Tumingin kami dalawa ni Jake sa likuran ko para makita kung sino yung nagsalita, laking gulat ko nang makita ko si Quia na masama ang tingin saamin kaya biglang tumayo si Jake.
"A-ah Zelle, patawad. Sa susunod nalang" Saad n'ya at dali daling kinuha ang mga gamit n'ya at umalis
Tinignan ko ng masama si Quian at umupo naman ito sa tabi ko habang pinagmamasdan ako, hindi ako komportable sa titig n'ya kaya tinakpan ko ang kanyang mata gamit aking mga kamay.
"Ba't ka ba nandito, ha?!" Tanong ko
"Sinundan kita" Sabi n'ya at hinawakan ang kamay ko para alisin sa kanyang mukha
"Inaamin mo na nga, sinusundan mo talaga ako noh?" Tanong ko
"Hindi ah" Tanggi n'ya
"So, bakit sinusundan mo'ko?" Tanong ko at pinanlisikan s'ya ng mata
"Wala nang tagapindot ng elevator, tinatamad akong pumindot" Sagot n'ya
"Jusmiyo! Para jan lang?! Pinuntahan mo'ko rito?" Inis kong sabi
"Bakit? Ano pa bang ine-expect mo?" Tanong n'ya
"Utang na loob, pati pag pindot gusto mong ako pa rin? May pumalit naman sa'kin dun ah" Saad ko
"Ayaw ko sa kanya. Gusto ko, ikaw lang" Saad n'ya
"Jusko! Kilabutan ka nga, nakakadiri yang nga pinagsasasabi mo jan" inis kong sabi
"Bakit? May mali ba dun?" Tanong n'ya at inilapit ang mukha saakin
Agad ko namang tinulak ang mukha n'ya papalayo tsaka dali daling umalis para maiwasan s'ya, naiinis talaga ako bwesit talaga yung lalakeng yun!
"Zelle, teka-"
Hindi s'ya nakatapos ng tumakbo na ako papalayo at bumalik na sa kompanya ng biglang may paparating na kotse at hindi ko ito napansin, akala ko'y katapusan ko na pero may biglang humila saakin at napayakap ako dito.
"Balak mo bang magpakamatay ha?!" Sigaw n'ya sakin
Hindi ako nakapagsalita ng niyakap n'ya ako at para bang nag aalala ito saakin, agad ko naman s'yang tinulak
"Ano bang pakialam mo ha?! Sana hinayaan mo na lang ako!" Sigaw ko sa kanya
Tiningnan n'ya lang ako at hindi umimik, dahil sa inis ko ay tinulak ko s'ya papalayo saakin ngunit hindi pa rin s'ya nagsalita.
"Utang na loob, Quian. Layuan mo na ako! Palagi mo nalang akong iniinis! Ayaw ko sayo!" Sigaw ko sa kanya
Tumingin s'ya sa sahig at tuminging muli saakin, nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata na may halo-halong emosyon, napagtanto ko na dapat akong magpasalamat at humingi ng tawad pero huli na ang lahat.
"Okay, if that's what you want. I'll leave you alone and not bother you anymore" Sabi n'ya at iniwan na ako
Nasaktan ako sa sinabi n'ya at pinagsisihan ang mga nasabi kong masama sa kanya, pero hinding hindi ko na mabababawi iyon kaya bumalik nalang ako sa kompanya at umuwi nalang.
Umuwi ako sa bahay at hindi muna ako pumunta sa hospital dahil gusto ko munang magpahinga, tinext ko naman si mama at sabi n'yay okay lang naman daw s'ya at kaya n'ya na ang sarili n'ya.
Nagpalamig muna ako ng ulo habang iniisip ang lungkot sa mga mata ni Quian kanina, nagsisisi talaga ako nang sabihin ko sa kanya yun. Kung makakabalik lang sana ako ay hindi ko na sasabihin yun sa kanya.
Sinampal-sampal ko ang sarili ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko at dahil sa kataasan ng pride ko, ang sama sama kong tao.
Kinabukasan ay pumasok na ako sa trabaho at nakatulala lang ako buong maghapon dahil hinihintay ko si Quian na papasok at para humingi ng tawad.
Habang nakatulala ako, bigla akong nabuhayan ng nakita ko si Quian na papapasok sa elevator, akmang magsasalita na sana ako pero nilagpasan n'ya lang ako at hindi tinignan.
"60th" Malamig n'yang sabi kaya sinunod ko nalang
Tahimik kaming dalawa habang papaangat at papaangat ang elevator, gustong gusto kong magsalita pero parang may pumipigil sa bibig ko na magsalita.
Nag inhale, exhale ako at tinipon lahat ng courage ko para mag salita, nanginginig at nanglalamig ang katawan ko dahil hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon, lalo na saamin ni Quian.
First time naming hindi na usap dito sa elevator at hindi nagbangayan kaya hindi ako sanay at parang nahihiya ako sa kanya na hindi ko maintindihan.
Magsasalita na sana ako pero biglang bumukas na ang elevator at umalis na s'ya, ngumuso nalang ako dahil sa dismaya. Siguro mamaya ko nalang s'ya kakausapin.
Naghintay akong maghapon na lalabas s'ya pero hindi parin s'ya lumabas, inextend ko na ang schedule ko para lang makausap s'ya. Inaantok na ako kaya pumikit muna ako saglit.
Naramdaman kong may pumasok pero hindi ko nalang ito tiningnan at naramdaman ko rin naman na s'ya na ang pumindot ng button kaya hinayaan ko nalang ito.
Pagkatapos ng ilang minuto ay minulat ko ang aking mga mata dahil bumukas na ang elevator nakita ko kung sino yung bagong lumabas at agad ko rin naman itong nakilala kaya hinabol ko ito at hinarangan.
"Q-quian" Sambit ko pero tinaasan n'ya lang ako ng kilay
"Mag usap tayo please" pamimilit ko
"I don't have time for nonsense. Now, get out of my way." Sabi n'ya at umalis na nang tuluyan
YOU ARE READING
Elevator Girl
Short StoryZelle leads a simple life, but everything changes when her mother falls ill and is hospitalized. With her father gone, Zelle takes on multiple jobs to support them both. One day, she secures a position as an elevator girl for a prominent company. On...