Chapter 5

34 1 0
                                    

We have reached 17k followers kaya double update tayo ngayon, yay! salamat po sa lahat ng nag-fo-follow!

"Lapit tayo." Bulong ko kay Cyrez at hinila ito patungo sa puwede naming upuan, tama nga ang update sa akin na narito sila dahil brown out at maiinit sa loob ng ssg office.

Nanlaki ang mga mata ni Cyrez dahil sa sinabi ko, pero huli na rin ang lahat dahil hinila ko siya papalapit sa mga officers kaya nakikita na namin sila sa ilalim kung saan kami nakaupo ngayon.

I saw Brye, he was wearing his usual glasses again. Complete uniform ng senior high school ang suot niya, siya lang ang nakatayo at nakaharap sa lahat ng members.

Gosh, he was so sexy!

He was silently reading something, at mukhang may activity na naman ngayon ang school.

"Gosh, he's so hot." Hindi ko mapigilang saad kaya napatingin si Cyrez sa akin, ngumisi ako at inilagay ang palad sa baba at itinukod ang mga siko sa tuhod.

Habang nakatingin kay Cloud ay kinuha ko ang palamig na binili at malumanay na tumingin sa kanya, I even put the turon inside my mouth.

"So, let's start. The student council from different schools' are also conducting this activity, students here will have a leadership camp before the recognition day of our school para sa second sem natin and also para sa third quarter ng school. Any suggestion? sinabi na sa akin kanina na puwede tayong mag out of school." I bit my lower lip when I heard his serious and demanding voice, scarey but sexy.

Lahat ng mga members ay nag-iisip, at akmang uupo si Cloud pero mabilis akong napaayos ng upo.

"Ako!" Wala sa sarili kong itinaas ang kamay.

Ngumiti ako at napatingin kay Cyrez na hinila ang blouse ko, binigyan ko ito ng inosenteng tingin bago ulit tumingin sa mga officers na nakatingin na ngayon sa aming dalawa rito.

Cyrez pinched me but I took a deep breath and stood up, wala kaagad ang mood ni Cloud nang makita ako pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay.

"I'm sorry but I am asking my members." Suplado nitong saad, nabitin sa ere ang ngiti ko dahil doon..

But Alex stood up and stopped him, he gaved us a warm smile bago ito tumango sa akin.

"No it's okay, she's a student so she also has a rights to suggest." Ani Alex, mas napangiti sa akin ng malapad.

Cloud's eyes were fixed at Alex hand who is still stopping him in his arm, he raised his brow again and rolled his eyes. Nakita ko kung paano umigting ang panga niya at hinila mula kay Alex ang braso at sumandal sa rehas.

Cutie naman ng supladong 'to.

"You can suggest now, miss." Si Alex.

Tumikhim ako at tumingin sa kanilang lahat na matiim na nakatitig lang sa akin, ramdam ko ang pangangawit ng tuhod dahil doon.

Gagi, ano nga ulit ang rason kung bakit ako tumaas ng kamay?

"A-ano. . ." Nauutal kong saad bago lumingon kay Cyrez na namumula anga mga pisnge, her eyes widen when she realized that I don't know what to say. 

Tinapunan ko ulit sila ng tingin, nakita ko si Cloud na nagtitimpi lang sa likuran ni Alex habang nakasandal ang katawan sa rehas.

"L-leadership camp sa subdivision namin, sa El hamra." I said and was about to sit down but Cloud quickly asked me.

"Why? why in El hamra?"

I bit my lower lip, "Puwede tayo ro'n sa plaza dahil kompleto naman ang pasilidad tsaka marami ang activities ang magagawa." Paliwanag ko.

Vivid of CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon