Chapter 24

41 0 0
                                    

•••

“Saan ka galing.” si Lucas.

Hindi ko alam kung bakit niya pa ako tinatanong tungkol diyan kahit alam niya naman kung nasaan ako galing.

“Sa bahay.” Tipid kong sagot kahit wala sa sarili.

Medyo lumayo pa ako sa harap ng usok habang pinipihit niya namang ang mga barbeque.

“Akala ko makikipag date ka nanaman eh.”

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Saksi kasi niya nang pagkarating namin sa bahay nila Emily. Napansin niya ang pananahimik naming dalawa ni Mallory ng dumating kami.

Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ako dahil sa nangyari. Hindi ko napigilan ang sarili ko kahapon! At inis na inis ako sa sarili ko ngayon!  Baka ano pa ang nangyari sa amin dahil sa mga kagaguhan ko kahapon.

Dahil sa pananahimik niya, mas lalo lang akong naiinis at nahihiya sa mga ginagawa ko sa kanya. At palaging bumalik sa isipan ko kung paano ko siya dinala sa ilalim ng bahay. At muntik ng hindi ko talaga mapigilan.

Panay ang buntong hininga ko habang nilalamon na ako ng pag-iisip ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Pero may sa akin na gusto siyang puntahan para humingi ng tawad.

“Alam mo, wala naman sa mga sinasabi mo ang problema eh.” Naging tugon sa akin ni Lucas pagkatapos ko e kuwento sa kanya ang nangyari. “At hindi lang siguro kayo nagkakaintindihan.”

Nagtagal ang tingin ko sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin?”

Napakutya pa siyang napatawa at napailing pa.

“Nagtaka kapa! Kaya ka siguro nag-iisip ng kahit ano, kasi hindi mo naman alam kung ano ang nasa side niya eh….  At alam mo ba talaga kung anong dahilan ng pananahimik niya sa oras na yon?”

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya naiintindihan. Pero umiling ako bilang tugon ko sa huli niyang tanong.

“Eh hindi naman pala!”

Mukhang nadismaya pa siya sa akin.

“Anong gusto mong gawin ko?” mahinang tanong ko sa kanya kaya napakutya siya at dismayadong napailing.

“Edi kausapin mo siya para malaman mo.”

Bumagsak ang balikat ko at napanguso. Iyon talaga ang gusto kong gagawin. Simula palang nang paghatid ko sa kanya  ay gusto ko ng gawin yun kaagad habang mas maaga pa.

Pero nang bumisita ako sa kanila ay wala namang tao. Kaya bumalik ulit ako pagkatapos ng tanghali pero wala parin. Hanggang sa bahay nalang ako pumunta at sa restaurant baka sakaling mapa-isipan ko pa ang dapat kong sabihin sa kanya at para din maliwanagan ang isip ko.

“Kaarawan ni Eric bukas. May handaan tayo dito sa bahay. At yayain mo sila Emily at ang mga babaeng kasama niya.”

Nabaling kaagad ako kay Lola. Nabuhayan kaagad ang loob ko dahil don. Alam ko na may pagkakataon ako na makapunta ulit sa kanila.

“Bukas na bukas ay hindi kami magbubukas ng restaurant. Siguro magpapahinga muna kami ng papa mo kahit bukas lang at para din sa kaarawan ng kapatid mo” Si mama habang nasa hapag kaming tatlo nina Lola.

Pinagmamasdan ko naman si benjamin na nasa kusina habang nagluluto. Lumingon siya sa amin.

“Nasaan ba ang batang yun?”

“Nasa papa niya sa restaurant.” Si mama

“Kailangan talaga may handaan na mangyayari bukas para para sa apo ko. Dahil napaka masunuring bata.”

Ngumuso naman ako habang bumaling kay Lola.

Narinig ko naman ang mahinang halakhak ni Benjamin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Hindi pa ba nahatid sa palengke ang pinadala naming mga talong? Kanina pa tumawag sa akin aling sita ah?”

“Syempre naman tita. Sigurado akong naihatid na yon ni Eric don.”

“Ang dami nating problema ngayon lalo na sa transportation. At ayoko na pinapagawa natin iyon sa bata. Kaya kailangan na ata natin  na bumili na ng sasakyan para mas madali ang importasyon.” bulalas naman ni mama.

“May maliit naman kayong truck, diba iha? Bakit niyo pa pinapahirapan ang bata.” Bulalas naman ni Lola.

“Eh kasi naman yung truck na iyon Lola, ay para sa mga poultry products.”

“Ang suhestiyon ko lang naman kasi ay bumili nalang kayo ng bonggo.” Ani ko sa kanila.

Narinig ko pa ang mahinang halakhak ni Benjamin. Umiling iling pa ako pero natawa rin sa huli.

Hindi lang sasakyan ang problema namin sa pamamagitan ng transportasyon, at sa importasyon sa ibang bayan… pati din sa mga tauhan.

Marami ng negosyo ang hinahawakan ng pamilya ko. Suhestiyon naman namin sa kanila ni mama ay dapat na isara na ang restaurant namin, o Isa sa mga negosyo nila. Dahil hindi lang naman doon ang problema eh. We need to be hands-on with everything we do in business. Dahil hindi lahat kaya namin panghawakan. At dahil namamadalas na ang mga problema na namin tungkol roon. Pero syempre hindi naman iyon mawawala.

Kinabukasan ay abala na sila sa bahay. At ako naman ang ang nalulunod sa mga utos kahit maaga pa lang.

Gusto ng kapatid ko na gabi gaganapin ang kaarawan niya. Kaya buong araw kami abala para sa handaan.

“Alam mo ba kuya na inimbitahan ni mama si ate Nicole?”

Napasinghap ako at natigilan. Kumunot kaagad ang noo ko pagkatapos ko marinig Ang sinabi ni Eric.

Wala naman talagang maging apekto sa akin kung pupunta siya. Pero dahil hindi ko iyon inaasahan, may sa akin rin kung bakit kailangan niya pa pumunta dito?

“Bakit?” Simpleng tanong ko habang nasa labas kami ng bahay.

“Anong bakit? Syempre alam mo naman si mama kapag tungkol sa love life, favorite niya si ate Nicole para sayo. Alam mo na!”

Marahan akong napabuntong hininga at bahagyang umiling-iling.

Nicole is her favorite among the girls who are near to me, kahit wala naman akong kaibigan na babae. Malapit lang sila sa akin pero hindi ko naman alam kung bakit.

Waiting For Your Return, (reminiscence series#1)Where stories live. Discover now