Dali-dali akong umalis para takasan ang kahihiyan na nagawa ko, napahiya pa talaga ako! Nakakainis, half swerte half malas yung araw ko ngayon.
Bumalik na ako sa ospital at dinalhan ng pagkain at prutas si mama at inasikaso muna s'ya, tsaka kinuwento ko kay mama na natanggap ako maging elevator girl sa Nazario's company, at ikinuwento ko din yung lalakeng mayabang kanina.
"Baka tinadhana kayo nun, anak" Tawa ni mama
"Nako, ma! Kung s'ya lang din naman ang makakatuluyan ko, ay wag nalang" Sabi ko at nandidiri sa sinasabi ni mama
"Ganyan din kami nagkakila ng papa mo, nung buhay pa s'ya" Sabi ni mama
"Ma, iba po kayo ni papa. Tsaka nakakainis yun eh, kahit s'ya nalang talaga ang lalake na nabubuhay sa mundo, hindi ko padin papatulan yung mayabang na yun" Inis kong sabi dahil naalala ko na naman yung lalakeng yun.
"Aysus, ganyan din yung iniisip ko dati, zelle. Pero andito ka na ngayon" Tawa nya
"Ma naman eh, ayoko nga sa kanya" Sabi ko
"Gwapo ba?" Tanong ni mama
"Medjo.. pero medjo lang naman, walang malisya" pagdedepensa ko at tumawa lang si mama
Kinabukasan pumunta na ako sa company ng Nazario's, inagahan ko talaga kasi sabi ng nag text ay dapat maaga ako para makuha ko pa yung uniform ko, 4:30 am pa lang ay nandoon na ako sa company.
Masyadong maaga pa ata ako dahil close pa yung company, kaya nagpahinga muna ako sa kilid at umidlip saglit, pagkagising ko ay nabigla ako nang sumikat na pala ang araw, tiningnan ko ang phone ko kung anong oras ay nagulat ako nang 7am na pala.
Dali dali akong pumasok sa company at malapit pa akong madulas buti nalang ay naka balance pa ako.
"It's your first day miss Vasquez and i told you na dapat maaga ka dito and malapit na mag alas otso!" Pinagalitan ako ng elevator operator
"Sorry po, ma'am" Nakayuko kong sabi
"That's your first warning miss Vasquez, I don't want this to happen again. Understood?" Sabi n'ya
"Yes po, opo ma'am" Sabi ko sa kanya
Sinimulan ko nang magtrabaho bilang elevator lady sa Nazario's company, nalaman kong dalawa pala kaming elevator girl, ako sa private at yung kasamahan ko naman sa public na elevator.
Na bo-bored na ako dahil puro taas baba lang yung elevator tsaka palagi ako nalang pumipindot, di ko talaga maintindihan bakit nag h-hire pa sila ng elevator girl, tinatamad ba silang pumindot?
Inaantok pa din ako dahil maaga akong gumising kanina at di ko namalayang may pumasok na pala, inaantok talaga ako kaya pasimpleng pumipikit ang mga mata ko
"60th floor, please" Sabi ng pamilyar na boses
Minulat ko na lamang ang aking mga mata at pinindot na lamang ang button para mahatid na tung taong to, hindi ko s'ya tinignan dahil inaantok talaga ako, gusto ko nang umuwi at matulog pero bawal kong gawin yun.
Pagkatapos nama'y lumabas yung lalake, sayang naman, likod lang yung nakita ko tsaka mag kasama pala s'ya, di ko napansin yun ah.
Feeling ko gwapo yung lalake, maskulado tsaka matangkad yung isa tsaka yung isa naman ay sakto lang pero matangkad din naman, pero mas matangkad yung maskuladong lalake.
Parang pamilyar talaga saakin yung matangkad na maskulado, parang nakita ko na s'ya. Hindi ko lang talaga matandaan.
Nagtrabaho na lamang ako, tsaka nalaman kong may papalit pala saamin pag gabi na kaya pagkatapos ng trabaho ko ay pumunta ako sa ospital para kamustahin si mama.
"Kumusta naman yung trabaho mo? Maayos lang ba?" Tanong ni mama.
"Okay lang naman po, ma" Sagot ko at ikinuwento sa kanya ang mga nangyari kanina umaga, kung paano ako nakatulog at na late.
"Napaka excited mo kasi, zelle. Yan tuloy" Tawa n'ya.
"Luh, si mama. Tinatawanan lang ako" Sabi ko sa kanya.
"Pasensya na, nakakatawa ka kasi" pagdadahilan n'ya.
"Hindi mo siguro ako totoong anak noh, kaya pinagtatawanan mo lang ako, ma?" Tanong ko sa kanya at tumawa lang muli ito.
"Ma ampon ba ako? Anak ba ako ng mafia boss or ceo? Sabihin mo, ma!" pamimilit ko sa kanya at mas tumawa ito nang malakas.
"Grabe ka sa'kin ma, ha. Kinidnap mo siguro ako sa totoo kong mga magulang, ano?" Tanong ko sa kanya.
Pero tumawa at binatukan lang naman n'ya ako, napa aray ako sa sakit dahil ang bigat talaga nang kamay n'ya.
"Kaka-wattpad mo yan, zelle. Kung ano-ano nang nasa isip mo" Sabi ni mama.
"Baka lang naman ma, wag ka namang mambatok" sabi ko at hinihilot ang nabatukan n'ya.
"Para mabuhayan ka, kung ano-ano na kasi pinagsasabi mo jaan" sabi n'ya at natawa.
"Grabe ka talaga sa'kin ma, di mo na ba ako mahal?" Pag da-drama ko pero binatukan n'ya lamang akong muli.
Kinabukas naman ay pumunta na ako sa saktong oras kaya hindi na ako napagalitan, nakilala ko na rin yung isang elevator girl dahil ang pangalan n'ya daw ay ely, tinadhana talaga yung pangalan at trabaho n'ya. Magkasing tunog lang.
Inayos ko na yung pag ta-trabaho ko at masaya sko dahil for the first time, walang malas ngayong nangyari sa buhay ko.
Habang nasa elevator ako ay inaayos ko yung sapatos ko kasi natanggal yung sintas kaya inayos ko muna, habang inaayos ko ay may pumasok sa elevator kaya dali-dali akong tumayo at tinanong kung anong floor ba.
"Ano pong floor—" hindi natapos ang sasabihin ko nang..
YOU ARE READING
Elevator Girl
Short StoryZelle leads a simple life, but everything changes when her mother falls ill and is hospitalized. With her father gone, Zelle takes on multiple jobs to support them both. One day, she secures a position as an elevator girl for a prominent company. On...
