•••
Hindi parin humupa ang ulan kinabukasan. Nagpaplano kami na dadayo kami sa bayan mamaya para mamimili ng mga kailangan namin at mga kailangan rin sa bahay.
Mag dadalawang araw na kami dito kaya napagdesisyunan namin na dapat may kailangan kaming gawin. Noong una, Hindi sang-ayon si Emily sa desisyon namin, pero kalaunan ay gagawan niya lang daw ng paraan. Pero hindi rin kami sang ayon sa gusto niya.
I suggested that I will be the one to pay for all the household necessities in the house. Pero hindi sila pumayag dahil bakit ko naman gagawin yon.
Hindi pumayag si giselle dahil kailangan niya rin gumastos sa mga bayarin at sa mga gastusin, kaya dapat kasama rin daw siya sa mga bayarin at mga kailangan dito sa bahay. Si Emily naman ay hindi sang-ayon sa aming dalawa, dahil pamamahay niya naman daw ito, kaya bakit daw kami ang namomroblema sa mga gastusin kung tutuusin ay kaya niya naman daw.
Wala akong problema sa bayarin. Nakapag ipon naman ako kahit papaano. Pero ang ginawa lang ni Emily ay pagtawanan kami tungkol sa mga bayarin. Dahil mga kailangan lang naman ang gastusin dapat, na siguro ay papayag pa siya na kami ang magbabayad. Pero kapag mga bayarin na sa bahay, gaya ng kuryente at iba pa, ay hindi talaga siya papayag na kami pa ang magbabayad. Kaya sa huli, naayos rin namin lahat.
“Mukhang maganda dito sa probinsya nyo ah. At mukhang hindi naman tayo mababagot dito.” pag iiba ng usapan ni giselle, nakasandal sa sink habang humihigop ng kape.
“Hindi talaga.” Si Emily na nagsasaing habang nilingon kami ng nakakalokong tingin.
“Oh bakit?” Si giselle na sumulyap pa sa akin at nagtaas ng kilay na may kasama pang nagtatanong na tingin. Hindi ko alam kung bakit pa siya naguguluhan sa mga kalokohan ni Emily.
“Ang probinsya ba talaga o… ang nasa may probinsya?”
“Anong ibig mong sabihin?” Si giselle.
“Ano ka ba talaga giselle, bingi ka ba o nagbibingian?
Natawa ako nang agad magbago ang reaksyon ni Giselle.
“Oo nga pala, paano mo naman nakilala ang mga yon?”
“Oh diba?” pang-aasar ni Emily dahilan na Inismiran siya ni giselle.
“Ano ka ba naman. Nagtatanong lang eh.”
“Eh kasi naman, pwede mo naman ako diretsuhin, giselle. Wag na kayong mahiya.”
“Nagtatanong lang diba? Masama ba magtanong?”
“Ano ba naman klaseng tanong yan. Syempre dito sila nakatira, ano sa tingin mo?”
Medyo humupa na ang ulan pagdating ng tanghali. Traditional house and bahay na tinitirhan namin dahil ang bahay na ito ay ang lumang bahay ng Lola na pinuntahan namin kanina. Lola ata ni Eric.
“Bakit ka nga pala dito nakatira Emily? At mukhang ikaw lang mag isa dito?” Hindi ko na mapigilang mag tanong sa kanya.
Lumingon siya sa akin at umupo sa harap ko sa hapag. Tumikhim Siya bago magsalita.
“Ito kasi yan, nagtatrabaho kami ng kaibigan ko noon dito. Dito mismo sa bahay na ito.” Itinuro niya pa ang bahay. “Ang may ari ng bahay na ito ay mga matatanda na at may sarili ng pamilya ang mga anak, kaya wala na sa kanila ang lupain na ito dahil sa dami nilang lupain, siguro hindi na mahalaga sa kanila ang lupain na ito. Kaya umalis na sila at doon na naninirahan sa maynila kasi alam mo naman, mayaman na. ”
Napalingon ako kay giselle na lumapit sa amin at umupo sa tabi ko.
“At yong Lola ni Eric, yong binatilyo kanina? Yong lola niya na ang namamahala dito at may munting farm sila na nasa malapitan lang rin dito.”
YOU ARE READING
Waiting For Your Return, (reminiscence series#1)
RomanceMallory Castellano is considering leaving Manila with a friend for a private reason. When she arrives, she meets Edward De la Rosa, a man who enjoys and lives a simple life. Is their encounter supposed to bring her peace, or is Edward waiting for h...