Chapter 38

27 0 0
                                    

•••

Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa nakarating kami sa bahay. Naging tahimik na rin si Emily na Isa sa pinag-alala ko. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, dahilan kung bakit niya piniling manahimik nalang dahil sa bagong taong dumating na hindi niya naman kilala.

Hindi pa niya ako gaano ka kilala. At alam ko na hindi patas para sa kanya lalo na nasa kanila pa ako nakatira.

Mabait sa akin si kuya mula pagkabata pa namin. He always take care of me as his youngest sister. At limang taon ang agwat namin sa isa't isa.

Pero kinakabahan pa rin ako sa pagpunta niya dito. At naramdaman ko na feeling ko ay kasalanan ko ang lahat. Dahil kung hindi ko lang sana tinakasan ang mga problema sa bahay at sa Lugar na kung nasaan ako nanggaling ay hindi sana hahantong sa ganito.

“Don't blame yourself for this. And for your own sake, we just worried about you.”

Si Rafael pa ang nagsabi nun. My brother is just staring at me. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. It's also been a long time since our last meeting.

I'm still young and I don't know what will happen in my life. Fear is everywhere. Pero kailangan alam natin kung ano ang dapat na kinakatakutan natin.

Alam ko kung ano ang estado ng pamilya namin. My brother is here and I know that this will be the serious matter to us.

Alam ko rin kung ano ang halaga ng buhay ko, kailangan ko rin maging matapang sa aspeto ng buhay ko. Pero Hindi parin ako kumpiyansa hanggang ngayon.

My brother didn't disappoint me. Na kaharap ko ngayon kung saan, the features of my father and mother really resonate on him. But in the manful, strong and powerful manner. He looks more tawny than me, like my dad. At mas nagmana ako sa kulay ni mommy, fair skin. And also the features.

“Please don't be mad at dad. And today, he is in the states.”

“I don't ask about him.” bara ko sa kanya.

“Ang Ibig sabihin ng kuya mo, na wala dapat na ipag-alala dahil kahit nasa States ang daddy mo, pati si tita nyo ay kasama niya.”

Nangunot kaagad ang noo ko dahil bakit kailangan pa niyang sabihin.

“Anong ibig mong sabihin?”

Seryoso na ngayon si Rafael habang nagkatinginan kaming dalawa. At alam kung may kutob ako kung bakit sila nandito.

Hindi ko sinasadyang napa sulyap kay giselle.Tahimik lang itong nakikinig sa usapan. At Hindi ko na nakita si Emily, na sigurado akong nasa loob na iyon ng bahay.

Nasa may tapat kami ng bakuran kung saan matago naman ito dahil sa munting hardin. At nakaupo kami sa silya sa isang round table dito sa labas.

“And also, giselle,”

Nag-angat kaagad ako ng tingin ng matukoy ang pangalan ni giselle. Pareho kaming seryoso lahat, na nasa matinding tensyon.

“Your parents is worried about you. Kaya kami nandito para sabihin yun.”

“Iyon lang ang pinunta niyo?” Hindi makapaniwalang tanong ni giselle.

“Wala ka ng problemahin giselle, I think you will be finally free right now.”

“Paano nila nalaman?” Usisa naman  ni giselle.

Kung sa ganun ay may kutob akong nararamdaman. Dahil kung alam Ng parents ni giselle kung nasaan siya ngayon, Hindi rin imposible na nahahanap rin ako. 

“Do you think this is a good idea, na magtatago kayo dito? What will you expect from me that I will be proud of your stupid decision?”

I had never heard this kind of words before. Lalo na sa kuya ko. At unti unti ko Ng maramdaman ang kirot sa dibdib ko.  Dahil sa katunayan, alam kong may posibilidad na sasabihin niya ito sa akin. Pero Hindi ko naman ini-expect na ganito pala ka lala ang sakit  ang epekto ng sasabihin niya.

“Marco..” saway ni Rafael.

“At sa tingin mo hindi ka kaya puntahan Ng mga tauhan ni daddy dito? Na hindi ka nila mahahanap? And I think alam mo na yan."

“Pero marco, alam mo naman kung bakit talaga siya nandito diba? Why are you mad at your sister?” Si Rafael

“I'm not mad just only because of this, raf. Because until know she will never contacted me anymore.” Bumaling siya sa akin at seryoso ang mukha at ramdam kong galit na siya sa akin. “Alam mo ba kung ano ang pinasok mo?”

“Don't ask her that, because you already know the reason!”

Hindi ko inaasahang sumabat si giselle sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ko.

Hindi man lang siya pinansin ni kuya.

“It's not about the reason anymore, dahil alam ko kung ano na ang nangyayari dito.”

"Kuya?"

“Bakit, ipinagtanggol mo ba ang bago mong boyfriend?”

“Hindi yan ang rason ko, okay? Kaya wag ka na magtataka kung bakit nasa states sila daddy ngayon!” bulalas ko, dahil nakuha na niya ang inis ko ngayon.

Pa-pagabi na rin kaya Hindi ko maintindihan kung bakit sa ganitong Oras pa sila pumunta.

“Alam ko Anong rason mo. But please, sabihin mo naman kong nasaan ka o saan ka pupunta.”

Malalim ang paghinga ko dahil alam kong nag-alala nga siya. Kaya Isa iyon sa mali kong ginawa.

“And yes, because of tita geli, nandoon sila ngayon states.”

“Dahil pagkatapos nun ay marami pa silang pupuntahan. Pero by next week pa yata, dahil lalo na may special events ang mga gamero sa Singapore.” sabat naman ni Rafael dahilan kaya napabaling sa kanya.

Pero nang mapansin niya iyon ay nanliit ang kanyang mga mata, kaya kaagd kong binawi ang tingin ko at napunta ito sa kawalan.

Dahil alam ko kung ano ang nasa isip na niya ngayon.

“Mabuting mamaya nalang muna natin itong pag-usapan dahil mukhang napagod kayo sa mahabang byahe.” Anyaya ni giselle. Kaya lahat kami sumang-ayon, at wala narin kaming nagawa Kundi pumasok na sa bahay.

“But before that, I want to know about your wedding?”

Sa halip na magugulat si kuya sa tanong ko. Mas seryoso siya ngayon, dahilan kaya natawa nalang ako sa isip ko at napairap.

Waiting For Your Return, (reminiscence series#1)Where stories live. Discover now