Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon. Pagkatapos nang interrogation ay dito kaagad kami dumiretso. Hindi ko mapigilan na mag-alala ngayon dahil hindi talaga kumikibo si Heinrich sa akin simula nang makalabas na kami ng silid. Kasama ko ulit sina Rylay at Lilly ngayon na kumakain.
"Matamlay ka yata ngayon, Miss Zypher?" usisa ni Rylay. "Ah... kayo na ba ni Mr. Heinrich?"
Lilly gasped. "Talaga?"
Hindi ko pinansin 'yun at patuloy lang ako na ngumunguya ng pagkain ko.
"So kayo na nga? Silent means yeah."
"Oh my gosh,"
Nag-angat na lang ako ng tingin sa dalawa. May ngiti sa labi ni Rylay habang si Lilly naman ay namamangha na tumingin sa akin.
"We're bestfriend." Tipid na sagot ko.
Umawang bigla ang bibig ni Lilly habang si Rylay ay parang pinagtaksilan ang mukha. Maya't maya lang ay humalakhak si Lilly.
"Paano na 'yan, Ry? Lubog na ang bangka mo, habang ako?" pagmamalaki n'ya na saad. "May pag-asa pa..." bigla itong tumili at mababakas ang galak sa mukha.
Baghagya tuloy nagsalubong ang kilay ko. Bihira talaga ang dalawang babae na 'to.
Kawalan ko ba si Heinrich? Oo nga, at nasa kanya na ang lahat pero may parte kasi sa akin na pangungulila na hindi ko kaagad mapunan galing sa pagmamahal ng isang lalaki. Marami akong problema sa sarili ko at kung maaari ayaw ko s'yang gawin na panakip butas ko.
I just lost my parents, and worst of all, they're in a faraway place. And Nelima followed. Grabeng plot twist naman 'to! May problema rin ako sa sarili. I think I'm out of sanity. Napakalayo talaga sa inaasahan ko na kapag pumasok sa isang tanyag na paaralan ay tila nasa isang fairytale.
"Hala! Ngayon pala sasabihin scores ng exam." biglang sabi ni Lilly.
Pagkarating namin sa classroom ay wala pa si Heinrich sa katabi kong upuan. Maingay ang loob ng silid. Mabigat ang loob ko na umupo sa upuan ko.
"Pwede ka na mag-bold star, Arzel," pagbibiro ni Glendel sa katabi. "May nalalaman ka pa talaga na, officer habang tumatagal umiinit," she mimics the seductive tone of Arzel.
Nakikitawa na naman ang ibang kaklase namin kanila.
"Special talent 'yun," depensa ni Arzel.
"Tumpak! Pwede ka nang mag-apply ng part-time blowjob by CEO Rylay." Agad na suhestyo ni Kyla at hindi mapigilan ang tawa.
Malakas na natawa ang lahat doon.
"Pak u!" kahit si Arzel ay natawa sa sarili.
"What's our plan, Miss Treasurer?" biglang tanong ni Euno.
"Aba! Anak ng isang Mayor talaga." Napangisi si Rylay. "Bakit? May plano ba? Hindi naman ako aware."
Wala akong nagawa kundi makinig na lamang sa kanila. Binuksan ko ang cellphone at tiningnan ang oras. Hapon na rin at mamaya didiretso na kami sa bahay nila Nelima.
"Of course," pagbibitin ni Milley. "We're paying for the consequences," tumaas pa sulok ng labi n'ya. "Yes, Mr. Euno, the son of the corrupt mayor, everything with the money can be bribed. Hindi mo rin gugustuhin na may lista ang pangalan mo sa kulungan."
Someone whistled. That's a personal attack.
Ewan ko ba kung dapat kong ikagagalak na wala ako sa gabing 'yun nang dahil dinukot lang naman kami ng mga hayop na lalaki. Wala rin talaga akong kawala. Iba ang hinaharap nila na kaso at personal namin sa akin ngayon.
YOU ARE READING
Corner Him
General FictionZypheryia Elizabeth is the homeschooled daughter of a most luminary attorney, Bartel, who finally decided to enroll in East Pontus High University to experience being a typical girl student and finish her SHS away from an isolated corner of her room...