I suddenly stopped working ng marinig ko ang alarm ng phone ko. It's already 7pm I need to pack up my things para makauwi.
Ang hassle na kasi ng gantong oras, traffic sa edsa lalo na't rush hour na. Pag tapos ko mag pack ng gamit ko agad naman na akong lumabas ng office, I'm also hungry na din, dahil hindi naman ako kumain ng lunch because of lot of paperwork na kailangan gawin.
"Paalam attorney!" Bati sakin ng isang employee, ngumiti lang ako sa employee na bumati.
I'm now a successful lawyer, nagbigyan ko na ng magandang buhay ang pamilya ko, napag tapos ko ng pag aaral ang mga kapatid ko.
Now I'm living the life I want when I was a kid, I'm now 27 years old but still single i don't have time din naman maghanap ng lalaki dahil masaya naman na ako kahit mag isa.
Nang makasakay ako sa sasakyan ko ay agad ko itong pina - andar at nag tungo sa fast food chain para mag drive thru. I'm just eating my food habang stuck sa traffic
"Mali talaga na nag retouch pa ako ng make up." pagsasalita ko sa hangin
Agad din naman humupa ang traffic at agad naman akong naka uwi. Nang makarating ako sa sala ay agad akong nahiga sa couch.
𝑨𝒌𝒐 𝒏𝒂𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒎𝒂𝒈 𝒊𝒔𝒂.
Mag isa lang ako naninirahan sa bahay na pinagawa ko years ago, may mga kasambahay naman pero umuuwi din naman sila sa kanilang bahay. I offered them na mag stay in kaso ayaw nila kasi gusto nila na makasama ang pamilya nila. It's fine anyway nasanay na ako na mag isa kaya hindi ko nalang din sila pinilit, I get their point mahirap din kasi ang malayo sa pamilya.
Pinikit ko nalang ang mata ko. Hanggang sa makarinig ako ng notification mula sa cellphone ko
From: unknown number
Good evening! I'm sorry for disturbing you but can i ask you for some favor?Iniisip ko kung sasagot ako, baka mamaya ay death threat's lang ito or kaya mga modus para sa pera
To: Unknown number
Who are you?From: Unknown number
I'm sorry hindi ako nakapag pakilala. I'm teacher Ethan Gabriel Tuazon, I just want to give you something if pwede ibigay ko siya personal?To: Unknown number
Give what?From: Unknown Number
I just want to give you something important .Agad dinaga ang puso ko, hindi ko alam kung bakit biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Hindi ako handa, hindi ako handa na mag krus ang landas namin.
Ayaw kong bumalik uli sa simula nakapag simula na ako ng bagong buhay. Masaya na ako ngayon.
Bakit ba lagi nalang nakakagawa ang tadhana ng paraan para mag krus ang landas namin?
Talaga bang ganto na lang palagi? Palagi nalang ba ako mag sisimula? Palagi nalang bang hindi ko matatapos ang matagal ko ng binuo? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang ang mundo para sakin dahil matagal ko ng nabuo ang sarili ko?From: Unknown number
Let me know if papayag ka, so I can send you the details where and when. Thanks for your time.To: Unknown Number
Okay. Tomorrow 5pm lang ako pwede.From: Unknown Number
Okay then, i scheduled that. Good nightHindi ko alam kung anong klaseng hangin ang nalanghap ko bakit ako pumayag, dahil ba umaasa pa din ako? Na baka sakali, baka sakali sa kaunting pakiki usap maari pang maayos after 5 years, baka sakaling may kakarampot pang pag asa para sa'kin.
5 years na ang nakalipas pero andito pa din ako ang tagal ng naka usad ng mga tao pero eto ako bukas pa din ang pinto ko para sakanya.
"Hoy!"
Pagsigaw ni miracle sa kabilang linya, naka video call ako sakanya ngayon dahil sa tingin ko kailangan ko ng council niya pag dating sa pag ibig
"Tangina nito, kanina pa naka tanga d'yan." Paninimula niya "sino nanaman iniisip mong bruha ka?"
" Wala, napaka chismosa mo hindi ka pa din nagbabago." Pag sagot ko sa kaibigan
"Talaga lang ah, oh s'ya bakit nga ba kasi napatawag ka? May problema?" Pag tanong niya sa malambing na boses
Nag dalawang isip pa ako kung sasabihin ko pa kay miracle ang maikling pag uusap namin ni gab.
"Te kasi naman nag message si gab."
Pag amin ko"Ohh tapos? Anong sabi?" Tanong nito sa kabilang linya
"Te gusto niya daw makipag kita kasi may ibibigay siya sakin." Salita ko
"Wag kang papayag baka anakan ka." Panlolokong tono ni miracle
"Milagrosa naman eh, hindi ako nag bibiro kailangan ko ng council mo." Seryosong salita ko
"Ikaw tong magaling na abogado sa atin dalawa, ikaw ngayon nangangailangan ng council." Nakita ko pa ang pag iling niya
"Ano bang sabi mo?" Ani ni miracle
Bumuntong hinga muna ako bago nag salita
"Sabi ko tomorrow lang ako ng 5pm pwede" Ani ko naman
"Ayy tanga, bakit nag oo ka kaagad nag bigay kapa ng specific na oras. Hindi ka man lang feeling hard to get." Pagsermon nito sakin "Ang bilis mo talaga makuha pag si gab na ang kaharap o kausap mo."
"Anong gagawin ko?" Pag sapo ko sa noo ko
"Edi no choice ka, kailangan mo makipag kita sakanya para sa ibibigay niya kuno." sabi ni miracle
"Tangina pinagsisihan ko na pumayag ako." Salita ko habang napasapo na lang ulo
"Diba imbis na trabaho at ang mga kaso na hawak mo ang problema mo, nadagdagan pa." Pagsermon niya
"Atsaka bakit parang affected na affected ka sa pagkikita niyo? Hindi ba't sabi mo lagi dati matagal ka ng move on sainyo eh bakit parang natutulala ka?" Mahabang salita niya
"Eh syempre no, ang tagal na simula nung huli namin pag uusap 5 taon na yun kahit sino ma shock kung biglang nagparamdam si ex." Salita ko
"Move on, naka move on kana ba?"
Natahimik ako bigla, dalawang salita lang yan pero natatahimik ako pag natanong na sakin, hindi ko din kasi alam ang sagot. Naka move on na nga ba ako or sadyang distracted lang ako sa trabaho at pamilya.
"Ewan." Yun nalang ang nasagot ko kay miracle
Inaasar niya pa ako dahil sa sagot ko, hanggang sa nagpaalam na ako binaba ko na ang telepono.
Naglinis ako ng katawan, I just wore a blue shirt and sweatpants, tinignan ko ang reflection ko sa salamin.
Favorite color niya pa din kaya ang kulay bughaw? arghh tangina wag mo na siya isipin.
I just go to my bed and closed my eyes, para makatulog agad.
𝑃𝑙𝑒𝑎𝑠𝑒 𝑔𝑜𝑑, 𝑢𝑛𝑖𝑣𝑒𝑟𝑠𝑒 𝑏𝑒 𝑔𝑜𝑜𝑑 𝑡𝑜 𝑚𝑒 𝑡𝑜𝑚𝑜𝑟𝑟𝑜𝑤.
✿︎✿︎✿︎

BINABASA MO ANG
Broken Oath (Juramento Series #1)
RomantizmMalaya Marie D. Salvador is a high school student who has childhood trauma due to her own relatives, he doesn't know how to heal the wound that her relative did. Not until she meet Ethan Gabriel F. Tuazon who help her to move on and to love her self...