6

22 3 0
                                        

Galit na galit ako sa kanya at nanggigigil ako pag naalala ko yung mukha n'ya na tumatawa at pinag ti-tripan ako, sinusumpa kong gagantihan ko s'ya pero kailangan ko munang magpalamig ng sitwasyon.

Ilang linggo at buwan ang nagdaan at yun lang palagi ang nangyayari, palagi n'ya akong iniinis. Imbis na nagpalit ako ng schedule ay mas parating nakikita ko s'ya pag gabi dahil para lang inisin ako.

Sayang ang kagwapohan, magandang pangangatawan at kagaling n'ya sa pananamit kung iyon nama'y natatakpan ng kasamaan.

Palagi ko malang kino kontrol ang aking sarili na hindi s'ya kutusan dahil sa inis at pang iinis n'ya sa'kin palagi.

Kahit na anong hirap ang gawin ko para maiwasan ko lang s'ya, s'ya naman ang lapit ng lapit saakin. Palagi n'ya lang akong iniinis na para bang magiging okay s'ya pag nakikita akong naiinis.

Isang araw habang nasa mall ako at bibili sana ng mga damit, nakasalubong ko si kate at kanyang mga kaibigan, dumaan ako sa kabilang daan pero naabutan pa rin nila ako.

"Oh.. hi zelle!" She smiled fakely

"Ano nanaman ba?" Inis kong tanong

"Hala, grabe sya.. ganyan kana ba talaga?" Pagdadrama n'ya

"Wala akong oras sa mga ganyan mo, kaya padaanin mo na ako" Sabi ko at aalis na sana pero hinila n'ya ako pabalik

"Wait lang.. dito ka muna, magkwentuhan muna tayo" saad ni kate

"Ano ba, bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya dahil hinila n'ya ang damit ko

"Lumalaban kana pala ngayon ha!" Sigaw n'ya at akmang sasampalin na sana ako pero biglang may humawak sa kamay ni kate para hindi matuloy na masampal ako

"M-mr. Nazario! Hi, anong ginagawa mo rito?" Tanong ni kate habang nakangiti ng pilit

Tiningnan ko kung sino ang pumigil kay kate at nagulat ako nang makita ko si Quian na seryoso ang reaksyon habang tinitingnan nang masama si Kate.

"Is this how the daughter of a politician should behave, Miss Montemayor?" Seryosong sabi ni Quian.

"I'm sorry, Mr. Nazario," Saad ni Kate at yumuko dahil sa kahihiyan.

"I don't want to see or hear about you bullying her again, or else you'll know what will happen given your father's connection to me as a politician" Saan ni Quian.

"Yes, Mr. Nazario, it won't happen again. I promise." Saad ni kate at dali-daling umalis.

"Hindi mo naman kailangang gawin yun eh" Sabi ko kay Quian

"Anong hindi? Ayaw ko lang ng may binubully" Saad n'ya

"Teka lang.. Anong ginagawa mo rito, ha? Sinusundan mo nanaman ba ako?!" Tanong ko sa kanya

"Huy, grabe ka ha.. ikaw na nga yung tinutulungan tas ikaw pa magsusungit sa'kin ngayon?" Saad n'ya

"So, sinusundan mo nga ako? Umamin ka nga, crush mo ba ako? Ha?" Pinanlisikan ko s'ya ng mata

Hindi s'ya nagsalita nung una dahil tiningnan n'ya lang ako na para bang may iniisip s'ya tas pagkatapos nun ay tumawa s'ya.

"Bwesit ka!" Kinurot ko s'ya

"Aray naman, Zelle! Sakit nun ha" Reklamo n'ya

"Hindi kita sinusundan huy, nagkataon lang na may bibilhin sana ako tas nakita kita, pupuntahan sana kita pero nakita ko yung nang bully sa'yo" Paliwanag n'ya

"So, sinusundan mo talaga ako, ha?!" Inis kong sabi

"Sino ka ba para sundan ko, ha?" Tawa n'ya

"Che! Layuan mo nga ako. Di tayo open" pag irap ko sa kanya

"Anong open? Pinagsasabi mo?" Tanong n'ya

"Jusko! Ang simple simpleng english, hindi alam! Mag aral kana kuna kaya" Reklamo ko

"Anong hindi open..? Ahh.. kaibahan ng close?" Saad n'ya at pagkatapos nun ay tumawa s'ya ng malakas na para bang mamamatay na s'ya

"Ano ba'ng tinatawa-tawa mo jan ha? Walang nakakatawa!" Inis kong sabi

"Iba ka rin, eh no?" Tawa n'ya

"Bwesit ka, nang iinsulto ka ba, ha?" Inis kong sabi

"Hindi noh, wala naman akong sinabi ah" Saad nya at tumawa ulit

"Nakakainis ka na ha, palagi mo nalang ako iniinis!" Inis kong sabi

"Anong ako? Hindi kita iniinis uy, ikaw lang yung kusang naiinis kahit wala akong ginagawa" Saad n'ya

"Bwesit, nakakainis ka naman kasi!" Sigaw ko

"Kunwari ka pa, e crush mo naman ako" Saad n'ya

"Ang kapal kapal talaga ng mukha mo! Sarap hampasin" Panggigigil ko

"Hampasin nga ba? Baka gusto mokong e kiss ha! O dito pagbibigyan na kita, e kiss moko dito sa cheeks" Sabi n'ya at tinuro ang kanyang cheeks

"Yuck! Mas nanaisin ko pang halikan ang pwet ng unggoy kaysa jan sa mukha mo! Kadiri ka!" Pandidiri ko sa kanya

"Huy, grabe ka ha.. ikaw lang tumanggi nyan sa'kin, ikaw na nga tung pinagbibigyan eh" Saad n'ya

"Layuan mo nga ako, che!" Sabi ko at umalis na para makalayo sa kanya

Elevator Girl Where stories live. Discover now