•••Staying in one place was not always permanent at all. It was the place that didn't give me an answer to all of my questions.
"Marami talagang lumuluwas dito sa maynila para sa mga pangarap nila. Kahit ang totoo naman ay lumuwas lang talaga sila dito para sa marangyang trabaho. At ang mahirap dito sa manila ay magulo. At halos lahat pa talaga ng mga tao dito ay nanggagaling sa mga probinsya.
"E diba nanggaling din kayo sa probinsya ante Luz?"
Kahit papaano nakapag pahinga na rin kami. At ipinapapasalamat ko ang lahat ng mga ito kay ante Luz. Dahil maaga lang kami nakapagpahinga kumpara sa karaniwang oras ng pahinga namin.
Naglilinis kami sa restaurant kung saan ang pinagtatrabahuan namin pagkatapos ng rush hour. Pinunasan ko ang mga hinugasang pinggan habang nakikinig sa usapan nila.
"Oo nanggaling ako doon sa probinsya namin dahil doon ako lumaki. Pero ngayon, simula nang magkapamilya na ako ay madalas nalang ako umuuwi doon."
"Kahit lahat tayo nanggaling sa probinsyang kinagisnan natin, ngayon ko lang napagtantong mas maganda parin talagang umuwi sa probinsya natin noh."
"Teka nga ba, kailan ba kayo uuwi sa mga probinsya niyo?"
"Si Mallory ang tanungin niyo ante luz. Nasa kabilang kanto lang naman ako uuwi eh."
Umismid ako habang umiling-iling. Alam ko na kung anong dahilan niya. Dahil siguro sa bagong niyang boyfriend.
"Wag mo akong inismiran diyan Mallory ha! Sige nga, ikaw ang tatanungin ko. Bakit aalis ka agad ha?"
"Alam mo namang hindi ako magtatagal dito,diba? Kailangan ko nakahanap ng matitirahan.
Lumawak ang mga mata niya at kaagad akong nilapitan. "Talaga ba Mallory? Sigurado ka na bang aalis ka na talaga?"
"Kailangan eh."
Umismid siya at marahang tinapik ang braso ko. "Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" Mababang boses niyang usisa kaya may lungkot rin akong naramdaman sa sandaling pagsasama namin sa ilang buwan dito sa maynila.
"Ayaw mo na ba ditong manatili ija? Napangiti ako ng nilapitan ako ni ante Luz. "Pero kung iyan talaga ang gusto mong mangyari, sana makahanap ka ng matitirahan mo. Pero bakit kailangan mo pang umalis dito ija?"
Napapangiti ako dahil sa pagsisiguro nila desisyon ko. Pero hindi ko na sinagot ang huling tanong.
"Bakit ba sa probinsya, hindi?"
Hindi parin ako tinantanan ni Emily hanggang sa apartment na tinitirhan namin ngayon, dahil sa biglaan kong desisyon.
"Tahimik lang kasi doon Emily eh.” Simpleng tugon ko habang siya ay nadismaya sa ideya ko na yun.
"Oo Mallory malaki kana ha. Pero bilang mas nakakatanda sayo, kailangan mo rin ng tulong ko eh no?"
I sighed heavily and shifted my gaze to her. Kumpara sa akin, ay mas marami pa siyang karanasan kaysa sa akin. Kaya malaki ang pasasalamat ko na nakilala ko siya. At higit pa doon, marami akong natutunan sa kanya.
"Ikaw? Mag iisa sa probinsya? Wala ka bang sariling probinsya? At bakit sa ibang probinsya ka pa pupunta kung may sarili ka namang probinsya na uuwian?”
Pero umihip lang ang hangin na sabay rin naglaho ang desisyon ko. Alam kong wala pa akong permanente na titirahan, pero gaya nang sabi ni Emily, ay kailangan ko talaga ang tulong niya.
"Sasama ka nalang sakin, sa gayon ay tatahimik na at maliwanagan na ang kaluluwa mo ha? Kasi alam mo ang bata mo pa sa lagay na yan eh, para makapag layo-layo."
Hindi ko alam kung anong klaseng emosyon ang nararamdaman ko tuwing nasa punto ako ng pagdedesisyon ko. May lungkot at takot. Pero kalaunan ay naiintindihan ko na ang kaibigan ko. Kailangan ko muna ng tulong niya, na sakaling hindi ko pa alam kung saan ako titira.
Dahil sa sitwasyon na ito ay hindi ko alam kung magiging tama pa ba ang desisyon ko.
"Sasama ka sa akin sa probinsya at ngayon naiintindihan ko na rin kung bakit ako mapapabalik sa probinsya namin. Dahil sayo, Mallory."
Napangiti ako at pinatuloy na ang mga ginagawa para sa pag alis namin sa susunod na araw.
YOU ARE READING
Waiting For Your Return, (reminiscence series#1)
RomanceMallory Castellano is considering leaving Manila with a friend for a private reason. When she arrives, she meets Edward De la Rosa, a man who enjoys and lives a simple life. Is their encounter supposed to bring her peace, or is Edward waiting for h...