•••
Lumipas ang mga araw na wala kaming ginagawa kaya nakapag desisyon kami na sumama muna kay emilya na pupunta sa dati niyang tinatrabahuan noon.
Nasa boutique shop muna kami dahil iyon ang unang sadya namin kaya kami pumunta sa bayan.
“Ito ang naging pakay sa akin ni Lola Rosetta ng isang araw kaya kailangan ko pumunta dito.”
“Bakit sino ba ang magsusuot? At bakit ikaw pa ang kailangan na pumunta?” Si giselle habang nasa boutique ang tingin na nasa harapan namin.
“Mukhang mga gown naman lahat ang nandito? Bakit may ikakasal ba?” Pati rin ako naging kuryuso.
“Natanong kasi ni Lola Rosetta na kung mayroong daw tuxedo dito. At alam niya rin na nagtatrabaho ako dito noon, kaya ako ang naisipan at sinadya niyang makatulong para kay edward. At naisipan ko rin na bumalik dito para magtanong kung may available, at syempre para makabisita na rin.”
“Tuxedo? Bakit naman kakailanganin iyon ni Edward?” Tanong ko.
“Kasi siya ang magiging eighteen rose ng debut birthday party ng anak ng mayor dito. Kaya ayaw ni Lola Rosetta na sayangin ang pagkakataon na yon para sa apo niya.”
Dahil sa narinig ko, ay hindi lang basta-basta ang magbibirthday ng eighteen. Kaya siguro pinaghandaan talaga dahil bongga ang magiging pagdiriwang ng kaarawan nito.
Nang makapasok kami ay may mga sumalubong kaagad sa amin. Ang ibang mga trabahante doon ay kilalang-kilala si Emily dahil siya pala ang shop assistant at salesperson ng boutique na iyon.
“Ano ang mas maganda dito?”
Lahat naman ng pinakita sa amin ay maganda kaya mas nahihirapan kaming pumili dahil hindi rin namin alam kung anong pipiliin.
“Ano ba ang theme ng debut?” Singit nit giselle. “Kasi doon nalang tayo mag babase.”
“Naku, iyon ang hindi ko alam. Pero seguro yong tuxedo na lang na pwedeng maibabagay sa lahat ng theme?”
Sa katunayan ay marami nangyari sa araw na ito. Marami kaming nakilala at napuntahan. Hindi ko rin inaasahan na napunta ulit kami sa public market. Pero sa huli, nandito kami ngayon sa night market
Maraming mga taong nakasalubong, nakasabay, at nakita namin sa lugar na yon. At magkatabi lang ang bawat mga kainan. Mga street food o mga barbequehan at iba pa.
“Hindi naman talaga ngayon ang oras ng mga kainan dito eh. Kumbaga nagsisimula palang sila para mamayang gabi. Kasi nga night market.”
Nasa tabing dagat pa ang lansangan na yon. Kaya siguro na sinadya nilang pumwesto sa lugar na ito para mae engganyo naman ang mga tao or makalanghap ng sariwang hangin mula sa dalampasigan.
Kahit ako ay gusto ko ang ideya na iyon. Dahil ngayong araw, sa dami ng pinuntahan namin, ay unti unti ko nang nagustuhan na mananatili dito probinsya nila.
Sadyang simple lang ang buhay na parang walang mga malaking problema bukod sa personal na buhay. Dahil mukhang masaya ang mga taong magkakasama at ang mga taong makakasalamuha mo sa lugar na gaya nito.
At dahil hindi lang sa isang lugar, marami pa namang pwedeng mapupuntahan dito sa probinsya nila. Na sa kasalukuyan, hindi naman talagang marami masyadong mga tao.
Dahil napapansin ko pa, na ang nasa mga malalayong lugar ay hindi talaga mga kabahayan ng mga mahihirap ang nakikita ko. Kundi puro mga mansion, o mga simpleng bahay na mukhang may mga kaya naman.
Kung makakita man ako ng mga taong
mahihirap dito, ay nasa iisang barangay lang na malapit dito.“Sige na, gusto ko ng kumain.” si giselle habang nakasimangot kaya natawa ako.
YOU ARE READING
Waiting For Your Return, (reminiscence series#1)
RomansaMallory Castellano is considering leaving Manila with a friend for a private reason. When she arrives, she meets Edward De la Rosa, a man who enjoys and lives a simple life. Is their encounter supposed to bring her peace, or is Edward waiting for h...