"ah, enter.. pasok?" Sabi n'ya at tumawa ng malakas
"Ano ba'ng nakakatawa ha?!" Naiinis kong sabi
"Pano ba kasi, ang galing mong magpatawa" Sabi n'ya at tumawang muli
Dahil sa inis ko, sinuntok ko s'ya sa tiyan at agad na umalis palabas dahil nag open na ang elevator, napa aray naman s'ya sa sakit kaya okay na ako dun. Sawakas nakaganti rin
Pagkatapos kong bumili ay bumalik din naman ako, laking pasalamat ko ay hindi ko na nakita yung pagmumukha nang lalaking Quian na yun, palagi nalang. Haynako!!
Kinabukasan naman ay bumalik nanaman ako sa trabaho, nagulat ako nang biglang pumasok si Quian at masama ang titig nito saakin, naguluhan ako dahil siya na ang nagpindot ng button.
Tahimik lang s'ya kaya hindi na rin ako nagsalita, galit kaya s'ya sakin dahil sa ginawa ko kahapon? Ah bahala na, kasalanan n'ya naman.
Malalim ang iniisip ko habang umaandar parin yung elevator, sa gitna ng tahimik ay bigla akong nagulat dahil ginulat n'ya ako
"Sawakas! Nakaganti rin" Tawa nito
"Bwesit ka! Muntik na akong mamatay!" Sigaw ko sa kanya
"Ang oa mo, ginulat lang naman kita" Saad n'ya
"Bwesit, tigil-tigilan mo nga ako. Suntukin kita ulit eh" Pagbabanta ko sa kanya
"Huy, ansaket nung ginawa mo kahapon ha" Sabi n'ya at nagdadrama
"Nakakainis ka kasi! Kasalanan mo yun" Sabi ko sa kanya
"Anong ako? Wala naman akong ginagawang masama ah" Tawa n'ya
"Sadyang, nakakatawa ka lang" Tawa n'yang muli
"Wag mokong inisin ngayon ha, baka masapak kita nang wala sa oras" pagbabanta ko sa kanya
"You're scary, miss" Saad n'ya
"Me? Scary nah uh. Not happenings" Sabi ko't inirapan s'ya
"What—"
"I'm ultra mega beautiful" Pag talikod ko sa kanya
"Nakakatawa ka talaga miss" Tawa n'ya ulit
"Ano nanaman bang gagawin mo sa 60th floor, ha? Magnanakaw ka siguro ba" Sabi ko sa kanya
"Itong mukhang to? Magnanakaw? Sayang naman kapogian ko n'yan" turo n'ya sa mukha n'ya
"Saan ka ba pinaglihi ha? Ba't ang kapal kapal ng mukha mo?" Inis kong tanong
"Pinaglihi ako sa kagwapohan" Sabi n'ya at kumindat pa sa'kin
Nag init ang mukha ko kaya tinalikuran ko s'ya para hindi n'ya ko makita.
"Ano ba talagang gagawin mo dun?" Seryosong tanong ko
"Magtatrabaho eh, ano pa nga ba?" Pilosopong sagot n'ya
"Anong magtatrabaho ka dun? Sa pagkakaalam ko, CEO lang nang kompanya ang nagtatrabaho dun. e, ceo ka ba ha?" Pilosopo kong sagot
Natigilan muna s'ya at hindi nagsalit kaya tiningnan ko s'ya at nakatingin na s'ya sa'kin pero seryoso ang mukha n'ya kaya naguguluhan ako.
"Wag mo sabihing CEO ka nga?" Pagtawa ko
Nagkibit balikat lang s'ya tsaka aaktong paalis na dahil nagbukas na ang elevator.
"See you around" Simple n'yang sabi at tuluyan nang umalis
Naiwan ako sa elevator na malalik ang iniisip, baka s'ya nga ang CEO sa company na to? Pero mukhang napaka imposible naman nun, e ang yabang nun.
Tsaka, ang mga alam ko sa mga CEO ay cold tapos seryoso, pero magkaiba naman sila nang lalakeng yun. napakamayabang at ang taas ng tingin sa sarili, sarap kutusan.
Para masagot ang mga tanong ko ay pinuntahan ko si ely ang kasamahan ko na elevator girl din para magtanong.
"Ely, kilala mo ba kung sino ang CEO rito sa kompanya na to?" Tanong ko sa kanya
"Huy dzae, ang gwapo ng CEO rito, nakakasabay mo ano?" Tanong n'ya
"Hindi ko nga alam kung sino e" Saad ko
"Hindi ko rin alam pangalan n'ya e, pero sure naman akong Nazario ang apilyedo nun" Sagot n'ya
"Pero nakita mo na s'ya?" Tanong ko
"Oo dzae pero minsan nga lang, minsan lang din naman kasi magpakita yun" Sabi n'ya
"E describe mo nga itsura n'ya, ely" Saad ko sa kanya
"Hmm.. Matangkad, maskulado.. matangos ang ilong, makapal ang kilay, pula ang mga labi.. maganda ang mga mata.. tsaka matalas ang kanyang jaw line" Sabi ely
Hindi ako makapagsalita, lahat ng sinabi n'ya ay tugmang tugma doon sa Quian na yun, nahihiya ako sa pinagkakagawa ko kaya naisipan kong magpalit ng schedule at gawing gabi na lamang.
Di naman kasi pwedeng umalis ako rito sa trabaho na to, sayang naman kung ganoon. Kaya mas pipiliin ko nalang na iwasan yung lalakeng yun.
Pag may pipindot sa 60th floor ay magpapapalit ako sa kasama ko at mag rarason na mag c-cr muna, ilang araw ko ginawa yang strategy na yan. Alam ko namang hindi pangmatagalan pero at least gumagana, diba?
Isang gabi habang nagtratrabaho ako ay may pumindot ng elevator sa ibang floor, agad kong hinila yung isang pasahero papasok sa elevator dahil paparating si Quian dito sa elevator.
Mabuti na lamang ay mabait yung nahila ko, nagdahilan nalang ako nang kung ano-ano at naintindihan naman din n'ya.
Iyan yung palagi kong ginagawa pag makikita kong paparating yung Quian na yun, palagi ko s'yang pinagsasarhan at magpapapalit ako sa kasamahan ko pagkatapos, nag aakto naman akong hindi ko s'ya nakikita kaya ayos lang naman siguro yun.
Isang gabi, pinatawag ako ng elevator operator namin dahil bakit ko raw pinagsisirhan ang mga sasakay ng elevator, pinagalitan ako ng elevator dahil kung bakit ko raw ginagawa yun.
"Ma'am, wala po akong alam sa sinasabi n'yo." Tanggi ko
"Miss Vasquez, mayroong mismong nag report saakin na palagi mo raw s'ya sinisirhan" Saad nito
"Hindi ko po siguro s'ya nakita ma'am tsaka baka mabagal s'ya kaya nasisirhan" Pagdadahilan ko
"I don't want this to happen again, understood?" Saad nito
"Opo ma'am" nakayuko kong sabi
Bumalik na ako sa trabaho ko at laking pasasalamat ko naman ay di ko nakita yung taong yun, habang naghihintay ako ng sasakay sa elevator ay inaantok ako kaya napagdesisyunan kong ipikit muna ang aking mga mata para makatulog saglit. Pero nagising ako bigla nang may nang gulat saakin.
"Bulaga!"
YOU ARE READING
Elevator Girl
Short StoryZelle leads a simple life, but everything changes when her mother falls ill and is hospitalized. With her father gone, Zelle takes on multiple jobs to support them both. One day, she secures a position as an elevator girl for a prominent company. On...