CH 27

8 1 0
                                    

"Doon na lang kaya tayo sa condo mo," suhestyo ko.

Sa bahay namin kami umuwi ni Alxe. Nakabuntot pa ito sa akin dito sa loob ng kwarto ko. Sinimulan kong ligpitin ang mga gamit n'ya sa paaralan para maiuwi n'ya pabalik sa condo n'ya.

"Okay," aniya at kinuha sa akin ang mga gamit n'ya. "Make sure to check the CCTV to see if it works properly. Mag-isa ka lang dito sa mansyon. Huwag mo akong patayin sa pag-aalala sa'yo."

Napalunok ako sa paraan ng pasasalita n'ya. Anong nangyari sa dating masungit na Alxeius?

"And... the coffee. Why did you bring it here? Hindi 'yon normal na kape, Zypher."

Nalalag ang panga ko sa narinig.

"I mean, the coffee has so much caffeine compared to a normal coffee. Do you even drink coffee?" He looked at me seriously.

Imposibleng may alam s'ya sa mga bawal sa akin. Pumupunta lang naman talaga ako sa coffee shop pero hindi pure coffee 'yong in-order ko. Lahat ng flavor in-order ko bukod sa kape.

Peke akong ngumiti sa kanya. "Sorry na. Gusto ko lang naman tikman. Atsaka nasa kusina lang 'yon kunin mo na lang at dalhin sa condo mo." Kinakabahan na paliwanag ko.

Mabigat pa s'yang huminga bago lumayo sa akin. Hinabol ko s'ya sa may pintuan at inilahad sa kanya ang isang tote bag para paglalagyan n'ya ng mga libro, portfolio at mga papel n'ya. Nabigla pa 'to sa ginawa ko.

"Ayaw mo akong samahan sa condo?" pagtatanong ni Alxeius habang inilagay sa loob ng tote bag ang mga gamit. Hawak hawak ko ang tote bag para alalayan s'yang maipasok lahat ng mga gamit n'ya sa paaralan.

"Bakit wala ba akong bahay, Alxeius?" I asked back. Nang maipasok na lahat ng gamit ay agad kong dinikit sa dibdib n'ya ang tote bag. "Ganoon ba ang epekto sa'yo ng comatose. Nagiging feeling close ka sa akin?" tanong na ikinatigil n'ya.

"Maybe?" aniya at nangingiti. "Why? Did I scare you? If you're not comfortable with it yet, then allow me to court you." Direktang sabi n'ya.

Maang ko s'yang tiningnan. "Baka nanaginip ka lang, balik ka ulit sa hospital. Balikan mo ang katawan mong natutulog doon."

He suppressed his stifles. "Aalis na po. Ang init ng ulo mo..." halos pabulong na sabi n'ya sa huling linya. Umalis ito sa harapan ko. Ilang segundo lang ay bumalik ulit s'ya.

"Don't forget to message me on the phone. I'll wait for your text," paalala n'ya sa akin bago tuluyang umalis.

Nagtungo agad ako sa veranda at hinintay s'yang makalabas ng bahay. The gate will close automatically, kaya hindi na ako nag abala pa na sundan s'ya. Nang makapasok na s'ya sa driver seat ay sumilip pa s'ya sa akin mula sa bintana ng sasakyan n'ya. Bumusina ng ikatatlong beses bago pinaharurot ang sasakyan.

Pumunta ako sa maliit na silid dito sa mansyon kung nasaan ang mga monitor connected sa CCTV. May isa lang doon ang hindi gumana kaya tumawag agad ako ng mag-aayos nito. Habang naghihintay nag-order muna ako ng makakain. Ilang minuto lang ay may nag door bell na sa labas ng gate.

"I'm Pontus, at your service, ma'am." Bungad sa akin ng lalaki. Isa s'yang kilala sa larangan ng programming. Nagtratrabaho rin s'ya sa ganitong bagay.

Bakit s'ya ang tinawagan ko? Si Alxeius lang naman ang nag text sa akin at suhestyo n'ya sa akin ito. Tinuro ko sa kanya ang banda kung saan 'yung CCTV na hindi na gumagana. Nasa main door lang din 'yon. Pagkatapos palitan 'yon ay may ginagawa pa s'ya sa loob ng kwarto kung saan ang mga monitor. Nakabuntot lang din ako sa kanya.

Corner HimWhere stories live. Discover now