7

15 2 0
                                    

Umalis na ako at iniwan ko si Quian dun na tumatawa parin, pumunta ako sa kabilang shop para bumili ng mga pabango at nung pupunta na sana ako sa cashier ay nagkasabay nanaman kami ni Quian.

"Sinusundan mo ba ako, Zelle ha?" Tanong n'ya

"Kapal, baka ikaw yung sumusunod saakin!" Inis kong sabi

"Alam ko namang obsessed at patay na patay kana sakin, pero sobra naman ata tong sinusundan moko kahit saan ako pupunta" Pagdadrama n'ya at hinawakan n'ya pa ang dibdib n'ya

"Tumigil ka nga, andaming tao. Kakahiya ka" Pagsita ko sa kanya

"Mahal mo ba ako, Zelle. Ha?" Tanong n'ya

Kinurot ko s'ya sa tagiliran pata pigilin kung anong mga pinagsasabi n'ya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao at may iba pang bumubulong.

"Tumigil ka nga, bwesit ka" inis kong sabi

"Ba't ayaw mo sagutin tanong ko, Zelle" Pagdadrama n'ya

"Kaya ba, palagi mo nalang akong sinusundan ha? Dahil mahal mo na ako?" Dagdag n'ya

"Hindi ko po kilala tong taong to, parang may sira mo s'ya sa utak" Sabi ko at ngumiti ng peke sa mga nanonood saamin

"Ano? Hindi po, hindi po ako, s'ya po talaga yun" Saad n'ya

"Alam n'yo, bagay kayo" Sabi nung cashier

"Yuck!"

"Yuck!"

Sabi naming dalawa tsaka nagkatinginan kami sa isa't isa na nandidiri.

"Ganyan din kami ng asawa ko dati bago kami nagkakilala" Sabi nung matanda na nasa likuran namin

"Nako, nay. Malabo pong mangyari yan" Saad ko sa matanda

"Kaya nga po, nay. Hindi po yun mangyayari" Saad ni Quian

"Aysuss, ganyan lang yan sa una" Sabi nung matanda

Hindi nalang kami nagsalita ni Quian at tumahimik nalang ako kasi nakainis talaga tong si Quian, kung pwede lang na lumipat ng trabaho ay ginawa ko na. Pero sayang kasi, malaki pa naman sweldo ko kaya pagtitiisan ko muna.

Pagkatapos kong magbayad ay dali dali na akong umalis para maiwasan ko si Quian dahil naiinis lang ako basta nakikita ko ang pagmumukha n'ya, palagi nalang n'ya akong sinusundan.

Habang papalabas ako sa mall ay biglang umulan, wala pa namang tricycle dito o baka jeeo lamang, kailangan ko pang pumunta sa hospital dahil si mama.

Habang naghihintay ako ng sakayan ay biglang may kotseng huminto sa harapan ko at bumaba ang bintana nito, akala ko kidnap kaya lumayo ako pero nung nakita ko kung sino ay nag init nanaman ang dugo ko.

"Sumakay kana, ihahatid na kita kung saan ka man pupunta" Saad ni Quian

"Nako, wag na. Baka madisgrasya pa tao kasi sinapak na kita" Inis kong sabi

"Alam mo, ba't ba ang init ng dugo mo sakin ha? Dahit ba sa sobrang hot ako kaya kumukulo na dugo mo sa'kin?" Pagmamayabang nito

"Bwesit, napaka yabang mo para ka namang pwet ng unggoy!" Inis kong sabi

"Ahh.. kaya pala sabi mo kanina na mas gugustuhin mo pang halikan ang pwet ng unggoy... Ako pala yun, grabe ka ha" Ngisi nito sa'kin

"Tang ina mo ha, bwesit! Umalis kana nga! Sinisira mo araw ko, alis!" Inis na inis ko nang sabi

"Ano ka ba, joke lang naman eh. Tsaka anong araw? eh gabi na, halika na kasi" Pamimilit n'ya

"Ayoko! Umalis kana!" Inis kong sabi

"Sige ka, ang dilim pa naman tsaka pasarado na tong mall at wala ka ng masasakyan" Sabi ni Quian

"Wala akong pakialam, kaya umalis kana kasi baka di ko mapigilan ang sarili ko at makukutusan kita" Pagbabanta ko

Nagulat ako nang biglang lumabas s'ya sa kotse n'ya kahit maulan at pumunta papalapit saakin, aatras na sana ako pero binuhat n'ya ako at ipinasok sa kotse n'ya.

"Ano ba! Bwesit! Bitawan mo nga ako!" Inis kong sabi habang hinahampas ang likod n'ya

Hindi s'ya nagsalita at inilagay n'ya lang ako sa kotse n'ya at nagmaneho na s'ya.

"Kidnapping kana ha! e rereport kita sa pulis!" Pagbabanta ko

"Hindi kidnapping ang ginawa ko kasi hindi ka naman bata, pero pambata lang yung height mo" Tawa niyo

"Alam na alam mo talaga kung paano ako inisin" inis kong sabi

"Bakit? Totoo naman ah?" Saad n'ya

"Matangkad kaya ako" Reklamo ko

"Ha? Saan? Kailan at bakit?" Pagtawa n'ya

"Ang samasama mo sa'kin ha! Grabe ka na" Sabi ko ko sa kanya

"Sadyang matangkad ka lang talaga kaya hindi mo napapansin na matangkad din ako" Pagdadahilan ko

"Sige, sabi mo e" pilosopong sagot nito

"Saan ka ba pupunta?" Tanong nito

"Sa ospital" Sagot ko

"Ano namang gagawin mo dun?" Tanong n'ya

"Nandon kasi si mama" Sagot ko

"Ahh.. doctor mama mo?" Tanong n'ya

"Hindi, naka confine s'ya ron" Sagot ko at tumingin sa labas

"Ha? Ba't naman?" Tanong n'ya

"Napaka chismoso mo ano?" Inis kong sabi

"Hindi ba pwedeng curious lang?" Saad n'ya

"Pareho lang yun!" Sabi ko sa kanya

"Hindi yun pareho" Tawa nito

Nakarating na kami sa ospital kaya bumaba na ako, at aalis na sana pero nagsalita pa s'ya.

"Wala man lang thank you?" Tanong n'ya

"Thank you" Napipilitan kong sabi at nakasimangot pa

"Grabe naman yang thank you mo, ang tigas ah" Tawa nito

"Sige na, bye." Saad ko

"Bye lang? Walang goodbye kiss" Saad n'ya at ngumuso ito

Isinarado ko na ang pinto ng kotse at dali-daling umalis para makalayo na talaga ako sa lalakeng yun, naiinis na talaga ako sa lalakeng yun

Kung saan ako pupunta at nandoon din s'ya, parang sinusundan talaga ako ng lalakeng yun. Nakakainis na talaga at palagi n'ya pa akong iniinis, pag nakikita ko talaga s'ya ay nasisira na agad ang araw ko.

Elevator Girl Where stories live. Discover now