3

25 2 0
                                        

"Ikaw nanaman?!"

"Ikaw nanaman?!"

"Ikaw ha, hindi na to coincidence! Sinusundan mo na talaga ako!" Sigaw ko sa kanya.

Yes, s'ya nanaman. Yung nakabangga ko sa fruit shop at noong nakaaway ko sa coffee shop, palagi nalang talaga kaming nagkikita, sinusundan na talaga ako nito.

"Anong sinusundan? Ba't naman kita susunod ha?" Tanong n'ya

"Siguro crush moko noh?" Resbak ko dito para makaganti sa ginawa n'ya nung una.

"Grabe miss ha, i think you're the one who's following me. Dahil kung nasaan ako, nandoon ka rin" sabi n'ya

"Huy mister who is you are! Wala akong pakialam sa'yo kaya panipisin mo yang mukha mo kasi ang kapal na!" Sigaw ko sa kanya

"Anong who is you are?" Tawa n'ya

"There's no funnying in what i am saying! Kaya wag kang tumawa jan, baka maupakan kita jan eh" pagbabanta ko.

Sumandal s'ya sa kabilang side ng elevator habang naka cross mga kamay, kinagat n'ya ang ibabang bahagi nang kanyang labi upang pigilan ang kaniyang pagtawa.

"Napaka attitude mo, ano?" Sabi n'ya

"At napaka yabang mo!" Sigaw ko

"Saan ka ba pupunta?" Inis kong tanong at tinalikuran s'ya, dahil pag nakikita ko ang mukha n'ya, naiinis lang ako.

"May pababa pa ba to?" Pilosopo n'yang tanong

"Nasa pinaka ibaba ka na, san mo ba gusto pumunta? Sa impyerno?" Resbak ko sa kanya

"Sana, para makilala ko naman friends mo" Sabi n'ya at tumawa ito

"Bwesit ka, nasa pinaka baba na tayo, saan ka ba pupunta?" Tanong ko

"Kung wala nang pababa, ibig sabihin, sa taas na tayo" pilosopo n'yang sagot

"Ang dami mong arte, sasabihin mo lang na pataas e. Anong floor ba?!" Naiinis kong tanong

"Top floor nga" Sagot n'ya

"Nabu-bwesit na ako sa'yo ha, anong floor mismo?" Seryoso kong tanong

"Top floor nga, kung hindi mo alam ibig sabihin ng top floor, nasa pinaka itaas. Sa 60th floor" Saad nito

"Bilisan mo na, kanina pa naka hold tong elevator oh, nakakahiya sa ibang sasakay" dagdag n'ya

"Oo na! Daming arte" inis kong sabi

"Oh, thank god" buntong hininga nito

"Ba't ka ba pupunta roon? Kanino ka ba'ng bisita, ha?" Tanong ko

"Wala" simple nyang sagot

"Anong wala? Ano to, libreng sakay? Trespassing ka, wala ka naman palang visit" Saad ko sa kanya

"Anong trespassing? I work here, miss" saad n'ya

"Sinungaling talaga, kilala ko na nagtatrabaho dito, huy!" Sabi ko

"No, you don't" simple n'yang sagot

"Anong I don't, alam ko na huy! Wag ka nang magsinungaling" Sabi ko

"Uh, for Pete's sake. I am not lying miss" Saad n'ya

May sasabihin pa sana ako pero biglang bumukas ang elevator, nasa 60th floor na pala kami.

"Salamat naman" pabulong n'yang sabi

"Kapag ikaw nagsisinungaling. Remember this, I'm looking at you!" Sabi ko at pinanlisikan s'ya ng mata

"What-"

Di na n'ya natapos ang sasabihin n'ya dahil na close na yung elevator, salamat naman ay di ko na makikita yung taong yun, nakakainis talaga!

Makakababa na sana ako nang biglang tumaas na naman yung elevator dahil may pumindot sa 60th floor, kumukulo na naman yung dugo ko dahil alam kong ang lalakeng yun na naman ang bubungad saakin.

Pinapakalma ko ang sarili ko upang hindi ko sa maupakan dahil nanginginig na talaga ang kamay ko dahil sa inis at galit ko sa kaniya.

"Ano nga ulit sabi mo?" Tanong n'ya agad pagkabukas ng elevator

"Nang ga-gago ka ba, ha? Nagtatrabaho ako tas tatawagin mo lang ako para jan? Bwesit ka!" Sigaw ko sa kanya

"Sige, bye" tawa n'ya at clinose ko na yung elevator

Kumukulo ang dugo ko at nag iinit ang katawan ko dahil sa galit, nakakainis talaga yung lalakeng yun. Bwesit!

Pero napakalma ko naman na ang sarili ko dahil may ibang sumasakay rin naman sa elevator, di naman pwedeng pag sungitan ko sila. Baka masesante pa ako.

Pero kahit anong hirap na kalimutan yung inis ko sa lalakeng yun ay palagi ko s'yang naiisip, ewan ko ba kung bakit, siguro sa inis ko. Pag naiisip ko s'ya ay kumukulo talaga ang dugo ko.

Sumapit ang hapon, laking pasasalamat ko dahil hindi ko nakita yung lalakeng yun kasi hindi pa s'ya bumaba, kaya dali-dali akong pumunta sa ospital para bisitahin si mama.

"Oh, kumusta araw mo?" Tanong ni mama

"Nako ma, hindi ka maniniwala" Sabi ko sa kanya

"Oh? Ba't naman?" Tanong n'ya

"Yung lalakeng na kwento ko sa'yo, yung nakabangga at nakaaway ko" Saad ko

"Bakit naman? Ano meron?" Tanong n'ya

"Nako! Nagkita nanaman kami kanina, doon pala s'ya nagtatrabaho sa kompanya na pinapasukan ko rin" Sagot ko

"Hala, anak. Tadhana na talaga yan" Tawa ni mama

"Ma naman eh! Hindi tadhana yun, ang tawag dun ay malas" Sabi ko sa kanya

"Malas nga ba?" Tawa ni mama

"Oo nga ma eh" sagot ko

"Sige, sabi mo yan e" Tawa n'ya parin

"Loh, si mama. Ano ba'ng nakakatawa nun?" Tanong ko

"Wala" tanggi nito pero nagpipigil parin ng tawa

Pagkatapos ng pag uusap namin ni mama ay naisipan kong lumabas para bumili ng pagkain, sumakay ako ng elevator dito sa hospital, biglang huminto ito sa 5th floor at may biglang pumasok.

"Ikaw?!"

"Ikaw?!"

"Hindi na talaga to coincidence miss, ha!" Saad nito

"Talagang hindi na, sinusundan mo na talaga ako! Bwesit ka" sigaw ko sa kanya

"Anong ako? Ikaw yung sumusunod sa akin!" Sagot n'ya

"Ang kapal mo, sino ka ba para sundan ko ha?!" Sigaw ko

"Ako lang naman si Quian na crush mo at palagi mong sinusundan" ngisi nito

"Napaka kapal, jusko!" Pandidiri ko sa kanya

"Tama ka, ang kapal na nang kagwapohan ko kaya obsessed na obsessed kana saakin, naging stalker pa!" Pagmamayabang nito

"Anong brand ba yang mukha mo? Ba't ang kapal?" Naiinis kong tanong

"Kagwapohan lang yan miss" sagot n'ya

"Bwesit, bwesit, bwesit" pabulong kong sabi at tinalikuran s'ya

"Ano ba'ng ginagawa mo dito, ha?" Tanong ko sa kanya

"Napaka chismosa mo, ano?" Pilosopong saad nito

"Wala ka bang enter, ha? Palagi mo nalang akong sinusundan!" Sabi ko sa kanya

"Enter? Anong enter?" Naguguluhang tanong nito

"Jusko! Simpleng english, di alam!" Sabi ko at inirapan s'ya

"Ano ba kasing enter, ha? Kahit sino naman siguro ay di alam kung anong sinasabi mo jan" Saad nito

"Pasok ba! Wala ka bang pasok? Jusmi!" Sigaw ko sa kanya


Elevator Girl Where stories live. Discover now