Chapter 41

4 1 0
                                    

•••

Maaga pa lang ay nag-aararo na kami pagkatapos namin mag-pakain sa mga baka.

“Naku wala talagang ibang inaasahan si yumaong Eduardo dahil nagmana rin sa kanya ang kanyang apo na walang Isang salita.”

Nanigas ako at natigilan. Hindi kalayuan ang mga nag-uusap dahil naririnig ko lang ang mga boses nila. O sinasadya talaga nilang iparinig sa akin?

“Hindi ko talaga alam kung bakit ibang-iba talaga ang batang iyan! Tumigil pa sa pag-aaral dahil hindi naman marunong makihalubilo.”

“At Palaging wala kapag may mga kaganapan sa nayon natin.”

Laglag panga akong natigilan at halos hindi na matuloy ang ginagawa. Napasinghap ako sa dismaya at kaunti na lang ay lilingon na ako.

“Yung pinsan lang yata ang kaibigan niya dito.”

“Pinili pa talaga ang magsaka kaysa mag-aral.”

Hindi ako makapaniwala sa narinig.

Ang mga salita na yun minsan ang nagpapatakot sa kalooban ko. Kahit alam ko kung ano ang gusto ko para sa buhay at masaya naman ako doon.

Hindi ko alam kung bakit hindi ganun ang tingin sa akin ni inay at itay. At syempre si Lola. Hinahayaan nila akong magising ng umaga na walang inaalala bukod sa mga alagang hayop at sa mga hardin.

Pero nung una ay dismaya ang pamilya ko. At pilit ko naman pinainintindi sa kanilang lahat. Lalo na si itay na hindi naging sang-ayon sa desisyon ko. At sa halip, inintindi ko sila, ngunit ako lang ang nahihirapan.

Tinulungan ko si Lola dahil ugali nitong gawin ang mga bagay na mag isa, at hindi ako sang ayon na ganun siya sa estado ng katandaan.

At ang mga kasama namanni Lola na mga matatanda ay hindi sang-ayon sa desisyon ko. Kaya ang nangyari ay pinatuloy ako ni Lola sa bahay, at masaya naman ako sa naging desisyon ko dahil sa kanila ni Lola ako namamalagi na kasama rin ang pinsan. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na kami nag-kaayos ni itay.

Sa huli ay nakita rin nila ako nang malampasan ko na silang lahat. At ramdam ko naman na lahat sila ay natigilan. At hindi naman ako galit pero gusto ko naman silang patulan kahit hindi ko naman gawain ang mga ganun.

“Ilang araw na ba tayong hindi nagkita-kita?”tanong ni Emily.

Kanina pa may hinahanap ang mga mata ko. Gusto kong salubungin pero si giselle ang bumungad sa pintuan na maraming mga dala.

“Kahapon lang nagkita tayo sa simbahan..” si Lucas na umupo sa harap ko.

“Ano yan?” Nagtatakang usisa ni Benjamin kay giselle.

Napabuntong hininga si giselle kasabay na inilapag ang mga dala. “Well…Syempre gumawa kami ni Emily ng snacks natin dahil pagkakataon naman na maaga lang pala ang mga out niyo sa trabaho.”

Kahit papaano nagustuhan ko ang ideya na yun. Napangiti ako nang makitang inilapag niya ang mga iyon sa malaking hapag.

“Hay naku nakakamiss talaga kapag ganito lang palagi. At masagana  siguro ang buhay kapag kwentuhan lang tayo buong araw.”

Nangunot ang noo ko sa nakangising si Lucas.

“Kwentuhan mo mukha mo!”

Nagulat si Lucas sa naging tugon ni giselle sa kanya. Kaagad sumilay ulit ang ngisi nito ngunit inirapan lang siya ni giselle.

“Ikaw naman kakarating mo lang mainit na agad ulo mo sa akin.”

“Maganda kasi kapag maaga lang natatapos ang mga gawain.  At kahit maaga lang natatapos, maaga rin naman tayong gigising ng umaga.” kaagad na sabat ni benjamin.

Waiting For Your Return, (reminiscence series#1)Where stories live. Discover now