Chapter 18

39 0 0
                                    

•••

I always end up checking my wristwatch. Malakas ang paghinga ko habang isinandal ang sarili sa sofa namin sa beranda. Hinihintay ang gabi habang pinagmamasdan na lilipas na ang araw hanggang sa magiging kulay bughaw na ang kalangitan.

Hindi ko maiwasan isipin kung paano ko sisimulan sa oras na magkikita ulit kami. She's really difficult to read. Hindi ko man lang alam kung bakit sa aming dalawa, siya pa ang unang makipag date sa akin.

Really? Did she actually do that? For what?

But she didn't even confess to me.

Pero gusto niya ba ako? Hindi man lang nila hihintayin kung kailan sila yayain ng lalaki na makipagdate. At ang higit pa doon, ay hindi pa sila makapaghintay na kami ang gagawa non!

Pero sa nangyari kanina, hindi ko na yun iniisip. Hanggang sa humantong na ng gabi, malinaw pa rin sa akin ang nangyari. Maganda at masarap sa pakiramdam.

“Ano ka ba? Syempre ligawan mo na!”

“Paano nga?”

Sumimangot na lang ako habang nasa malawak na karagatan ang tingin. Lumipas na ang araw hanggang sa nasa kulay bughaw na ang malawak na kalangitan. Naging paborito ko na ang ganitong oras.

Nakapamulsa kong iniwan si Lucas sa ihawan habang humakbang papunta sa seawall dito sa night market.

Gusto ko na siyang makita. Hindi ko alam kung pwede na ba bukas. Susubukan ko kaya?

Bumalik nalang ako sa ihawan at pinilit ang sarili na maging busy.

“Alam mo, wag mo ng sayangin ang pagkakataon. Sa katunayan nga madali lang manligaw eh. Ang mahirap lang talaga ang maghintay sa nililigawan mo!”

“Sino ang manligaw?” Singit na tanong ni benj na siyang dahilan ng pagbuntong hininga ko. “Oh bakit? Ikaw ba ang manligaw?” baling niya sa akin kaya umiling iling nalang ako sa dismaya.

Hindi ko alam kung paano kami humantong sa panliligaw!

“At Ikaw, paano naman naging madali ang panliligaw sayo? Bakit may nililigawan ka na ba?” Dagdag niyang tanong Kay Lucas.

“Dahil totoo naman talaga ah. Maliban nalang kung torpe! Gaya nito ng pinsan mo!”

Inaakbayan pa niya ako habang pilit ko naman iyon hinahawi.

“Oo nga. At ang mas mahirap pa diyan, kapag hindi ka sasagutin ng niligawan mo.”

Masama akong tumingin sa kanya pagkatapos niyang sabihin yon. Kaya pareho silang napahalakhak dalawa.

“Pwede ba? Hindi pa nga ako dumating diyan. Nasa date pa lang.”

“Ganun na rin yun! Ano ka ba? Doon na yun patutungo!”

“Sino ba kasi yan ha? Sino nililigawan mo?” Kuryosong-kuryoso niyang usisa.

Pero umalis na lang ako bago ko pa masabi kung sino.

Kinabukasan bumalik na rin ako sa kinagawian ko. Maaga pa akong naghahakot ng mga repolyo at mga talong sa palengke at sa restaurant namin kasabay na rin ang pagbisita ko sa munting farm.

Medyo mahaba ang oras na nilaan ko para doon. Pagkatapos ay kaagad ako pumunta sa munisipyo kung saan ang public library. I borrowed five books there.

Hindi na ako nakabalik sa normal kung kagawian. Pero sa katunayan, I only read books if I'm interested, and that's usually when I'm curious. I don't have a permanent habit, like reading books daily.

The next day was still the same. Pero napagdesisyunan ko pa na bibisita ako sa kanila na kunwari may kailangan ako. Because of what happened recently, it always resonates in my mind.

May pakiramdam pa rin ako na hindi ako makapaniwala. Bakit nga ba? Ugali ko na talaga na hindi ako maniniwala, maliban nalang kung nararamdaman ko na talaga iyon.

Kung ano man ang nakikita ko ay dapat naaayon rin ito sa nararamdaman ko.

Hindi man yun maintindihan ng iba. But I have a feeling of doubt and excitement at the same time. Gusto ko siyang makita pero sa kabilang dako ay baka nasabi niya lang yon because I looked like a fool to her.

Did she really notice it, or am I just too obvious?

“Mabuting nakauwi ka rin dito.”

Salubong kaagad sa akin mama. Napagulo ko pa ang buhok ko pagkatapos tanggalin ang sumbrero ko.

Wala na akong gagawin pagkatapos nito kaya pag-iisipan ko na lang kung ano ang dapat kong gawin.

“Kailangan mo muna pumunta sa lola mo at sa pinsan mo para ipadala ang mga pagkain na hinanda namin.  At Kumain ka muna bago mo dalhin ang mga ito doon.”

Tango lang ang tanging tugon ko at tsaka pumikit habang nakasandal sa malambot naming sofa.

Life has so many choices, but sometimes I don't agree with that. Because I have only one option.  Pwede ko dalhan ng pagkain ang mga taong mahal ko sa buhay. Maaari ko silang bigyan ng mga pagkain na gusto ko, na alam ko na hindi pa nila ito natitikman kailanman sa buong buhay nila.But I can also cook any dish they love. So, at the end of the day, this is my lifelong choice."

Gusto ko rin iyon gawin sa kanya. Give her what she wanted me to give her. Kaya hindi ko na pag-aaksayahan ang panahon na ito.

Hindi ko rin maiwasan nung araw na yun na madadala pala ako sa pakiramdam ko. Pero kusa ko itong nararamdaman. Ako lang ba ang nakaramdaman nito?

Sa nagdaang oras pagkatapos kong ihatid ang mga pagkain sa bahay.  Nasa dalawang metro ang namamagitan mula dito ang atensyon ko ngayon.

Bumuntong hininga nalang ako habang nakasakay ngayon sa duyan namin na nasa ilalim ng puno.

“Hindi mo talaga yan makikita kapag tunganga ka lang dito sa kakahintay.”

Pasiring akong sumulyap kay benj habang penuwesto niya sa harap ko ang monoblock na upuan para umupo.

“Hindi naman ako naghihintay dito. Kakarating ko lang, kaya saka na mamaya.”

“Bakit magdi-date na kayo?”

“Hindi ko alam.” Tipid kong sagot habang sumimangot dahil wala pa akong alam na gagawin.

“Wag mo na lang yan iisipin. Yayain mo na lang siya na magliwaliw o kung saan niya gusto pumunta. At mag usap. Talking stage sabi pa nila. Ganun lang naman ka simple!”

“Alam ko ang gagawin ko!

“Sinungaling.”

Ngayon panay na ang buntong hininga ko. Wala talaga akong alam sa ganito, kaya kahit simpleng sabi niya lang na makipagdate ako sa kanya, ito naman ang magiging epekto!  Narinig ko pa ang mahinang halakhak ni benj. Pero hindi ko na lang iyon pinansin.

Waiting For Your Return, (reminiscence series#1)Where stories live. Discover now