Umuwi nalang ako nang gabing yun dahil sa sinabi n'ya, mas lalo akong nainis sa sinabi n'ya at nadagdagan ang galit ko kaya pinabayaan ko nalang s'ya.
Nagdaan ang ilang araw at hindi parin kami nagpapansinan at wala narin naman akong pakielam sa kanya kaya hindi ko na rin s'ya pinilit na makipag usap saakin.
Nagbago si Quian at hindi na s'ya yung taong palatawa, palabiro at masayahin na tao. Naging strikto s'ya at palaging malamig ang pakikitungo sa ibang tao.
Hindi ko maiwasang isipin kung dahil ba saakin yun or ako ba, or kasalanan ko nga talaga. Pero hindi ko nalang yun pinagbigyan ng pansin dahil pinangako ko sa sarili ko na mag fo-focus nalang ako sa trabaho ko.
Kung ayaw n'ya na akong pansinin edi wag, wala naman na akong pakialam sa taong yun.
Isang gabi, nang pauwi na ako matapos ang masayang araw ay nakita ko nanaman s'ya
"Haynako..!" Reklamo ko
"What?" Tinaasan n'ya lang ako ng kilay
"Ano?" Hindi ako nagpatalo at tinaasan ko rin s'ya ng kilay
"Who are you talking to?" Tanong n'ya at hindi rin nagpatalo
"Pakialam mo ba kung may kausap ako o wala" Pagsusungit ko
"What are you doing here? Andito ka lang ba para gambalain nanaman ako?" Pagsusungit n'ya rin sa'kin
"Excuse me, pauwi na ako at dito ako nag aantay ng taxi pag umuwi ako sa gabi" Sabi ko at inirapan s'ya
"So, you're saying that this is your territory huh?" Pilosopo n'yang tanong
"Saating dalawa? Masasabi ko talagang teritoryo ko to kaysa sa'yo" Saad ko
"Then fine, it's your territory then. Ano naman gagawin ko?" Pagsusungit n'ya
"Pakialam ko? Buhay mo yan e" Sagot ko sa kanya pero hindi na s'ya sumagot
"Ano ba'ng ginagawa mo rito ha, at bakit ka nandito?!" Inis kong tanong
"May pupuntahan ako" Simple n'yang sagot
"Hindi ba nasa basement yung kotse mo? Bakit, pupunta ba yun mag isa para sunduin ka?" Pilosopo kong tanong
"Nasa talyer kotse ko" Sagot n'ya
"Diba mayaman ka naman? Ba't di ka nalang mag book ng masasakyan mo?" Tanong ko
"Ilang oras na akong nag book pero wala parin" Sagot n'ya
"Dun ka nalang sa kabilang kanto maghintay, teritoryo ko to rito. Tsaka, mas maraming taxi dun" Saad ko
"Ba't di ikaw pumunta ron?" Tanong n'ya
"Ayoko nga! Kita mo namang ang dilim dilim dun, baka may dumaan oang loko-loko. Baka ano pang gawin sa'kin" Saad ko
"Alam mo naman palang delikado ron eh. Then why are you telling me that i should go there?" Tanong n'ya at tinaasan ako ng kilay
"Lalake ka naman eh" Sabi ko
"Porket lalake, e ligtas na sa kapahamakan?" Saad n'ya
"Mas kaya mong lumaban" Sabi ko
Hindi na s'ya nagsalita at hindi narin ako umimik, pareho nalang kaming nag hintay ng taxi.
"Taxi, para!"
"Taxi, para!"
"Huy, mas nauna ako!" Sigaw ko
"Paanong nauna ka e pareho lang naman tayong nandito?" Tanong n'ya
YOU ARE READING
Elevator Girl
Short StoryZelle leads a simple life, but everything changes when her mother falls ill and is hospitalized. With her father gone, Zelle takes on multiple jobs to support them both. One day, she secures a position as an elevator girl for a prominent company. On...