Chapter 9
Bahagyang kinuha ni Stephanie ang kaniyang cellphone na nakapatong sa lamesa na malapit sa kaniyang kama. Inopen niya ito at pumunta sa libangang platform niya na Instagram. Muli niyang inalala ang pangalan ng lalaking nakilala niya sa bar.
“Eusef, ano nga ulit apelyido niya?” Tanong niya sa kaniyang sarili habang sinasaliksik ang binata sa Instagram.
Nang maalala na niya ang apelyido ay agad niya itong na- search. Napanganga si Stephanie nang makita niya ang 23.4 Million followers nito. She stalked it. Isa-isa niyang inusisa ang mga larawan ng binata na naka- upload. She secretly zooming Eusef's abs dahil ang iilang mga larawan nito ay shirtless ang binata, ngunit mayroon din namang formal na parang pang- company. Sse saves some Eusef's photos at itinago ito sa kaniyang safe folder.
Dali-dali naman niyang chinat ang kaniyang mga kaibigan na sina Vennise at Cathleen.
“Guys, kilala niyo ba si Eusef?” Tanong pa niya.
“Eusef?” Tanong ni Vennise.
“Tuazon,” Sagot naman ni Stephanie.
“Yes!” Magkasabay na mensahe ni Cathleen at Vennise.
“'Teh! 'yang Eusef lang naman 'yung kasama mo kagabi palabas, ewan ba namin kung saan kayo nagsuot.” Mensahe ni Vennise.
“Truthfully. Pero ang mahalaga napaka- suwerte mo ate!” Cathleen sarcastic message.
“G kayo mamaya?” Mismong si Stephanie na ang nag-aya sa kaniyang mga kaibigan para magtungong bar mamayang gabi.
“Go!” Sagot ni Vennise at nagreact naman ng thumbs up si Cathleen rito.
Ilang sandali lamang ay umakyat si Lyn sa kwarto ni Stephanie.
“Anak, ito na ang gamot. Injectable.” Wika ni Lyn.
“Natatakot ako, Ma'. What if 'di mag work? What if mamatay ako nang mas maaga?” Mga tanong ni Stephanie.
“You'll not die— I mean, 'wag kang magsasalita ng ganiyan. If you listen and follow what my instructions, baka mas humaba pa buhay mo.” Nanlalaking mata na wika ni Lyn.
“What if wala akong sakit?” Tanong muli ni Stephanie.
“Mas marunong ka pa sa Doctor? Bakit, 'pag wala ka bang sakit basta-basta mo na lamang ako iiwan mag-isa?” Parang nababaliw na mga sambit ni Lyn.
“Of course not, bakit po 'yan ang iniisip mo?” Tanong muli ni Stephanie sa kaniyang ina.
“Because I am protecting you. Mahal kasi kita, Stephanie.” Sagot ni Lyn.
Lumabas ng kwarto si Lyn upang humabol sa trabaho nito. Ngunit, ilang segundo ay pumasok muli sa kwarto ni Stephanie at nag-iwan ng habilin.
“Mamayang gabi simulan natin e- inject 'yung gamot mo. Stay here at ilo- lock ko ang pinto para safe ka.” Habilin nito bago tuluyang lisanin ang kanilang tahanan.
Nakakusot ang noo ni Eufemio habang nakikipag-usap ito sa asawang si Lily.
“Bakit ba palagi nalang tanghali kung magising si Eusef?” Tanong nito na bakas sa mukha ang pagkagalit.
“Hayaan mo muna 'yang anak mo, naninibago lang sa pagma- manage ng company.” Pagtatakip ni Lily sa ginagawa ni Eusef.
“It's okay Dad. I'll be the one to take care the company for today, do'nt worry.” Singit naman ni Euvan sa usapan.
“Hay, sakit ng ulo ang idinudulot ni Eusef sa'kin. Oh siya, Euvan ikaw muna ang magtungo sa company at susunod ako.” Wika ni Eufemio sa kaniyang anak.
BINABASA MO ANG
Midnight Love
RomanceSi Eusef ang isa sa maaaring maging tagapagmana ng ipinagmamalaking "Tuazon's Company" na itinatag at pinamunuan pa ng kaniyang Lolo at ngayo'y nasa pamamalakad ng kaniyang ama na si Eufemio Tuazon. Dadalawa lamang silang magkapatid, siya ang bunso...