CH 17

13 2 0
                                    

Napagpasyahan kong makipagkita kay Tiffin ngayon kasi alam kong s'ya lang ang madaling hingan ng sagot sa mga katanungang nakakapagpabagabag sa aking isipan simula noong gabing iyon.

Muli ko na namang napanaginipan 'yong oras na akala ko makukuha na ang pagkababae ko nang dahil lang sa gabing 'yon na nasa Neicaro Hotel kami.

Akala ko talaga iyon ang unang pagkakataon na mararanasan ko na magsaya sa gitna ng gabi. Bagaman malayong-malayo iyon sa inaasahan namin ni Nelima.

Nitong mga nakaraang araw, aaminin kong nakatutulong talaga sa akin sina Heinrich at Alxe kasi natuon ang atensyon ko sa kanilang dalawa. Iyon nga lang, nagbibigay sakit ulo at damdamin rin.

Hinabaan ko ang pasensya ko ngayon habang hinihintay si Tiffin dito sa coffee shop na kung saan kami unang nagkita.

At gaya ng dati, nakita ko na namang humarot s'ya sa cashier. Mga lalaki talaga.

"Sorry, matagal ba ako?"

Hindi ako umimik kay Tiffin. Pinanood ko lang ang mga galaw n'ya. Naka-order na rin ito ng kape n'ya at sumisipsip sa cup na animo'y bata na dumididi.

Ngumisi ito bago nagsalita. "So what's with the urgent meet-up?"

Marahan akong huminga at napakagat labi. Hindi ko alam bakit naiiyak ako.

He sighed after seeing my emotion. "Ano mag-iiyakan na lang tayo ngayon dito?"

At dahil doon, napukaw ang inis sa katawan ko. Alam na alam n'ya talaga kung kailan ilalabas ang lakas ko.

Sa pagkakataong ito, umasa akong may makaiintindi ng nararamdaman ko.

Paano ko ba makakalimutan 'yong takot ko? Tuwing binabangungot ako sa nakaraang insidente, nagkaka-hallucinations ako. Parang sa anumang oras ay bubulaga 'yong mga lalaki na muntikan nang gumahasa sa amin.

I admit right now that I'm really affected. But I refuse to believe that it makes me hopeless.

I may be just a girl, but I'll make sure they pay for what they did.

Marami nang mga biktima ng rape. Hindi dahilan para sumuko ako na hulihin 'yong may salarin sa amin.

"Okay, I'm going to talk to the cashier then," Tiffin said, and he stood up. "I'm not going to talk with the mute."

He's getting on my nerves. But I'm just lost right now.

I'm not mute. I'm just emotionally drained.

Lahat ng tao na malapit sa akin nawawala. Lahat sila iniiwan ako. Kahit mga magulang ko hindi na ako matutulungan ngayon.

I'm really jealous. Bakit ma? When I needed you the most, you could not defend me? You just left.

Hindi ko mapigilan ang namuong luha sa mga mata ko. Tinawag ko si Tiffin nang hindi pa ito tuluyang nakalayo sa upuan ko.

Pinatong ko sa lamesa 'yong picture na kinuha ko sa loob ng kwarto ni Alxe. Ilang segundo n'yang tinitigan 'yon. Tumalas ang tingin nito sa picture.

"Where did you get it?" madiin na pagkakatanong ni Tiffin sa akin."F*ck! Bakit ngayon mo lang ipinakita 'yan. Bakit ngayon ka lang nagbalak na ibigay 'yan?"

Nagbigla ako sa paraan ng pagtatanong n'ya. Hindi ko rin inaasahan na magagalit s'ya nang dahil lang sa isang picture.

Literal na bumalik 'yong luha sa mga mata ko.

"Speak."

Sinalubong ko ang tingin n'ya sa akin. "Ano ngayon kung ngayon ko lang nakita itong picture?"

Corner HimWhere stories live. Discover now