Chapter 9

34 2 0
                                        

Hello, icens! Sorry talaga sa late update, i had a fever and problems with my eyes for one week. but now, since nagiging okay na naman, i decided to update na kaya double update tayo. Enjoy!

Umiwas ako ng tingin nang makuha ang private message mula sa teacher coordinator ng ssg sa school, noong una ay nagtaka ako pero nang mabasa ko ang message ay mas lalo akong guilty sa nangyari.

Good morning, Miss Colia. As what just happened me and the council had a meeting, puwede ba na ikaw muna ang pumalit na secretary ngayon ng ssg? even just for one day tomorrow dahil may bagong activity na kailangang gawin sa isang club. But it's up to you rin, anak.

Napatitig lang ako sa screen ng phone ko, it was my dream of being secretary para mas mapalapit ako kay Cloud. It is a huge opportunity but isn't a shame that I am also the reason why the original secretary was expelled?

I don't want to have an issue.

Makakausap ko pa rin naman si Brye? I mean, may recognition day pa kaya babatiin ko pa naman siya kahit na medyo nagtatampo ako sa kanya ngayon.

Heh! Hindi pa rin sumusuko ang self ko.

Ngumiti ako at nagtype para magsend ng mensahe sa teacher, I refuse the offer but I do recommend someone to be secretary tomorrow. Tsaka gusto ko ring maging masaya si Cloud, 'yung mawala ang stress niya.

Huminga ako ng malalim bago binagsak ang katawan sa kama, tulala pa ako ng ilang segundo sa kisame bago dahan-dahang isinara ang mga mata para matulog.

DAYS passed and it was already the most important day to us students, recognition day at kukuha ako ng award ngayon!

I smiled at the mirror as I wear my complete uniform, inayos ko rin ang mahaba kong buhok, I put a light make up. Marami kaming haharaping parents, kahit 91 percent lang ang average ko ay kailangan ko pa ring magmukhang maganda.

No one will go with me but it's okay, kasama ko naman ang nga kaibigan kong sigurado rin na walang dadalong parent nila. Besides, busy naman sila mommy at daddy sa trabaho, as if sobrang taas talaga ng average ko para puntahan nila, right?

"May With Highest Honors na tayo!" Rinig kong sigaw ng isa naming kaklase, kakapasok ko lang at halos lahat sila ay nakatingin ng ranking.

Kaagad akong sinalubong ni Klent nang makita niya ako, si Cyrez ay malaki ang ngisi sa mga labi, mukhang masayang-masaya silang tatlo ngayon?

"Good news, hindi pa rin tayo natatanggal! I also booked a meryenda natin mamaya sa restaurant ng tita ni Cyrez! We really have to celebrate dahil With Highest si Ameyth!" Masayang saad ni Klent.

With Highest?

Tumingin ako kay Ameyth na tahimik lang habang nakikinig kay Dravis, nakaupo pa rin sila sa assigned seat nilang dalawa. Ameyth was just silent the whole time while Dravis was joking and making a funny face, rinig ko na parang about 'yun sa pinanuod daw nilang movie?

Umangat ang sulok ng labi ko nang maisip si Cloud, he should really see how Ameyth stared at Dravis. Wala siyang pag-asa dahil iba ang crush ng kaibigan ko!

"Hindi na talaga makaya ang bestie natin." I said to Klent and Cyrez, humagikhik naman ang dalawa sa sinabi ko bago tumango-tango.

Ilang segundo pa ay may dumating na isang estudyante, tinagawa nito si Ameyth na pinapapunta ngayon ng isang subject teacher namin para kunin ang copy ng grades naming lahat sa subject na 'yun.

Ameyth immediately stood up, tumahimik din ang katabi niya bago kumaway sa kanya nang umalis siya. But before Ameyth leave, her eyes dropped of me.

Binigyan ko kaagad siya ng ngiti na kaagad niya namang ibinalik pero tipid na at mukhang walang buhay, she must be wondering kung bakit hindi ako nag-online kahapon? And if bakit ako tumanggi maging ssg secretary?

Vivid of CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon