Antok na antok na ako. Ipipikit ko na sana ang mga mata pero ang ingay ng cellphone ko. Ikatatlong ring nito ay sinagot ko na rin.
"Hello?"
Rinig ko agad ang isang tunog ng sirens sa kabilang linya. Tila may nagkakagulo na mga tao.
"Hello?" sagot ko ulit.
Unti-unti humupa ang ingay ng paligid sa kabilang linya, bago nagsalita ang taong nasa kabilang linya ng tawag.
Prank ba 'to? Masyadong malalim na ang gabi ah.
"Is this Miss Zypher?" the man said in a baritone voice.
"Yes," I responded, almost in a whisper. "Uhm, this is Zypher Bartel speaking."
Mula sa pagkakahiga sa kama ay tumayo agad ako. Nagtataka kung bakit may tumawag sa oras ng hating gabi. Pumunta ako ng terrace at sumalubong ang malamig na hangin sa katawan ko.
"Ah, pasensya na sa abala, ma'am, may naaksidente kasing lalaki dito sa Cornelia Street nagngangalang, Alxe Worthy."
What?!! Hindi ako makapaniwala sa narinig. Papaanong na aksidente s'ya? Naguguluhan ako sa sinabi ng lalaki. Kani-kanina lang matamis pa s'yang ngumiti bago umalis sa bahay. At sabi n'ya rin dito s'ya matutulog ngayon sa bahay namin. So papaanong napunta s'ya sa Cornelia Street? Wait! Baka umuwi s'ya sa condo n'ya?
"Hello ma'am?" tawag ng lalaki sa kabilang linya nang natahimik ako. "I supposed you have a relationship with him since you're in his emergency contact number."
Muli na naman akong natigilan. Hindi ako sumagot. Hindi ko rin alam ang sasabihin ngayon. Anong isasagot? Prank ba 'to? Bakit unti-unti akong kinakabahan? Bahagya kong hinilot ang noo ko baka isa lang itong panaginip. Nang mapagtanto na gising ang buong diwa ko ay bumuga ako ng malalim na hininga.
Nagtataka talaga ako bakit ako 'yong nasa emergency contact ni Alxe.
"This is to inform you, ma'am; he's still alive; the ambulance will deliver him to the hospital now."
I ended the call. Hindi nga s'ya nag-pa-prank. Marahan akong umiling.
How does this happen suddenly?
Eh bago s'ya umalis nasa tamang huwisyo naman s'ya. He's not drunk. Pinapahintay n'ya pa ako. And I waited. Dalawang oras bago ako umakyat sa kwarto ko dahil sumang-ayon ako sa sinabi n'ya na uuwi s'ya pagkatapos ng party.
Kaya hindi agad ako natulog kasi walang magbubukas ng pinto para sa kanya. Nakipagsundo ako sa gusto n'ya kasi kaarawan naman n'ya at hindi ko 'yon alam sa buong oras na magkasama kami simula noong tanghalian. Kung hindi pa tumawag ang ina n'ya hindi ko malalaman na birthday n'ya pala.
Mas pinili n'yang mag-usap kami. Para saan? Bakit n'ya mas piniling magkasama kami kung maraming bisita ang naghihintay sa kanya. Hindi naman maipagkakaila na maraming nakakakilala sa kanya. Marami rin s'yang kaibigan kung gano'n. Naghanda din ang pamilya n'ya para sa kaarawan n'ya.
Kaya bakit, Alxe? Bakit sinayang mo ang oras na sana ay inilaan mo na ipagdiwang ang espesyal na kaarawan mo. Sana hindi na lang ako pumayag na mag-usap kami para sa proyekto namin.
Hindi sana mangyari 'to ngayon. Napaupo ako sa upuan. I was panting for no reason.
No no. Not again. Akala ko hindi ko na mararamdaman 'yong takot. Takot sa puso at pangamba na naramdaman ko gaya noong may nangyari kay Kuya Keinn.
Unti-unting lumabo ang paningin ko. I sobbed. Not because I'm worried about Alxe. I am guilty right now.
Again, I am involved.
YOU ARE READING
Corner Him
Ficción GeneralZypheryia Elizabeth is the homeschooled daughter of a most luminary attorney, Bartel, who finally decided to enroll in East Pontus High University to experience being a typical girl student and finish her SHS away from an isolated corner of her room...