•••
Hindi parin kuntento ang araw ko kung hindi ko nagagawa ang Isang bagay na nakagawian ko na. Kahit madilim pa at pasikat palang ang araw, ay gising na ako sa oras na yun. Dahil alam ko na dito nagsisimula ang marilag ng araw ko, hanggang sa kabuuan ng araw na ito.
Para sa akin, ang may matutunan araw-araw ay Isang mahalagang aspeto sa magiging buong araw ko. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ako nandito, na walang araw na hindi ako nakapunta dito sa munisipyo, sa kanilang library.
Pagkatapos sa unang ginagawa ay ganun parin ang ginagawa ko, bumibisita sa farm. Nag-haharvest din kami ngayon at kailangan ko rin muna e check ang mga bagong tanim namin nung isang araw at ang mga nurseries sa greenhouse.
Pagkakataon naman na tinulungan ako ni aling neña at ni Nikki para sa harvest. Dahil ng matanaw namin ang kalangitan ay mukhang hindi imposibleng magtatagal ay bugsuin kami nito, at bubuhos ang malakas na ulan sa madaling panahon.
“Tutulong na rin ako.”
Nagulat ako kung sino ang nasa harap ko ngayon. Napanganga pa ako dahil sa Dami niya Ng na harvest. Dahil malapit ng mapuno ang basket na dala niya. Kaya laglag panga ko siyang tiningnan
“Nicole mabuting dumating ka, sige tumulong ka na rin diyan para mapadali ang mga ito at alam mo na rin kung anong dapat gawin.” Ani ni aling neña, nanay ni Nicole.
“Sige nay.”
Matamis siyang ngumiti sa akin kaya unti-unti rin akong ngumiti sa kanya.
Alam kung hilaw ang ngiting iyon, kaya nagkibit balikat na lang ako at patuloy ginagawa ang dapat gawin.Patuloy parin ang ginawa ko hanggang sa matapos. Bago bumuhos ang ulan ay kakarating lang din namin sa Kubo. Pagkatapos nun ay nagpasalamat ako sa kanila dahil sa pagtulong nila sa akin.
“Ano?”
Kinakabahan kaagad ako nang malaman ang lahat mula sa kapatid ko. Dahil sa sobrang busy ko kanina any nakalimutan ko nga na dapat siya ang kasama ko kanina. Pero alam ko na kung anong naabutan niya kaya pagka-uwi nito ay nagkakasakit pa dahil sa katangahan ko.
Hindi ko mabawi-bawi ang paningin ko sa kapatid ko at gulat na gulat parin.
Sa oras na iyon ay uulan na kaya ako tinulungan ni Nicole. Pero Hindi talaga intensyon namin na magkalapit sa Isa’t isa. Pagkakataon lang talaga iyon na naging maling Akala para kay Mallory.
“Gago ka pala eh. Kay’ tagal niyang naghintay para lang matupad ang plano niyo, pero mukhang sa iba naka Plano eh.”
Ngumiwi ako at nag-iwas ng tingin sa kapatid ko. Mas lalo lang akong kinabahan at gusto ko na kaagad na bumalik sa kanila kahit kakarating ko lang mula doon. Nagpapahinga na siya ngayon kaya mas mabuti kung ganun.
Siguro mas maganda kapag bukas ng umaga ay hihingi ako ng tawad sa kanya. At ipapangakong, ako ang mag aalaga sa kanya at babantayan siya buong araw. Dahil gusto kong bumawi. Dahil alam kong hindi lang iyon ang atraso ko sa kanya.
Kung paano niya ako iniiwasan kanina ay alam kong may galit talaga si Mallory sa akin. At Hindi lang galit ang naidudulot Ng katangahan ko, pati din kung paano siya nagkasakit dahil sa ulan, sa lamig ng panahon.
“Ako na nga naghatid sa kanya eh. Kaya Akala ko magiging ayos na lahat dahil nandoon ka. Edi sana Hindi Siya nagkakasakit kung nalaman ko lang na nandoon si ate Nicole, ay gagawa ako Ng paraan para Hindi kayo makikita ni ate Mallory.”
“Pero hindi iyon ang intensyon ko para magalit siya sa nakita.”
“Oo nga, Hindi mo intensyon yun. Kaya nga kung nalaman ko lang na kasama mo pala si ate Nicole, Hindi ko nalang siguro siya pinapasok sa farm.”
Itinupad ko talaga na pupuntahan ko siya ulit sa bahay nila. Mabuting tinulungan ako ni Emily na mapalapit ako Kay Mallory. Ngunit palagi niya naman ako binabantaan at pinangaralan sa kasalanan na nagawa ko kaya mas lalo lang akong kinabahan ng pumasok na ako sa kanyang kwarto.
Humingi ako ng pakiusap na ako nalang muna ang magbabantay sa kanya habang may ginagawa din siya ngayong araw.
“Bahala ka Basta ayusin mo yan! Dahil nakakaawa naman si Mallory.”
Kumatok muna ako bago ako pumasok.
Gising na siya ng pumasok ako. Dahan dahan naman akong humakbang at magsalita na sana nang lingunin niya ako.
Pero tanging blangkong tingin lang ang iginawad niya sa akin. Hindi ko nga alam kung paano siya kakausapin. At Hindi ko alam kung paano ako hihingi Ng tawad at lalo na may sakit siya.
“Bakit ka nandito?”
Mahinahon lang ang pagkatanong Ngunit hindi ko alam kung anong isasagot.
Panay ang hinga ko Ng mas napalapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Nasa labas ng bintana Ang kanyang atensyon at mukhang malalim ang iniisip.
“Hihingi ako sa yo ng paumanhin, Mallory. Totoong nakalimutan ko ang usapan natin—”
“Talaga ba?”
Kaagad niya pinutol Ang sasabihin ko kaya mas lalo lang akong kinabahan.
Masama ang kanyang tingin kaya Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan pabalik.
Pero sa sandaling iyon ay hindi na siya nakatingin sa akin kaya katahimikan muna ang nangingibabaw sa amin.“Totoo ang sinasabi ko—”
“Imposibleng nakalimutan mo!” Singhal niya, kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
“Pero—”
“Yun lang ba ang sasabihin mo sa akin?” nagsalubong na ang kilay niya at medyo lumakas ang kanyang boses. Kaya mas lalo lang akong kinabahan sa inupuan ko, sa kanyang kama. “Kaya pala ang saya mo kahapon.”
Umusog kaagad siya papalayo sa akin at Itinuon ulit ang atensyon sa labas ng bintana. Kaya sumimangot ako bumagsak ang mga balikat.
Hindi ko akalain na ganito pala ang magiging epekto sa kanya ng pangyayaring iyon. Dahil sa katunayan wala naman kaming ibang pinag-usapan ni Nicole sa araw na iyon, kaya kung ano man ang nakita niya ay hindi tukma sa iniisip niya.
“Pero hindi iyon gaya ng iniisip mo, okay?”
“Hindi ko naman talaga iniisip yun eh, nakita ko pa nga!”
Napalalim ang pagsinghap ko dahil sa pagpipilosopo niya. Hindi ko alam kung paano ko siya susuyuin. Parang mapapaso ako kapag hahawakan ko siya. Dahil hindi imposibleng mangyari na sasabog siya kapag gagawin ko iyon.
Umusog ako papalapit sa kanya kaya naramdaman kong natigilan siya doon at unti-unting lumingon sa akin na ganun parin ang kanyang itsura.
“Wag ka ngang lumapit sa akin.”
Kahit mahina lang ang pagkasabi niya ay mukhang pagbabanta Ang kanyang pagkasabi.
“Bakit?” kaagad kong tanong
“Kasi magkakasakit ka kapag dumikit ka sa akin!”
Pero sa halip ay napangiti ako, at ilang beses napatango. “Wala namang problema iyon sa akin eh. Ayos lang sa akin na magkakasakit din ako dahil kasalanan ko naman.”
“Luma na yan!” Singhal niya ikinagulat ko naman.
“Ang alin?” inosenteng tanong ko.
“Ang linyahan na sinabi mo.”
Naguluhan ako sa sinabi ni Mallory kaya hindi kaagad ako nakasagot. Lumingon pa siya sa akin at mukhang napansin niya ang pananahimik ko, kaya humarap siya akin na ikinagulat ko naman.
“Siguro sa kakabasa mo yan ng mga romantikong nobela sa library niyo? kaya ganyan ang mga linyahan mo! At tsaka baka hindi mo alam, hindi na yan nakakakilig.”
Naging blanko ang utak ko dahil hindi ko naiintindihan ang sinabi niya. Pero sa halip na tatanungin ko pa siya para e klaro iyon, ay hinayaan ko nalang na ilabas ang galit niya sa akin at ngumiti nalang ako kasabay na bahagyang inusog ang sarili sa kanya.
YOU ARE READING
Waiting For Your Return, (reminiscence series#1)
RomanceMallory Castellano is considering leaving Manila with a friend for a private reason. When she arrives, she meets Edward De la Rosa, a man who enjoys and lives a simple life. Is their encounter supposed to bring her peace, or is Edward waiting for h...