Chapter 10
Nang makapasok na si Eusef sa loob ng kwarto ni Stephanie tinanong ito ng dalaga.
“Paano mo nalaman na dito ako nakatira?” Tanong ni Stephanie.
“Secret,” Tipid na sagot ni Eusef sa dalaga.
Inusisa ni Eusef ang loob ng kwarto at nagtaka ito kung bakit naka- lock ang lahat. Napansin ni Stephanie ang pagmamasid na ginagawa ni Eusef kaya naman ay 'di niya maiwasang magsalita.
“Gulat ka? 'di ba kulong na kulong ako?” Wika ni Stephanie.
“Yeah, I see. What's the reason?” Tanong bigla ni Eusef na nagpataranta kay Stephanie kung ano ang kaniyang isasagot sa binata.
“Ah— super strict kasi ang Mama ko, kaya bawal akong lumabas. 'Yung sa bar nga lahat 'yon tunakas lang ako.” Sagot ni Stephanie.
“Takas ka ulit mamaya, let's hangout together.” Paanyaya ni Eusef.
“Again? I'll see, kung se- suwertehen ako mamaya.” Sagot naman ni Stephanie.
Ilang minuto ang dumaan ay biglang tumawag si Lily kay Eusef.
Tring...
“Yes, Mom?” Sagot ni Eusef sa kaniyang inang tumawag.
“Umuwi kana rito, bilisan mo.” Nagmamadaling sagot ni Lily.
“Mukhang kailangan mo ng umuwi.” Wika ni Stephanie.
“Yes, may emergency ata sa bahay. I'll go na, Stephanie, My love.” Sagot ni Eusef.
“Anong love?! Hindi pa nga kita sinasagot, at mukhang malabo ‘yon.” Pabulong na sagot ni Stephanie.
Matapos makalabas ng bahay nina Stephanie si Eusef, agad itong nagmaneho patungo sa kanilang bahay dahil sa pinapauwi na ito. Mabilis itong nagmaneho dahil hinala niya na umuwi ang kaniyang ama si Eufemio galing kompanya, kung unuwi man ito siguradong awarding ceremony ang mangyayari sa mansion nila dahil hindi na nga siya pumunta sa company ay wala pa ito sa bahay.
Pagkarating niya sa kanilang bahay ay dinig niya na may kausap ang kaniyang ina. Nakahinga ng maluwag at tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang makita niya ang garage na wala naman doon ang sasakyan ng kaniyang Daddy.
“If Dad is not here, then who?” Tanong niya habang binabagtas ang daan patungong malaking pintuan nila upang buksan ito. Hindi pa man niya nabubuksan ang pinto ay dinig na niya ang kuwentuhan sa loob ng kaniyang ina at ng babaeng hindi pa niya tukoy kung sino na nasa loob. Tila nagkukumustuhan ito.
“Who the hell is here?” Muling tanong ni Eusef at tuluyan nang binuksan ang pinto nila.
Bumungad sa kaniya ang dalawang naggagandahang babae kabilang na ang kaniyang ina na si Lily. Paglingon ng babaeng kausap ng kaniyang ina ay sumabay sa hangin ang mahabang buhok nito. Umabot rin kay Eusef ang amoy ng buhok ng babae. Nang tuluyan na itong makalingon ay naalala niyang si Kelly ito.
“Oh, Eusef. Buti nakarating ka agad at 'di mo na pinaghintay nang matagal si Kelly.” Wika pa ni Lily nang makita niya ang pagpasok ni Eusef.
“So, what took you here, Kelly?” Ignoranteng tanong ni Eusef sa dalaga.
“Eusef, bumisita lang si Kelly.” Wika naman ni Lily.
“No, it's okay tita. I am not aware na dadating pala siya rito, uuwi na rin po ako.” Wika naman ni Kelly.
“No hija, I call him to umuwi. 'Wag ka munang umuwi, dito muna kayo ni Eusef at naghahanda lang ako ng makakain at maiinom niyo. Mag-usap kayo, enjoy...” Wika ni Lily at iniwan ang dalawa.
Nang makaalis na si Lily ay umupo si Eusef nang may distandiya mula kay Kelly.
“Can't imagine na 'yung bata na palagi king kaaway noon ay isang sikat na guwapong lalaki ngayon, and soon to be my future husband.” Biglaang wika ni Kelly na bumasag sa katahimikan.
“Yes, nasa lahi namin ang pagiging matipuno. And about Popularity, ever since kilala naman pamilya namin specifically, me. But about being your future husband, I don't think so.” Mataray na sagot ni Eusef.
Bakas sa mukha ni Kelly ang pagkadismaya nito dahil sa mga winika ni Eusef sa kaniya. She insists herself to calm.
“But, our parents knows the best. Kung sa tingin nila na magandang ideya ang ipakasal tayo, then I know magwo- work 'yon.” Tugon ni Kelly at napangiwi ito ng bahagya.
“Shesh, don't expect na papakasalan kita.” Bulong ni Eusef at mas pinili niyang 'di magsalita upang 'di masaktan si Kelly.
“We can act. But making reality what our parents want, malabo 'yon. Karamihan sa mga arranged marriage ay 'di nagwo- work dahil palibhasa napilitan lang both sides, kung minsan naman isa lang ang may kagustuhan at ang isa ay napipilitan.” Wika bigla ni Eusef.
“We're too young, maybe hindi mo pa naiisip kung gaano kaganda ang future mo with me.” Wika ni Kelly na may malaking pagtitiwala sa kaniyang sarili.
Ilang saglit lang ay dumating na si Lily dala ang makakain at maiinom. Nagtataka si Lily kung bakit tila tahimik ang dalawa.
“Ang tahimik niyo naman, why don't you talk about sa kabataan niyo. Don't you missed your enemies era?” Biro pa ni Lily.
“Haha, Tita. You're so mapagbiro talaga. Kanina nga lang napag-usapan namin 'yan, and we moved on kasi matagal na 'yon and we are looking forward for our future—” Wika ni Kelly.
“Future?” Tanong ni Lily. Dahil sa katunayan ay hindi ito batid na ipanagkasundo si Eusef at Kelly ng kanilang ama.
“Future business partners. Because Dad and Uncle Ramon are business partners already, baka in the future itong si Kelly ang makapartner ng isa sa amin ni Kuya Euvan.” Sagot ni Eusef at kumuha ng cookies na nakahain sa lamesa.
“That's what I mean, Tita.” Hirit naman ni Kelly.
Tanaw ni Stephanie ang pagdating ng kaniyang ina mula sa kaniyang bintana. May dala-daka itong supot na may mga laman. Nang makapasok si Lyn sa bahay at agad itong tumungo sa kaniyang kuwarto. Bakas sa mukha at katawan nito na pagod na pagod ito.
“Anong dala niya?” Pabulong na tanong ni Stephanie.
Dinig niya kung paano itapon ng kaniyang ina ang dala-dala nito. It was 5 o'clock in the afternoon. Ilang sandali pa ay nagtungong banyo si Stephanie upang maligo ulit dahil sa mainit ang panahon. Saktong pagpasok ni Stephanie ay pumasok naman ang kaniyang inang si Lyn sa kwarto niya, may bitbit ito. Nang makapasok siya sa kwarto ni Stephanie ay isinara niya ang pinto, she bring something na ididikit sa may mataas na na parte ng pader ng kwarto. It was a personal CCTV.
“Upang mapatunayan ang lahat ng paghihinala ko.” Bulong ni Lyn at ngumisi. She planted the CCTV at lumabas ng kwarto at bumalik siya sa kaniyang silid. Ilang segundo lamang ang nakalipas at lumabas na si Stephanie sa banyo at magbihis. She wondered why the door of her room was close even she leave it open. She open tge door and forget everything.
“Um, maybe clinose ko 'yan kanina. Hay Stephanie, nababaliw kana dahil kay Eu—” Wika niya at nagbihis na.
How to thank me for writing free stories:
1. VOTE and COMMENT
2. Please follow the following accounts:
Wattpad: @kri_santo
Tiktok: @iam_krisanto
Facebook Account: @Chris Balanquit PetalboFacebook Page: @Krisanto Stories
X/Twitter: @iamchriz
Instagram: @iamkrisanto
3. SUBSCRIBE on YT: @CRAZE TV
4. Share or recommend my stories on your friends.
KRISANTO
BINABASA MO ANG
Midnight Love
RomanceSi Eusef ang isa sa maaaring maging tagapagmana ng ipinagmamalaking "Tuazon's Company" na itinatag at pinamunuan pa ng kaniyang Lolo at ngayo'y nasa pamamalakad ng kaniyang ama na si Eufemio Tuazon. Dadalawa lamang silang magkapatid, siya ang bunso...