang daan.

"Tsaka jinowa niya talaga ako kasi mapagbigay talaga ako eh." I then handed her the one hundred pesos, nanlaki ang mga mata nila bago tinanggap ang pera na may ningning sa mga mata.

Nakangiti akong umalis habang naririnig ang sigawan nilang tatlo na talagang bagay kami ni Cloud, kaya buong araw ko ay mukhang nabawasan naman ang tampo ko kay Cloud pero hindi ibig sabihin no'n ay hahabulin ko ulit siya.

Wala pa kasi akong ibang maisip na banat para sa kanya, tapos parang may kaunti na ring hiya sa katawan ko ngayon.

Nang unti-unti ng lumitaw ang hapon ay mabilis akong naghanap ng signal, nawalan kasi ako ng load tapos ang hina ng wifi sa plaza dahil ang daming nakaconnect.

"Sarado pa naman ang gate, paano ako makakalabas?" I asked myself, huminga ako ng malalim at naglakad-lakad na lang nang wala talagang makitang signal.

Plano ko pa namang mag-update ng story sa facebook at instagram ko, ganda kaya ng sunset at ibang views ngayon dito.

After few minutes of walking, I couldn't help but stopped when I heard something. Napaatras ako at mabilis na lumingon sa nakahilerang bench sa gilid, nakita ko ang isang lalaking may pinapatunog na gitara, lumapit pa ako para makilala ang pamilyar na bulto nito at unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

I silently gasped and put my hands together on my mouth, hindi ako makapaniwala sa nakikita ngayon.

It was him. . . Cloud! May hawak siyang kulay pulang gitara habang nakatingin sa sunset ngayon, wala rin siyang suot na salamin.

Vivid of CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon