Ngumiti ako nang marinig ko ang sinabi ni Zelle saakin kaya niyakap ko s'ya nang mahigpit at yinakap n'ya naman ako pabalik
"Mahal din kita, Zelle" I stated
Tumingin s'ya sa'kin at umiyak muli, kaagad naman na bumalik ang ilaw at naayos na ito, umandar na rin ang elevator kaya nagulat si Zelle.
Tumawa ako ng malakas at tiningnan naman ako ng masama ni Zelle pero hinalikan ko nalang ito, nagulat s'ya nung una pero hinalikan din naman n'ya ako pabalik.
------------------
Gusto kong bumili ng prutas para may masustansya naman akong kakainin, papasok na sana ako sa fruit shop nang may biglang nakabangga akong babae.
Natulala pa ako nung una dahil sa ganda nitong babae na nakabangga ko pero nung tiningnan n'ya ako ay parang nakakatakot dahil sa sama ng tingin n'ya sa akin
Sinisi n'ya ako dahil raw sa hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko, inaway n'ya ako kaya nakisabay nalang ako sa kanyang mga sumbat saakin. I find it cute when she's angry and mad at me
I offered na papalitan ko nalang yung watermelon na nabiyak pero tumanggi s'ya at bigla nalang umalis.
------------------
Pumunta ako sa coffee shop para bumili ng paborito kong kape, naiwan yung pitaka sa table ko kaya kinuha ko ito at bumalik na ako sa linya pero nagulat ako bigla nang may sumigaw sa likod ko.
Nakita ko yung babaeng umaway saakin kanina sa fruit shop at ngayon naman ay inaaway n'ya nanaman ako kaya sinasabayan ko nalang din dahil nagiging cute s'ya pag nagagalit kaya mas ginagalit ko pa.
Pagkatapos naming mag away ay inoffer ko nalang sa kanya na s'ya nalang ang mauna pero tumanggi s'ya at biglaan nalang umalis kaya natawa nalang ako.
------------------
Pumunta na ako sa trabaho at pagkapasok ko sa elevator ay bago na ang elevator girl, hindi na yung isa pero hindi ko nalang ito pinansin kahit pamilyar na pamilyar ito saakin.
Lumabas na ako sa elevator at pagkahapon naman ay bumaba ako, pumasok ako sa elevator at nagtanong yung elevator girl kung anong floor ako pero pag tingin n'ya saakin ay nagulat ako nang yung babae na inaway ako sa fruit shop at sa coffee shop ay yun pala ang bagong elevator girl.
Inaway nanaman n'ya ako kaya sinasabayan ko nalang, natatawa ako sa babaeng to dahil sa kaniyang attitude, ngayon lang ako naka meet ng ganitong babae.
Dali dali n'ya akong pinalabas pero hindi ko narinig yung sinabi n'ya dahil pinagsarhan n'ya na ako ng elevator, natawa ako sa kanya at gusto ko pa s'yang makita kaya pinindot ko muli ang elevator at yun na nga, bumungad saakin ang maganda at galit na galit n'yang mukha
------------------
Napansin kong nag iba s'ya ng schedule at palagi n'ya nalang akong pinagsisirhan pag nakikita n'ya ako, nagalit yung secretary ko kaya ni report n'ya ito sa elevator operator, kaya pinagalitan ko ang secretarya ko at yung operator ng elevator dahil pinagalitan nila si Zelle.
Naglalakad ako at saktong nakita ko si Zelle na nagmamasid sa paligid kaya ginulat ko s'ya at nagalit nanaman ito saakin, di ko maiwasang hindi inisin s'ya dahil ang cute n'yang magalit.
Gusto ko rin na palagi n'ya akong pinapansin at saakin lang nakatutok ang atensyon n'ya kahit kamuhian n'ya pa ako o kagalitan
Everytime i'm around Zelle, I feel at ease and relaxed, like she's my safe haven. Despite her feisty attitude, she's my comfort zone, and I adore everything about her. I love her.
Yung mga oras na yun ay tinakot ko sya dahil palagi n'ya akong pinagsasarhan, natawa ako sa reaksyon n'ya dahil takot na takog s'ya, ang cute n'yang tingnan
YOU ARE READING
Elevator Girl
Short StoryZelle leads a simple life, but everything changes when her mother falls ill and is hospitalized. With her father gone, Zelle takes on multiple jobs to support them both. One day, she secures a position as an elevator girl for a prominent company. On...