CHAPTER 8

13 1 0
                                    

Chapter 8




Nakahigang tulala si Stephanie sa upuang ni- recline sa sasakyan ni Eusef, ganoon din ang binata.

“Tukso lamang ito. Let's forget about what happened tonight.” Habilin ni Stephanie.

Bakas sa mukha si Eusef ang pagkadismaya nito lalo pa't nahulog na ang kaniyang loob sa dalaga kahit noong unang gabi pa lamang sila nang magkatagpo.

“It's your choice. Basta ako— I did this because I want it— sariling kagustuhan ko.” Wika ni Eusef.

“What do you mean?” Tanong pa ni Stephanie.

“Ang nangyari ay gustong-gusto ko. Gusto kita, Stephanie.” Sagot ni Eusef na nagpatulala kay Stephanie.

“Gusto? Kagabi lamang nang tayo ay nagkatagpo tapos gusto agad? Pinaglalaruan mo ba ako?” Wika pa ni Stephanie dahil sa 'di ito makapaniwala na nahulog na ang loob ng binata sa kaniya.

“Hindi naman sa tagal ng pagkakakilala nasusukat ang pagmamahal, sa nararamdaman ‘yon.” Katagang binitiwan ni Eusef na nagpahanga kay Stephanie.

“Sabihin na natin na gusto kita, pero bawal talaga. Ayaw kong masaktan kita.” Pag-aalala ni Stephanie.

“Bakit? May boyfriend kana ba? Kasal kana ba?” Mga katanungan na lumabas sa bibig ni Eusef.

“None of the above. Mas masakit pa doon ang katotohanan, kaya bawal akong umibig.” Sagot ni Stephanie at pinulot ang saplot nito at agad na nagbihis.

Lalabas na sana ng sasakyan si Stephanie nang bigla siyang hawakan sa kamay ni Eusef at bigla siyang niyakap nito.

“I want you, I more than want you. I love you, Stephanie. Makukuha din kita.” Wika ni Eusef habang yakap-yakap si Stephanie.

“Mahal din kita, pero natatakot akong masaktan ka oras na ako'y mamatay.” Bulong ng isip ni Stephanie.

Kaagad naman na kinalas ni Stephanie ang pagkakayakap ni Eusef sa kaniya at lumabas na ng kotse. Muli ito nagtungo papunta sa loob ng bar at nagpaalam na sa kaniyang mga kaibigan na umuwi.

“What?! Alas 12 pa lang, mhie. Dito ka lang muna.” Pangungumbinsi ni Cathleen kay Stephanie na manatili muna sa bar.

“Oo nga, nagsasaya pa nga kayo ni Mr. Eusef eh. Nasaan na nga pala siya?” Dagdag pa ni Vennise.

“Nagsasaya? Wala ah! Basta kailangan ko na kasing umuwi eh, baka mahalata pa ako ni Mama.” Pamamaalam ni Stephanie sa mga kaibigan nito at umuwi na.

Naglakad papauwi si Stephanie at umakyat itong muli sa bintana kung saan rin siya umakyat noong isang gabi. Aksidenteng naapakan ni Stephanie ang marupok na kahoy at naputol ito dahilan upang makagawa ng malakas na tunog. Nagising si Lyn nang marinig ang tunog at tila may umaakyat papataas sa may kwarto ni Stephanie. Nakakatakot ang mukha ni Lyn nang magising ito at may kutob na itong nararamdaman patungkol sa kaniyang anak. Hindi rin namalayan ni Stephanie na sa kaniyang pag-uwi ay sinundan pala siya ni Eusef upang malaman din nito kung saan nakatira ang binata.

“Haha. Tumakas lang pala ang mahal ko.” Bulong Eusef at natawa. Matapos nitong malaman kung saan nakatira si Stephanie ay agad rin namang bumalik sa bar na kilometro lang ang layo mula sa bahay ni Stephanie.

Kinaumagahan ay kinatok ni Lyn ang pinto ng kwarto ni Stephanie. Agad naman itong pinagbuksan ni Stephanie.

“Oh, Ma, ikaw pala.” Pamungad na wika ni Stephanie.

“Nakatulog ka ba nang mahimbing kagabi?” Tanong ni Lyn sa anak. Ang mukha nito ay balot ng pagtataka at mukhang nang-uusisa.

“Opo naman, bakit po?” Sagot ni Stephanie.

“Maligo kana at pupunta si Doktora dito.” Sambit ni Lyn.

Agad na lumabas ng kwarto si Stephanie upang magtungo itong banyo at maglinis ng katawan. Pagkalabas ni Stephanie sa kaniyang kwarto at tuluyan nang makapasok sa banyo ay pinasok ni Lyn ang kwarto ng kaniyang anak upang usisain ito. Binuksan niya ang closet ni Stephanie at nakitang gusot-gusot ang laman nito at nangangahulugang hinangkat ito. Upang mapatunayan ang kaniyang hinala ay lumapit siya sa may bintana ng kwarto ni Stephanie at nakita niya ang mga bakas ng paa na pumasok at umakyat rito. Nanlaki ang mata ni Lyn at napangisi ito na parang nababaliw.

Nang marinig ni Lyn na papatapos na si Stephanie sa banyo ay agad itong lumabas ng kwarto at kinausap ang anak.

“Anak,” Tawag nito kay Stephanie pagklabas ng banyo.

“Po?” Tanong ni Stephanie.

“Sabi ni Doktora mas maganda raw talaga kung dito ka lang sa bahay at nay ibibigay rin siyang gamot mamaya para raw mapabagal ang pagkalat sa katawan mo ng sakit mo.” Wika nito at wari'y natutuwa.

Ilang sandali lamang ay may kumatok sa pinto nina Stephanie. Malakas ang loob ni Lyn na ang Doktora na titingin kay Stephanie na ito. Hindi nagkamali si Lyn at ang Doktora na nga ito.

“Oh, Doc. Rodriguez.” Wika ni Lyn at pinatuloy ang babae sa loob ng kanilang bahay.

Umupo ang babae at kaharap nito si Stephanie na katabi naman ang kaniyang inang si Lyn.

“I have a lot of patient before. Hindi na ito bago sa akin, ang sakit mo hija ay bihira at hanggang sa ngayon ay hindi pa tukoy kung ano ito.” Wika ni Doktora Rodriguez.

“Pero 'di ba may gamot naman, Doc?” Dagdag ni Lyn.

“Hindi ito gamot, Lyn. Hindi ki rin maipapangako na mabisa ito ngunit kung agad itong ituturok sa kaniya ay may 65% na katiyakang epektibo ito.” Sambit pa ni Doktora Rodriguez.

Tahimik na nakikinig si Stephanie at nakakaramdam siya kaba at kunting takot dahil sa pinag-uusapan.

“I want to talk to you, Lyn. Hija pumasok ka muna sa silid mo.” Wika muli ni Doktora Rodriguez at agad namang sumunod si Stephanie.

Nang makapasok na si Stephanie sa kaniyang silid ay pinagpatuloy ni Doktora Rodriguez at Lyn ang pag-uusap nila.

“Mare, Doctor ako at pwedeng mawala ang lisensya ko sa ginagawa kong ito.” Wika pa ni Doktora Rodriguez.

“Nasimulan na natin 'to, she's 20 years old at ang alam niya ay may sakit siya. Ipagpatuloy na natin 'to, ibigay mo sa'kin ang nga gamot na 'yan.” Wika ni Lyn na may halong galit.

“Natatakot ako para sa kaniya, Lyn. Alam kong hindi delikado ang gamot na ito ngunit ang epekto nito sa gagamit ay may pagkalala. Lalo pa't wala naman talaga siyang sakit.” Wika muli ni Doktora Rodriguez.

“Ayaw kong iwan ako ng anak ko, you don't understand me kasi andiyan 'yong asawa mo at anak mo. Eh ako, si Stephanie na lang ang mayroon ako, at ayaw kong mawala siya.” Desperadang wika ni Lyn.

“Think for it, minsan na natin siyang napagsinungalingan at ngayo'y unti-unti mo siyang lalasunin gamit ang mga gamot na ‘to?” Wika ni Doktora Rodriguez at natatakot pang iabot ang bitbit nitong mga gamot.

“Hindi paglason ang ginagawa ko sa kaniya, pagprotekta ‘to. Alam ko ang tama dahil ako ang ina niya.” Dagdag pa ni Lyn.

“Sinasabing hanggang 21 nalang ako pero 'di tukoy kung anong klaseng sakit ang mayroon ako.” Naghihinalang tanong ni Stephanie sa kaniyang sarili.

Ano kaya ang mangyayari kay Stephanie dahil sa binabalak ng kaniyang Inang si Lyn? Muli pa kaya silang magkikita ni Eusef? O tuluyan siyang mananatili sa piling ng kaniyang ina?...





How to thank me for writing free stories:

1. VOTE and COMMENT

2. Please follow the following accounts:

Wattpad: @kri_santo

Tiktok: @iam_krisanto
Facebook Account: @Chris Balanquit Petalbo

Facebook Page: @Krisanto Stories

X/Twitter: @iamchriz

Instagram: @iamkrisanto

3. SUBSCRIBE on YT: @CRAZE TV

4. Share or recommend my stories on your friends.
                  

  KRISANTO

Midnight Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon