•••
Pagkauwi ko ay mabilis rin nagbago ang ihip ng hangin. Minsan naniniwala na ako sa kasabihan na kapag masaya ka ay may kapalit naman itong kahihinatnan.
"Hindi ko alam na madalas na siya pumupunta dito Mallory!" Si giselle habang nakayuko ngayon sa harap ko.
My gaze shifted at someone. Nanunuya akong natawa dahil sa pag tabingi ng buong istorya ngayon.
Pagkarating ko ay nadatnan ko si giselle at, Rafael! At ang hindi ko lang talaga kayang matanggap bukod sa biglaang pagpunta ni Rafael dito ay kung paano nila ako parehong niloko!
"Ang kapal mo rin, noh? Bakit, Sino ba ang gustong lumayas sa kanila, tapos ngayon nagagalit ka sa akin? Alam mo ba kung anong nangyayari sa inyo doon ngayon, ha? Kung hindi lang dumating itong kaibigan mo, naku!"
Napahinto pa siya sa pagsasalita habang nanunuyang napailing kaya mas lalo lang sumama Ang loob ko.
"Bakit, sino ka ba? Kahit ilang buwan na tayo magkasama pero kahit ultimo wala ka pang naikwento sa amin ni Emily tungkol sa pagkatao mo! Tapos ngayon, ako pa ang pagsasabihan mo ng ganyan?"
Hindi ko na rin mapigilan! Naguguluhan na ako sa nangyayari! Nagulat nalang akong pagkarating ko sa bahay na nandito na si Rafael! At ang mas malala pa ay ganun pala kalalim ang connection ng dalawa.
"Wow, ako pa ang hindi nag kwento? Bakit kilala ka na ba ni emily? Ikaw pa nga siguro ang maraming tinatago eh."
"Ano ba ang nangyayari sa inyo?" Sigaw ni Emily dahil nagsimula narin kami nag sisigawan dito.
"Please calm down, everyone," pilit na pumapagitna ni Rafael sa namamagitan na matinding tensyon sa amin.
"Calm down? Bakit? Madali lang ba para sa inyo na tumira sa probinsya na ito?"
I scoffed again. "Bakit ka nga ba nandito?"
"Sino ba ang dahilan?
"So are you blaming me?"
"Pwede ba, tama na yan? Magsisihan pa ba kayo dito pagkatapos sa nangyari?" pinapagitnaan na kaming dalawa ni Rafael kaya masama ko siyang tiningnan.
Hindi man lang siya nag sabi na pupunta siya dito! Tapos ngayon ito pa ang nangyayari.
"Naguguluhan na talaga ako sa inyo eh!"
Pareho kaming natahimik sa sandaling iyon, pero hindi naman yun nagtatagal sa ganoong sitwasyon dahil kailangan ko parin malaman kung ano talaga ang nangyayari. Kaya pinilit ko na pakalmahin ang sarili habang humakbang tungo sa bintana ng sala para makalanghap man lang ako ng sariwang hangin na sakaling pakalmahin nito ang kalooban ko.
"Please giselle, ipaliwanag mo naman! At ikaw rin!" Napahiyang napayuko pa ako pagkatapos sabihin ni Emily ang huling salita.
"Sasabihin ko naman eh." si giselle
"Ngayon na!"
Sandali siyang natahimik kaya lumingon ako sa kanya.
"Matagal na kitang kilala, Mallory. At Si Rafael naman ay matagal ko na rin siya kilala dahil sa connection ng family ko sa family niya. Ikaw lang ata Ang Hindi pa nakakilala sa akin."
"Bakit nga tayo napahantong sa ganito? Iyon ang gusto kong malaman!"
"Dahil sa kuya mo!"
"Anong kinalaman ni kuya dito?" naguguluhan kong tanong.
"Hindi mo ba alam na ikakasal na ang kuya mo?"
Mas nangunot ang noo ko dahil sa narinig. Paano naman napunta sa kuya ko ang usapan?
YOU ARE READING
Waiting For Your Return, (reminiscence series#1)
RomanceMallory Castellano is considering leaving Manila with a friend for a private reason. When she arrives, she meets Edward De la Rosa, a man who enjoys and lives a simple life. Is their encounter supposed to bring her peace, or is Edward waiting for h...