Pauwi na kami ni mama ngayon sa bahay at sinermonan n'ya ako ng walang hanggan hangga't makarating kami sa bahay, di nalang ako umimik dahil alam ko namang kasalanan ko tsaka ayaw ko ring sumagot sa kanya.
"Pasensya na po, ma" sabi ko habang nakayuko
"Sige na, pumasok ka na sa kwarto mo. Wag mo na gagawin ulit iyon ha!" Sabi n'ya.
"Opo ma, pangako" sabi ko at pumunta na sa kwarto. Nag wattpad lang naman ako dahil wala akong magawa.
Kinabukasan ay yun parin naman, pumunta ako sa school at hindi na rin na late dahil maaga akong ginising ni mama, hindi nalang ako nagreklamo dahil may kasalanan ako. Sinunod ko nalang s'ya, buti nalang ay hindi na s'ya galit saakin.
Nasa klase na ako ngayon at nag a-akto na nakikinig sa aming professor habang nagsasalita pero ang totoo talaga ay nag iimagine ako ng bagay-bagay pero nakatingin ako sa kanya.
Nabigla ako ng biglang lumapit si professor saakin at ngumiti ito at nginitian ko na rin para di awkward
"Magaling, miss zelle, nakikinig kana ah" puri nito
"A-ah opo naman, syempre, ako pa ba" sabi ko sa professor namin
"Kung sa ganon, ano ang pinakamahusay na disenyo ng pananaliksik?" Tanong niya
"Sa aking palagay, ang pinakamahusay na disenyo ng pananaliksik ay ang "Ben 10" na metodo - ito ay isang perpektong kombinasyon ng aksyon, adventure, at prinsipyong pang-agham!" Sabi ko na may confidence sa sarili dahil alam ko na tama naman yung sagot ko
Pero namalayan ko na naman na nasa labas na pala ako, mali ba sagot ko? Tama naman yun ah, tskk may galit talaga sila saakin. Pag ako yumaman, ipapabomba ko tong university na to. Lahat nalang sila, galit saakin.
Nasa garden ako ng school ngayon at umupo sa kilid ng fountain ng biglang nakita ko si Kate kasama ang mga kaibigan n'ya na papalapit kaya tumayo ako at lumayo sa kanila para maiwasan.
Akmang tatakbo na sana ako pero biglang natalisod ako sa may harang na kahoy kaya natumba ako, nilapitan ako nila Kate at pinagtatawanan, hindi ako makatayo dahil sa sakit na dinaramdam ko sa aking paa.
"Bobo na nga, lampa pa!" Sabi ni kate at nagtawanan sila ng mga kaibigan n'ya.
Akmang pipilitin ko na sanang tumayo ng biglang sinipa ako nito sa likoran kaya natumba nanaman ako pabalik.
"Kulang pa yan sa ginawa mo sa'kin kahapon, bruha ka!" Sigaw ni Kate.
"A-aray, ano ba! Tigilan n'yo nga ako!" Sigaw ko pabalik.
"Matapang ka na ngayon ha, girl akin nga yang dala mo" Sabi ni Kate at kinuha ang dala ng kaibigan n'ya na may mga harina at itlog.
"Pupunta sana kami sa cooking classes namin pero parang mas bagay naman to sayo" sabi ni Kate at binuhusan ako ng harina.
Wala akong magawa kasi hindi ako makatayo, sobrang sakit ng paa ko dahil natalisod ako habang pinagtatawanan nila ako.
"Tama na! Ano ba!!" Sigaw ko
"We're not yet done. Just relax there, baby." Sabi nito at ibiniyak ang itlog saaking ulo. Wala akong magawa kundi kinuyom ko lang ang kamao ko habang pinipigilan ang sarili ko.
"Hmm.. parang may kulang pa" Sabi ni Kate
At pagkatapos ay binuhusan n'ya ako ng gatas, basang basa na ako at ang dumi dumi ko na dahil sa pinag gaga-gawa nila saakin habang tinatawan lang nila ako.
"Perfect!" Sabi ni kate at tumawa ulit
Naiyak nalang ako nang umalis na sila dahil naaawa ako sa sarili ko dahil sa pinag-gagawa nila sa akin, nasa garden lang ako buong maghapon habang pinipilit ang sarili ko na tumayo.
YOU ARE READING
Elevator Girl
Short StoryZelle leads a simple life, but everything changes when her mother falls ill and is hospitalized. With her father gone, Zelle takes on multiple jobs to support them both. One day, she secures a position as an elevator girl for a prominent company. On...
