Chapter 13

50 3 0
                                    

•••

Dalawang araw na ang lumipas. Bumalik na sa normal ang lahat.  Marami pa akong walang alam dito sa tinitirahan namin. Pero kahit papaano, habang ang pananatili namin dito ay nagbibigay ng kapayapaan na gawin ang mga gusto namin at mga bagay na hindi pa namin alam, ano pa ang ibang dahilan para hindi kami maging kuntento.

Nasa ilalim kami ng malaking puno kung saan katabi ito ng bahay. General cleaning ang ginagawa naming ngayon umaga.

Nakatingin ako sa sa malawak na kalupaan kung saan ang mga punong mangga ang nasa may banda namin.  Sa ilang linggo na namin dito ay hindi parin nagbabago ang panahon.

Kung hindi maputi ang kalangitan ay uulan. Madalas na ang ganitong panahon dito.

Mabuting pinayagan kami ni Emily na umalis muna at pupunta kami sa palengke. Si Giselle ay gustong- gusto pumunta sa public market bago sa bentahan ng mga isda at mga karne.

May gusto siyang bilhin kaya hinayaan ko nalang. Kaya sa huli ay nakabili rin ako ng dalawang klase na dress. Kahit hindi ko naman intensyon na bilhin yon.

“Alam mo ba kung anong preskong isda?” Mukhang naririnding sabi niya.

Pareho kaming nagtitinginan sa mga isdang nakalatag sa harapan namin.
Iginala ko ang paningin ko na sakaling may makikita pa kaming mga ibang mauulam.

“Manok na lang kaya? O Karne!”

Napalingon pa ang mga tindera at mga ibang tao na malapit sa amin kaya may konting hiya akong naramdaman kaya siniko ko si giselle.

“Ano ka ba?”

Hindi na kami nagtagal doon at umuwi na kami. Nasa bahay na kami at nadatnan namin si Emily sa kusina. May mga gulay at mga prutas sa mesa pagkarating namin kaya napatingin ako kay Emily.

“Saan galing ang mga ito?” tanong ko kay Emily. Lumingon naman siya sa akin.

“Oo nga pala. Pumunta dito si Edward kanina para ibigay yan lahat dito.”

“Ang dami naman nito kung sa ganun.” Si giselle.”

Ngayon ko ulit na alala si Edward pagkatapos ng huli namin pagsasama at kahapon. Naalala ko na naman ang huli naming pagsasama na nakikiuwi kaagad ako ng walang magandang paalam at rason sa kanya. At naalala ko pa ng hindi ko na siya nakausap pagkarating namin dito sa bahay nang hinatid niya ako. At lalo na Ang kahapon.

Nakahawak pa ako sa noo ko kasabay ng napahilamos pa ako sa mukha ko habang naaalala ang kahapon.

Pagkatapos ng tanghalian ay wala na kaming ginawa kaya lalabas muna ako ng bahay at pumunta sa dalampasigan.

Ilang minuto ang lumipas naaninag ko si Edward. Tulala siyang nakatingin sa gawi ko galing sa kalayuan na hindi ko pala namalayan na nandoon siya. Nang lumapit sa kanya ang kapatid ay matanaw ko pa kung paano siya napakamot sa ulo niya at masama ang tingin sa kapatid. Sumulyap pa siya sa akin at tsaka bago umalis.

Pagka-uwi ko sa bahay ay may mga boses akong naririnig na nag-uusap. Dahil rin sa kuryosidad ay hinay-hinay akong pumasok.

Maganda at matangkad na babae ang bumungad sa akin. Napaawang ang labi niya nang makita ako. Pareho kaming nagulat nang makita ang isa't isa

Pero sa sandaling iyon ay tiningnan niya ako galing ulo hanggang paa na nagpa kunot ng noo ko. Kaagad rin siya ngumiti sa akin pagkatapos gawin yun. Pero syempre hindi ako ngumiti pabalik.

Napasulyap ako kay giselle sa may bandang likuran niya kung saan nakahalukipkip. Nang magtagpo ang mga mata namin ay tinaasan niya ako ng kilay.

Kaagad ko rin nasilayan si Lucas at Emily galing sa kusina.

“Ay oo nga pala, ito ang isa kung kasama, si Mallory.” Maligayang sabi ni Emily.

Tiningnan ko lang ang babae sa harapan ko. Bahagya akong ngumiti sa kanya bilang tugon. Totoong maganda talaga siya at maliit ang kanyang mukha. At nasa katamtamang ang kulay ng balat. Maganda rin ang hugis ng katawan, purmado at manipis na baywang kung saan iyon ang gusto ng mga babae, na naging body shape standard na ngayon.

“Hello Mallory, I'm Mika.” bati at pakilala niya sa akin. Matamis ang pag-ngiti niya nang ginawa niya iyon.

Simula ng dumating ako ay puro pag-uusap lang ang inatupag nila. Naghahanda din si Lucas at Emily nang makakain sa hapunan.

Sila pala ang may ari ng bahay na tinitirhan namin ngayon. Kaya may konting guilt rin akong nararamdaman dahil sa naging asal ko sa kanya kanina.

Paminsan-minsan ay napasulyap ako sa kanya tuwing hindi siya nakatingin sa amin. At dahil hindi ko rin mapipigilan.

Habang nasa ganoong kaming kalagayan ay napansin ko ang pananahimik ni giselle.  Ngumuso ako at nilalaro ang bawat daliri ko habang nakikinig sa usapan nila.

“Kamusta doon sa pamamalagi mo sa maynila? Masaya ba?” Si Lucas habang nilapag ang Isang putahe ng ulam sa hapag.

“Oo naman noh. Masaya naman don at mabuting may mga kaibigan na kaagad ako. Na makakasama ko pa sa pamamasyal, at syempre sa mga gimik rin.”

“Naku, maganda nga doon kung marami ka namang talamak na pera. At mabuting mayroon ka ganung halaga para magliwaliw.” Si Emily.

“Hindi naman sa ganun Emily eh.

“Kung sa ganun, mabuting naisipan mong bumisita dito?” Si Lucas habang nilapag ang Isang malaking mangkok Ng sinigang.

“Syempre noh, hindi ko parin makakalimutan kung saan ako nanggaling.”

“Mabuting nga hindi.” Singit naman ni  giselle kaya gulat akong napabaling sa kanya. “I mean, galing ka nga sa probinsya nyo,which is dito.  Kaya dito ka rin uuwi.”

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya. Dahil para sa akin ay iba ang ibig niyang sabihin.

“Oo naman. Kaya nga ako nandito eh.”

Kung ako lang ang nakaramdaman at nakapansin sa sinabi niya, she's sounds like she mocking her. Pero hindi niya lang pinapahalata.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya maka asta.

“Kumain na tayo.” Si Lucas habang nilapag ang huling magiging ulam namin kaya nararamdaman ko kaagad ang pagkulo ng sikmura. Sigurado akong nagugutom na ako.

“Mukhang ang aga naman natin mag hapunan?’ si Emily.

“Edi mas mabuti para mas mahaba pa ang pagkukwentuhan natin pagkatapos” Tugon naman ni mika.

“Mauna na kayo, hindi pa ako gutom.” Paalam kaagad ni giselle at hindi na siya lumingon pa ng tinawag siya nina Emily.

Sinundan ko naman ng tingin si giselle hanggang sa nakita ko ang magkakapatid na si Eric at Edward. Nakasalubong pa nila ito si giselle habang pababa sa hagdanan kaya nakita ko kung paano nila ito sinundan ng tingin. Nang bumalik sa akin ang tingin ni Edward ay kaagad ko binalik ang tingin sa pagkain ko at pinatuloy na kumain.

Sinalubong kaagad din nila and dalawa at niyayang kumain. Hindi na ako umimik pa habang nakikinig nalang sa usapan nila. Minsan lang naman kapag may mga usisa sila tungkol sa akin o sa amin ni Emily. Kahit nararamdaman kong may mga tingin sa akin kahit hindi ko yun pinapansin.

Waiting For Your Return, (reminiscence series#1)Where stories live. Discover now