"Ay jusko! Ano ba!" Sigaw ko sa kanya
"Nakakatawa reaksyon mo, zelle!" Tawa n'ya
"Bastos ka talaga! Ba't ka ba nang gugulat ha?! Tsaka bakit alam mo pangalan ko? Stalker kita ano?!" Inis kong sabi sa kanya
"Bakit ka nagulat? Tsaka anong stalker, sino ka ba, ha?" Tawang tawa n'yang tanong
"Ginulat mo'ko eh, loko loko ka talaga!" Sumbat ko sa kanya
"Nagulat ka kasi akala mo, wala ako" saad n'ya
"Pake ko ba sa'yo ha?!" Inis kong sabi
"Weh? Kunwari ka pa e, palagi mo nga akong pinagsisihan ng elevator" Reklamo n'ya habang nakanguso
"Hindi ko alam yung sinasabi mo noh, kung nakikita kita ba't ko naman gagawin yun?" Pagsisinungaling ko
"So hindi moko nakikita?" Tanong n'ya
"Hindi nga" sagot ko
"Okay" Sabi n'ya at nagkibit balikat
"Sa basement ka ba?" Inis kong tanong
"Hindi" Simple n'yang sagot
"Saan?" Tanong ko at tinalikuran s'ya para pindutin yung button kung saan s'ya pupunta
"19th floor" Sagot n'ya
Pipindot na sana ako pero na realize ko bigla na walang 19th floor na sinasabi n'ya
"Ang lakas mo talaga mang trip!" Inis kong sabi
"Bakit?" Tanong n'ya
"Anong floor ka nga kasi?" Inis kong tanong
"19th floor nga" Sagot n'ya
"Tigilan mo nga ako. Kung wala kang magawa, lumabas ka na!" Sigaw ko sa kanya
"Bakit ba?" Tanong n'ya
"Wala namang 19th floor dito!" Inis kong sabi
"Ayan, niloloko mo na naman ako" Saad n'ya
"Nagtatrabaho ako ha, sinisira mo araw ko! Pwede ba? Lumabas ka nalang" Inis na inis kong sabi sa kanya
"Anong walang 19th floor?" Naguguluhan n'yang tanong
"Kahapon nung pinagsarhan mo ako, naghagdan nalang ako. Pupunta sana akong sa 20th floor, nadaanan ko pa nga yung 19th floor eh" Paliwanag n'ya
"Wag ka ngang manakot, bwesit!" Inis kong sabi
"Anong manakot ang pinagsasabi mo?" Tanong n'ya
Wala ngang 19th floor!" Inis kong sabi
"Meron nga! Kaso sira ara yung mga ilaw sa hallway kasi ang dilim" Saad n'ya
"Tapos may mga taong naglalakad, siguro may party kahapon kasi naka costume sila." Dagdag n'ya
"Anong naka costume? Pinagsasabi mo ha?" Tanong ko
"Merong nakapang madre, may nakapang pari, may nakapang sundalo. Meron pa nga akong nakita, parang pang japanese yung costume n'ya." Saad n'ya
"May nakita din akong nakabarong tapos may mga babae ding nakaputi." Dagdag n'ya
"Naiinis na ako sa'yo ha, tama na!" Inis kong sabi
"Bakit parang takot na takot ka?" Tanong n'ya
"Kasi nga, walang 19th floor!" Sabi ko sa kanya
"Hala! Totoo ba?" Tanong n'ya
"Oo!" Sagot ko
"Ibig sabihin pala ay totoo yung sinasabi ng janitor na matanda" Saad n'ya
"Janitor na matanda? Wala tayong janitor na matanda. Bata pa yung janitor natin, mga kaedad ko lang ata" Sabi ko dahil medjo natatakot na ako
"Ano ba yan? Baka nananakot ka lang ha!" Sabi n'ya
"Totoo nga sinasabi ko..!" Sagot ko
"Sabi nung matanda, may multo daw na gumagala dito lalo na dito sa elevator. Dahil may pinatay daw rito mismo" Saad n'ya
"Tama na! Ayoko nang marinig" Tinakpan ko ang tenga ko tsaka tinalikuran s'ya
"Ikaw ba? Wala ka pa bang naisasakay na kakaiba sa pakiramdam mo?" Tanong n'ya
"Tama na sabi eh..!" Naiiyak na ako sa sinasabi n'ya
"Pag usapan natin! kailangan ko ng kausap kasi natatakot din ako eh" Saad n'ya
"Sa iba mo nalang e kwento! Tara na, baba na tayo" Sabi ko at hinila s'ya
"Kaso sabi mo, wala nang 19th floor diba?" Tanong n'ya
"Kalimutan mo na yang 19th floor na yan, sa basement ka nalang pumunta!" Inis kong sabi
"Anong gagawin ko dun? Mas nakakatakot nga doon eh kasi basement" Tanong n'ya
"Sa ground floor ka pumunta, tara na!" Hinila ko s'ya palapit
"Hindi na, hindi na ako ba-baba. Natatakot ako eh, dito nalang ako" Sagot n'ya
"Ha? Wala na akong kasama bumaba!" Sabi ko at naiiyak na ako
"Kaya mo na yan, dati mo naman yang ginagawa eh. Iniiwan mo pa nga ako pag nakikita mo akong pasakay na eh" Saad n'ya
"S-sorry na, tara na.. bumaba na tayo.. sumakay ka na, please.." pamimilit ko sa kanya
"Ayoko, dito nalang ako" Sagot n'ya
"Hindi nalang din muna ako ba-baba" Saad ko
"Pano yun, Dito ka lang?" Tanong n'ya
"Tatawagan ko nalang si ely para sunduin ako" Sagot ko
"Dito ka lang sa hallway, maghihintay mag isa? Kasi ako papasok na ako sa office ko" Saad n'ya
"Mamaya na.. Samahan mo muna ako, p-please.." pamimilit ko
"Ha? Bakit naman kita sasamahan, natatakot nga ako eh" Sabi n'ya
"Pwede ba na dun muna ako sa office mo?" Nagmamakaawa kong tanong
Natigilan muna s'ya at tiningnan ang mukha ko, pagkatapos naman ay tumawa ito ng malakas kaya hinampas ko ang kanyang braso dahil naiinis at natatakot na ako.
"Ano ba!" Sigaw ko sa kanya
"Napaka gullible mo talaga" Saad n'ya
"Wala akong hilig sa sports!" Sigaw ko
"Gullible, hindi sports yun" Pagtawa n'ya ulit
"Tumigil kana ha, nakakapikon ka na" Inis kong sabi at kinurot ang tagiliran n'ya.
"Aray naman..!" Sabi n'ya at hinawakan ang tagiliran n'ya
"Ba't ka ba kasi tumatawa jan?!" Inis kong tanong
"Nakakatawa kasi reaksyon mo kanina, takot na takot ka" Sabi n'ya at tumawa uli
"Bakit, ikaw ba hindi?" Tanong ko
"Hindi, ba't naman ako matatakot?' Tanong n'ya
"Alam mo, ang gulo mong kausap!" Sigaw ko
"Gawa-gawa ko lang naman kasi yung sinabi ko" Sabi n'ya at tumawa nanaman ulit
"Hayop ka..!" Sigaw ko sa kanya at hinampas hampas s'ya
"Wag kana sasakay dito kahit kailan ha!" Sigaw ko at tinulak s'ya palayo
"Bwesit ka!" Inis kong sabi
Tinalikuran ko na s'ya at pumasok na sa elevator para makalayo na ako sa demonyong yun, nakakainis talaga! Nakakabwesit!!
Kahit na gawa-gawa lang n'ya yung mga sinabi n'ya, hindi ko maiwasang hindi matakot dahil iniisip ko baka totoo yun at baka may sumakay dito sa elevator na multo o hindi tao
Nakakairita talaga! Iniiwasan ko pa naman na isipin yun dahil madali lang akong matakot pero yung lokong yun, tinakot pa talaga ako.. bwesit talaga!
YOU ARE READING
Elevator Girl
Short StoryZelle leads a simple life, but everything changes when her mother falls ill and is hospitalized. With her father gone, Zelle takes on multiple jobs to support them both. One day, she secures a position as an elevator girl for a prominent company. On...