"Kumusta na yung sugat mo?" rinig kong sigaw niya ng pumunta ako sa kusina
Uminom lang ako ng tubig at bumalik uli kung nasaan si gab
"Okay lang, buhay pa naman." Salita ko habang nag aayos ng buhok
Tumingin ako sa orasan, 5pm palang ng tanghali maaga pa para mag uwian sila gab. Nilingon ko siya at nahuli ko siyang nakatitig sakin nang magkita ang mata namin ay nagbasa siya atsaka umiling.
"Wala kabang pasok? Bakit andito ka? Hindi ba dapat nasa school ka nag aaral."
Sunod sunod kong salita"Hindi ako pumasok." Maikling salita niya habang nagbabasa
Lumapit ako sakanya para makuha ko ang attention niya, he looked at me na may pagtataka sa muka
"At bakit?" Tanong ko
Tinitigan niya lang ako.
"Wala, wala akong gana pumasok ngayon."
"Kaya nanggugulo ka naman dito." Umiling nalang ako sa rason niya, kung ako siya mas gusto ko nalang mag aral
"Hindi mo paba papalitan ng gauze yan sugat mo? Kita na yung dugo oh." Pag iba niya ng topic
"Eh paano papalitan? Wala naman akong katulong mag palit."
"Ako, kaya nga ako nandito eh."
Tumayo si gab sa pwesto niya at kinuha ang mga gamot, hinatak niya ako sa braso at pina upo sa kama. Kanina pa siya seryoso hindi ko makita yung gab na mukang masayahin.
Habang ginagamot niya ang sugat ko seryosong seryoso siya, napakahinhin ng kilos niya na parang ingat na ingat siya sakin.
"Aray ko!" Pag atungal ko
"I'm sorry, I'm sorry hindi ko sinasadya." Nagpanic na siya, halata na sa muka niya ang pag alala
"Wag ka nga mag panic, mas lalo akong kinakabahan sa ginagawa mo eh." Pagsermon ko pa
Huminga siya ng malalim at nagpatuloy sa ginagawa. Nang makatapos kami tinatanong niya pa kung mahigpit yung pagkaka lagay niya ng gauze pero umiiling lang ako. I took my phone para tignan kung may message ba sa gc sa school wala naman, pero kay milagrosa meron.
From: Milagrosa 💩
Punta ako sainyo after school, para kamustahin kita :>From: Milagrosa 💩
Anong gusto mong pagkain? Dadalhan kita.To: Milagrosa 💩
Wag kana pumunta, pepektusan mo lang ako eh.Ilang minuto lang ay nag mensahe agad ito
From: Milagrosa 💩
Buti alam mo. Anong pagkain gusto mo para dalhan kita, yung budget friendly lang ah :>To: Milagrosa 💩
Kahit tusok tusok basta wag mo kalimutan yung kwek kwek.𝗠𝗶𝗹𝗮𝗴𝗿𝗼𝘀𝗮 💩 𝗵𝗲𝗮𝗿𝘁 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗺𝗲𝘀𝘀𝗮𝗴𝗲.
Nang lumingon ako sa paligid ko, wala na sa tabi ko si gab pumunta ako ng kusina pero wala na siya dun. Lumabas ako at nakita ko siya sa labas ng bahay namin may kausap siya na lalaki at babae, hindi ko makita ang babae dahil nakatalikod ito pero yung isa pang lalaki sa pag kakatanda ko si Liam yun. Napatingin si gab sakin kaya bumalik na ako sa loob ng bahay
It's nothing wala yun, wala dapat akong paki alam kung sino ang kausap niya. Wala, wala lang toh
Nag vibrate ang phone ko, I already thought na si miracle ang nag message pero hindi.
From: Gabriel Tuazon
Dito lang muna ako sa labas, I'll just talk to my friend :)From: Gabriel Tuazon
Just text me if you need/want something.See. Kaibigan niya lang yun
Nanood lang ako sa phone ko, hanggang sa tumuwag si miracle sakin.
"Hoy asaan ka? Andito ako sa labas ng bahay mo." Sagot ni miracle sa kabilang linya
"Wait lang palabas na." Sagot ko
Paglabas ko lumiwanag agad ang muka ni miracle ng makita ako.
"Tangina ka, thanks god buhay kapa sa mga kagagohan na ginagawa mo." Sermon niya agad
"Eto naman kakakita lang sakin, sermon agad ang pababaon mo." Nilapitan ko agad siya. "Tanga wag ka iiyak hindi bagay sayo" salita ko ng makitang may luha na siya sa mata
Nabaling ang tingin ko kay gab at sa kaibigan niya, ngumiti lang ako sakanya atsaka hinatak si miracle papunta sa bahay.
Nang makapasok kami sa bahay umiiyak si miracle dahil nag alala daw siya sakin nung hindi ako nagsasalita nung mag kasama kami or nag response man lang kahit isa sa mga mensahe niya, mas lalo daw siyang nag alala ng nakita niya ako kaninang umaga at nalaman na naglaslas ako.
Iniba ko nalang ang topic namin dahil kung tuloy tuloy na iiyak si miracle, maiiyak din ako. Ilang oras din nanatili si miracle hanggang sa naisipan niya din umuwi, hinatid ko siya kahit sa sakayan lang.
"Hi shawty!" Sabi sakin nung isang lalaking pamilyar na sakin kasama niya si gab.
Salita nung lalaking pinakilala sakin noong nakaraan, tinaasan ko lang siya ng kilay at sinamaan ng tingin.
"Calm down, masyado naman mainit yan tingin mo sakin shawty." Sabi ng lalaki
Shawty amputa, yan yung ginagamit ng mga lalaking walang pambiling manners eh.
"Harvey." Sagot ni gab halata sa itsura niya ang inis "wag mo ng paki alaman yan, babae yan."
"Chill gab, wala naman akong ginagawang masama."
Inirapan ko lang siya at umuwi na lang sa bahay, bahala sila dun magsama sama sila.
Nilibang ko nalang ang sarili ko hanggang sa maka uwi ang magulang ko. We just do our routine, while miracle tuloy tuloy pa din ang daldal sa message.
Sumapit na ang gabi lahat sila tulog na, I can't sleep kaya lumabas muna ako para magpahangin. Wala naman ng tao sa labas kaya umupo na lang dun sa bakanteng upuan, I just looked at sky, madilim na ang langit may mga maliit na bituin, mga makakapal na ulap na kala mo'y sinusundan ka, at ang buwan na nagbibigay liwanag sa ka langitan.
I just closed my eyes, ramdam ko ang sariwang hangin na bumabalot sakin sana ganto lagi katahimik, walang gulo o anoman ingay sa paligid.
"Ganda ng langit noh."
✿︎✿︎✿︎
BINABASA MO ANG
The Broken Oath
RomanceMalaya Marie D. Salvador is a high school student who has childhood trauma due to her own relatives, he doesn't know how to heal the wound that her relative did. Not until she meet Ethan Gabriel F. Tuazon who help her to move on and to love her self...