Kindly note that this piece of writing may contain grammatical errors and misspelled words due to human error or lack of attention to detail. I would like to apologize for any inconvenience caused as a result of these oversights and assure you that the content is still comprehensible despite any minor flaws.
- kyannie
"Zelle! Gising na, may pasok ka pa" Sigaw ni mama.
"Mama eh, inaantok pa ako" Sabi ko habang nakapikit aking mata dahil inaantok pa.
Nakatulog ako ulit pero di nagtagal kasi pumasok si mama sa kwarto ko at hinila n'ya ako patayo para magising na talaga ako.
"Ma, five minutes ulit, inaantok pa ako" sabi ko at hinila kamay ko pabalik.
"Anong five minutes?! May klase ka pa mamayang alas otso, alas syete na oh!" Sabi n'ya at hinila ako pabalik.
Wala na akong choice kaya tumayo nalang ako't naligo para makapunta na'ko sa school, pagkatapos naman ay nagbihis na'ko at lumabas sa kwarto.
"Zelle, kain ka muna" Sabi ni mama habang naghahanda ng pagkain.
"Wag na po, ma. Ma la-late na kasi ako" Sabi ko sa kanya.
"Kasalanan mo, tagal mo kasing gumising!" sumbat n'ya
"Oh, eto nalang, kainin mo yan ha" Sabi n'ya at inaboy sa'kin ang lunch box na may kanin, fried egg at tuyo
"Sige, ma. Salamat!" Sabi ko at patuloy nang umalis papuntang school
Sumakay ako ng jeep papuntang university, pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin ako, tumakbo pa ako papasok dahil alas otso na, tagal kasing umandar ng jeep na sinakyan ko kasi kulang pa ang pasahero.
Pagkapasok ko sa classroom ay nagpasalamat ako dahil wala pa ang professor namin, kaya pumunta ako sa upuan ko at syempre'y naupo, ano pa nga ba?
Nakatulala lang ako't nakatanaw sa labas, habang naghihintay sa professor na papasok. Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na ang professor namin at nagklase na.
Nakatulala lang ako at pinipigilan ang antok ko, sana pala'y natulog ako nang maaga kagabi at hindi nag wattpad. Pero nakakabitin kasi dahil intense na yung scene, sayang naman kung hindi ko tatapusin.
Nakatulala parin ako at nag iimagine nang kung ano-ano at iniisip kung magagaya ba ang buhay ko pareho nung sa wattpad, habang nag iisip ay nabuhayan akong muli nang biglang tawagin ako ng professor namin
"Zelle Vasquez, can you tell me the capital of France?" Sabi ng professor namin at pinuntahan ako
Napatulala ako dahil di ko alam ang sasabihin ko, di naman ako taga France diba? So, anong pakialam ko dun?
"Oh Capital of France? Ano po.. uhmm.. F?" Sabi ko habang kinakamot yung leeg ko dahil sa hiya
Nagtawanan ang mga kaklase ko habang ang professor naman nami'y masama ang titig sa akin, tama naman ako diba?
"Very funny, Miss Vasquez. Now, tell me the answer" seryosong sabi ng professor namin
"Uhm.. ano po.. Eiffel tower?" Sabi ko't nagtawanan muli ang mga kaklase ko
Ano ba'ng nakakatawa nun, tama naman yung sagot ko, diba? Bobo ba sila? Masama na ang titig ng professor namin sa akin na para ba'ng may nagawa akong masama.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa labas dahil pinalabas ako ng professor namin sa geography kasi di daw ako nakikinig, ano ba'ng malay ko sa france na yan? Tsaka, tama naman yung sagot ko ah.
Lunch time na pagkatapos at nasa cafeteria ako ngayon dala ang pinabaon sakin ni mama, mag isa lang ako sa lamesa kasi wala naman akong kaibigan dito dahil ayaw nila sa'kin. Naiingit kasi sila sa kagandahan ko, kaya ganyan.
Akmang bubuksan ko na sana yung lunch box dahil gutom na gutom na ako kasi hindi ako nag agahan nang nilapitan nanaman ako ni kate at ng mga kaibigan n'yang mga chaka.
"Another day, another panget nanaman ang makikita ko" Sabi ni kate habang nakasandal ang kamay sa lamesa at pinagmamasdan ako
Di ko s'ya pinansin at sinimulan nang buksan ang lunch box ko para kumain dahil gutom na gutom na talaga ako.
"Ano yan? Ang baho naman, ew!" Sabi ni kate at tinakpan ang ilong n'ya
Tumawa naman ang mga kaibigan n'ya pero hindi ko nalang sila pinansin, ayaw kong ma disturbo dahil kumakain ako.
"That's for poor's food, right?" Sabi ng isa sa kaibigan ni kate at tumawa ito
"Well, duh obviously" pagtataray ni Kate
"I don't get why poor people's eat that kind of food, so disgusting" dagdag ni Kate
Di ko sila pinapansin at patuloy lang na kumain, masarap naman kasi, sila lang yung oa.
Habang kumakain ako'y natigilan ako nang biglang binuhusan ako ng juice ni kate sa ulo, biglang nag init ang katawan ko at bigla na lamang tumayo at sinuntok si Kate sa mukha at dumugo ang ilong nito at natumba sa sahig.
Natauhan na ako nang nasa principal office na ako, pinatawag ang magulang ni Kate at si mama. Natakot ako bigla dahil ang daddy ni Kate ay isa sa mga politiko dito saamin.
"What have you done with our precious baby?! Look, There's a blood on her nose!" Sigaw ng mommy ni kate
"Sorry talaga ma'am, pagsasabihan ko po tong anak ko. Pasensya na po talaga, hindi na mauulit" Sabi ni mama at humihingi ng tawad sa kanila
"Dapat lang! Dapat nga kung ganito ay dapat nang e expelled!" Sabi ng daddy ni Kate
"A-ano po? Hindi naman po tama yan" Sabi ko at malapit ng umiyak
"Kasalanan po kasi ng anak nyo, tinapunan ako ng juic-"
Hindi ko natapos sasabihin ko nang biglang kinurot ako ni mama sa likod kaya natahimik nalang ako.
"Sir, Ma'am. Patawarin n'yo po ang anak ko, mabait naman po yan. Hindi na n'ya po uulitin, pangako" Pagmamakaawa ni mama at lumuhod pa sa harap nila
"H-huwag n'yo na pong e-expell si Zelle, pinapatawad ko na po s'ya" Sabi ni Kate at umiiyak ito, pavictim ang dating
"Ma, ano bang ginagawa mo? Tumayo ka nga riyan!" Sabi ko kay mama pero hindi talaga nakinig
"Look! You should be thankful, my daughter is very kind!" Sigaw ng mommy n'ya
"M-maraming salamat po, ma'am and sir. Pangako po talag didisiplinahin ko po itong anak ko" sabi ni mama at tumayo na
YOU ARE READING
Elevator Girl
Short StoryZelle leads a simple life, but everything changes when her mother falls ill and is hospitalized. With her father gone, Zelle takes on multiple jobs to support them both. One day, she secures a position as an elevator girl for a prominent company. On...