Chapter 4
Alas dos nang magising na lamang si Stephanie sa loob ng isang kotse. Nagulat siya nang makita niyang may kasama siya ritong lalaki.
"Hala, ano 'tong pinag-gagagawa ko?" biglaang tanong ni Stephanie sa kaniyang sarili.
She tried to walk but since may pagkadilim sa loob ng kotse ay nangapa pa siya. She started to walk slowly papuntang door ng kotse nang may bigla siyang naapakang paa.
"Aray!" Daing ng lalaking naapakan ni Stephanie.
She covered her mouth so that she will not make any noise na mas gigising sa lalaki. Nang magtagumpay siya sa hindi paggising sa lalaki ay nakalabas na ito ng kotse at muling pumasok sa bar upang hanapin ang mga kaibigan nito, ngunit nabigo siyang hanapin sina Cathleen at Vennise. Tanging ang mga lalaking nakasayawan lang nito ang naroon. Stephanie walked towards the two boys and ask them if nakita ba nito sina Cathleen at Vennise.
"Mga kuya, nakita niyo po ba 'yong mga friends ko? Si Cathleen at Vennise?" Tanong ni Stephanie sa dal'wang lalaki.
"May hinahanap kasi sila kanina, kaya ayon." Wika ng isang lalaki.
"Anong ayon?" Tanong ni Stephanie.
"Umuwi, baka daw kasi iniwan na sila." Sambit naman ng isang lalaki na sa pagkakatanda ni Stephanie ay ito ang kaharutan ni Vennise kagabi.
"Sige, thank you. Kailangan ko ng umuwi, madaling araw na eh." pamamaalam ni Stephanie at umalis.
Dali-dali itong naglakad pauwi lalo na't kilometro lang ang layo ng bahay nila rito.
Nang makarating na si Stephanie sa kanilang bahay, instead of using the door dahil sa naka- lock rin ito ay dumaan na lamang siya sa bintanang naka- puwesto sa kaniyang kwarto. Agad itong nagbihis pagkapasok.
Nang humiga si Stephanie sa kaniyang kama, inisip niyang mabuti kung ano-ano ba ang nangyari sa kaniya sa bar. Ang tanging naaalala niya ay ang pagsayaw niya, paghingi nf maiinom sa lalaki at pagkain ng mala- gulaman na bagay na hindi niya pa rin tukoy kung ano ito.
"Baka hindi gulaman nakain ko!" Bulong ni Stephanie at napakamot na lamang sa ulo.
Alas 7 nang magising si Lyn at may trabaho pa ito. Sa ganitong oras ay gising na rin sana si Stephanie ngunit laking gulat niya na tulog pa ito. She knocked Stephanie's room at pilit itong ginigising habang kinakatok.
"Stephanie!" Tawag ni Lyn.
Dahil sa lakas ng pagkatok nito, nagising si Stephanie at napilitang bumangon kahit na inaantok pa ito dahil sa pagod kagabi.
"Oh, Mama." Bungad na wika ni Stephanie sa ina nito.
"Ba't late ka nagising? Para namang may appointment ka kagabi at late ka na gumising," Panenermon ni Lyn sa anak nito.
"May appointment nga, este kakanood ko 'to ng K-drama. Since bawal naman akong lumabas." Sagot ni Stephanie.
"Tama 'yan anak, mas mabuti kasi kung dito ka lang at 'wag lalabas. Ayaw kong mawala ka sa 'kin." Lyn as usual instruction to Stephanie.
"Okay, I won't leave you." Wika ni Stephanie at yumakap sa ina dahil papasok na ito sa trabaho.
"Hindi ako mamamatay sa sakit ko. Mamamatay ako sa ginagawa ni Mama sa'kin." Bulong pa ni Stephanie.
"Explain all to your Dad," Agarang panenermon ni Lily sa kaniyang anak na si Eusef.
"I have nothing to explain, Mommy. Kaya kong magpa- company today kahit super puyat ako. Kaya don't mind me." Wika pa ni Eusef na umaga na ring nakarating sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Midnight Love
RomanceSi Eusef ang isa sa maaaring maging tagapagmana ng ipinagmamalaking "Tuazon's Company" na itinatag at pinamunuan pa ng kaniyang Lolo at ngayo'y nasa pamamalakad ng kaniyang ama na si Eufemio Tuazon. Dadalawa lamang silang magkapatid, siya ang bunso...