•••
Malaking pinasasalamatan ko na dumating kaagad si emily. Pumunta kaagad ako sa kusina para mag timpla ng kape at maghahanda ng merienda. Habang nilagyan ko ng mainit na tubig ang bawat tasa ay sumingit sa tabi ko si giselle.
Lumingon kaagad ako sa sala kung saan Sina Emily at ang lalaki kanina. Nang umihip ang hangin ng sanhi ng nadala rin ito ang kurtina, kung saan nakita ko sila na nag uusap. At nang lumipat ang tingin sa akin ng lalaking kausap ni Emily ay nagkatagpo ang mga mata namin. Hudyat ng pagkabalisa ko ay kaagad kong iniwas ang tingin.
"Alam mo, mga may itsura pala mga tao dito eh." Si giselle habang bumubulong sa akin. "At yung kausap ni Emily ngayon, alaga niya pala noon. Ang pogi!"
Umiling nalang ako pagkatapos makitang kinikilig aiya nang sabihin ang huling salita.
"Hindi lang pogi, mukhang gentleman... at alam mong siya yung type na pagsisilbihan ka kasi mukhang mabait."
Natawa akong umiling at pumunta na sa sala para ihatid ang mga dalang snack at kape sa kanila. Nang nilapag ko yon sa maliit na mesa sa sala, naramdaman kong nakatingin siya.
Sa katunayan, hindi na yun bago sa akin. Pero hindi ibig sabihin ay binigyan ko yon ng kahulugan. Palagi ko ng napapansin ang ganyang mga tingin nang nasa maynila pa ako.
Siniko agad ako ni giselle kaya napalingon ako sa kanya. Nagpipigil lang siya ng ngiti at kilig dahil nandito kami sa harap nila.
"Mabuting hindi mo kayang iwan ang Lola mo? Kasi itong si benjamin kahit kailan gustong gusto umalis dito sa Lugar natin."
Bahagyang natawa ang lalaki na kausap ni Emily at umiling-iling pa ito. "Hindi naman kasi iyon ang dahilan ko eh. Sa totoo talaga, kuntento na ako sa probinsya natin. At tsaka hindi ko talaga naisipan na magawang iwan ko ang Lola at Kapatid ko."
Pagkatapos niyang sabihin yon ay sumulyap siya sa akin. Hindi ko alam kung paano ako tutugon. Pero hindi ko rin akalain na nilingon rin ako ni Emily at pinandilatan pa ako.
"Oo nga pala, siguro kilala mo na itong kaibigan ko, si Mallory."
Hindi ko inaasahan na isingit niya pa yun sa usapan nila. Kaya nagdadalawang isip ako na titingin sa lalaki. Pero kay emily lang ako tumingin habang tinitignan naman ako ni Emily Ng panunuksong tingin.
At tsaka lang ako lumingon sa lalaki na mukhang nag alinlangan pang sumagot, kaya umiling nalang ako.
"Oo kilala niya na ako." tiniyak kong sabi para masiguradong hindi na niya ako ipakilala ulit.
"Ikaw kilala mo na ba siya?"
Laglag panga akong napatitig sa kanya. At ngayon, tinugunan niya ako ng naghahamong tingin. Kaya sa sandaling yon ay nahihirapan akong nangapa ng masasagot.
Pero kalaunan ay nalaman ko rin ang pangalan niya. At sa bagay na yon ay wala akong naalala na nagpakilala siya sa akin. Pero iyon ang dinahilan niya.
Nag-uusap parin sila habang nakikinig lang ako at si giselle sa usapan.Kapag nasali naman kami sa usapan, Isang tugon lang ang isasagot ko. Si giselle naman ay maraming na e kwento kaya hindi kami nawalan ng topic.
"Alam mo kasi don sa mga city, sa una lang talaga masaya. Pero kung mababagot kana lalo na sa mga tao don, naku! Hahanapin mo talaga ang probinsya lalo na kapag sa probinsya ka talaga lumaki at nanggaling. Kasi yon ang nangyari sa akin." si giselle.
"Marami nga akong mga kasamahan noon sa mga dati kong trabaho ay hindi naman sila taga doon eh. Ibang mga kilala ko nasa kabilang bayan lang pala. Diba, ang liit talaga ng Mundo?" Si Emily habang nilapag nilapag Ang Isang paper bag Kay Edward na ngayon ay natigilan. " Ano ba syempre pasalubong ko sa inyo ni Eric."
YOU ARE READING
Waiting For Your Return, (reminiscence series#1)
RomanceMallory Castellano is considering leaving Manila with a friend for a private reason. When she arrives, she meets Edward De la Rosa, a man who enjoys and lives a simple life. Is their encounter supposed to bring her peace, or is Edward waiting for h...