8

14 2 0
                                    

Pumasok na ako sa ospital at nakalayo na nga ako sa taong yun, nakakapikon talaga s'ya, haynako!

Pagkapasok ko sa room ni mama ay nakita ko s'yang nagbabasa ng libro, sakanya talaga ako nagmana dahil pareho kaming dalawa, mahilag magbasa.

"Oh anak, nanjan kana pala" Saad n'ya pagkapasok ko

Nagmano ako sa kanya tsaka binigay yung perfume na binili ko kanina sa mall at nagpasalamat naman s'ya, naaalala ko nanaman yung lalakeng yun dahil magkasabay kami kanina doon sa perfume shop kaya sumimangot kaagad ang mukha ko.

"Oh, ba't parang wala ka sa mood? Anyare sa'yo?" Tanong ni mama

"eh, parang sinusundan nanaman ako ng lalakeng yun" reklamo ko kay mama pero tumawa lamang ito

"Luh, si mama. Pareho talaga kayo, pinagtatawanan n'yo lang ako" Sabi ko at ngumuso ako

"Alam na alam ko anak, kayo talaga ang para sa isa't isa nang Quian na yan" Saad n'ya at ngumiti ito

"Ma naman eh! Wag ka ngang magsalita ng ganyan, nakakakilabot" Reklamo ko pero tumawa lang s'ya ulit

"Isipin mo nga, zelle ha. Palagi nalang kayo nagkakasalubong tsaka naging boss mo pa s'ya, Hindi na ako maniniwala kung hindi talaga kayo ang para sa isa't isa" paliwanag ni mama

"Ma, ayoko nga sa kanya.. Naiinis ako, basta! Nakakapikon yung lalakeng yun" Saad ko

"Pikonin ka naman? Alam mo, anak. Ganyan yan sila, mas gaganahan sila mang pikon pag pikonin din yung pinipikon nila" Saad ni mama

"Ay, yun ba yun? Pero di ko talaga maiwasang mapikon sa lalakeng yun" Reklamo ko

"Tsaka, hindi naman kami bagay. Mayaman s'ya tsaka mahirap lang tayo, mataas siguro standards nun" Dagdag ko pa

"Wala namang pinipili ang pag-ibig" Simpleng sagot n'ya

"Pero ma-"

"Shh.. nagugutom na ako, zelle. Bumili ka na nang makakain natin" Saad ni mama kaya tumango nalang ako.

Kinaumagahan, nakiusap si ely sa'kin na palitan ko muna s'ya at agad naman akong pumayag para lang makalayo na ako sa lalakeng yun.

May isa din namang pumalit saakin doon sa tunay ko talagang pwesto kaya okay lang din naman, habang nagtatrabaho ako ay nakita ko si Quian na may kasamang ibang babae at maganda pa.

Hindi ko na lamang pinansin dahil wala naman akong pakialam sa kanila kaya nag continue lang ako sa pagtatrabaho, pagka hapon naman ay biglang bumalik si ely kaya wala na akong ibang choice kundi bumalik sa dati kong pwesto at makikita ko na naman yung mokong na yun.

Habang nagtatrabaho nga ako ay biglang may pumindot ng elevator at nakita ko yung magandang babae at si Quian na papasok, Hindi ko na lamang sila pinansin at nakatutok lang ako sa pagtatrabaho ko, wala akong oras para pansinin pa ang kung ano-ano.

"Anong floor?" Tanong ko pero hindi ako nakatingin sa kanila

"Ground floor, miss" Sagot nung babae

Maganda ang boses ng babae at para bang mabait ito, pero wala parin akong pakialam sakanila at pinindot na lamang ang button sa ground floor

"Saan tayo kakain, Quian?" Tanong nung babae

"San mo ba gusto?" Tanong naman ni Quian

"Kahit saan, pwede naman" Sagot nung babae

Naiinis akong nakikinig sa kanila dahil parang ginawa lang nila akong thirdwheel dito, gustong gusto ko na silang mapaalis pero parang bumabagal naman yata itong elevator na to, nakakainis!

"San ba magandang kainan dito, Zelle?" Tanong ni Quian saakin

"Di ko alam" Simpleng sagot ko para hindi na matuloy ang usapan

"Oh is she your friend, Quian?" Tanong nung babae

"Yes-"

"No, hindi n'ya ako kaibigan at hindi ko s'ya kaibigan" Hindi nakatapos si Quian ng mas inunahan ko ito

"Oh.. okay" Sagot nung babae

"Pwede ka namang sumama samin, Zelle" Offer ni Quian

"Yeah, it would be great" Sabi nung babae

"Wag na, May trabaho pa ako" Sagot ko at hindi parin sila tinitingnan

"I can tell the operator na mag-"

"Busy ako kaya wag na, kayo nalang" Sagot ko dahil naiinis na ako

Sobrang tagal naman ng elevator na to, nakakainis. Gusto ko nang mawala sila rito, hayy!!

"Okay.." Sagot ni Quian

Laking pasasalamat ko nang bumukas na ang elevator at lumabas na silang dalawa, ewan ko ba't naiinis ba ako. Siguro dahil sa presensya nang lalakeng yun, nakakapikon kahit walang ginagawa.

Mag o-overtime ako ngayon dahil para makabawi nung absent ko sa isang araw dahil nilagnat ako kaya sa elevator nalang ako palagi ngayon.

"Zelle, kumain ka muna oh. Dinalhan kita ng pagkain, sabay na tayo" Sabi ni Jake

Si Jake ay isa sa mga impleyado dito sa kompanya, isa s'ya sa mga kaibigan ko rito dahil mabait s'ya. Hindi n'ya ako iniinis o pinipikon, di gaya ng Quian na yun.

"Nako, wag na. Nakakahiya, kakain nalang ako mamaya" Sabi ko at tinanggihan s'ya

"Sige na, Zelle. Wala kasi akong kasamang kumain" Pamimilit n'ya

"She said no, kaya wag mo s'yang pilitin" Sambit ni Quian na nasa likuran ko pala

"Ay kakain nalang pala ako, tara na" Sabi ko at hinila si Jake papalayo

"Teka- alala ko ba ayaw mo?" Tanong ni Jake habang hinihila ko s'ya

"Makisabay ka na lang!" Bulong ko

"Ah- okay" Sabi n'ya at inakbayang ako palayo

Salamat naman ay hindi na sumunod yung taong yun, nakakainis. Ba't ba nangingialam s'ya sa buhay ko? Hayy!!!

Nasa table na nga kami ni Jake at kakain na kami ng tingnan ako ni Jake na para bang may gustong itanong sa'kin ns hindi n'ya masabi

"Bakit?" Tanong ko habang kumakain

"Uhm.. kasi.." Pag aalinlangan n'ya

"Ano?" Tanong ko

"Ano bang mayron sainyo ni boss Nazario-"

Hindi pa lang n'ya natapos ang kanyang sasabihin ng biglang nabilaukan ako at dali dali rin naman n'yang inabutan ako ng tubig

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko habang umuubo

"Kalma ka muna, Zelle" Pag aalala n'ya

"Wag ka ngang magsalita ng ganoon, walang meron saamin" pagdedepensa ko, totoo naman

"Napansin na kasi ng marami na parati kayo nag uusap at nag babangayan ni sir Quian kaya nagtaka yung iba" Paliwanag n'ya

"Akala pa ng nakakarami eh jowa mo s'ya-"

Biglang nabuga ko ang tubig na iniinom ko dahil sa nakakakilabot na pinagsasabi n'ya, agad naman nyang pinunasan ang bibig ko gamit ang tissue pero bigla s'yang natigilang nang may nagsalita

"Get your hands off her."

Elevator Girl Where stories live. Discover now