CH 4

45 2 0
                                    


Inisip ko palang kung paano s'ya makapag-react ay napailing na lang ako. She said because we're besties, we have to be together at any moment.

Pero anong ginagawa n'ya sa kabilang building?

Sa totoo lang, gusto ko maging lawyer pero nasa option ko na lang iyon at ngayon hindi ko rin alam ba't nandito ako sa room na ito.

Gusto ko maging average typical student as for now. Marahil sa walang hanggang gusto talaga ang patutunguhan nito kung hindi iisipin ang pipiliin.

Sa ganitong edad, natural na sigurong maraming gusto sa buhay, but these things have gone in a matter of time kaya nga may self development assessment for all students.

Maybe things will decide for you because yourself can't. Pero mas mabuti pa rin na sarili mo mismo ang susundin mo kahit na sasabihin nating wala tayong choice sa mga bagay dahil talagang may pagkakataon sa ating sarili na babalikan ang kaunting interest na kailanman hindi nawala sa ating pagkatao pero sinayang naman at hanggang sa isip nalang magiging ganito sana ang lahat kung sinubukan mo sa simula.

But time is running so as life is changing.

"Buti na lang hindi nagpasulat ng essay sa first day natin," sabi ni Rylay at tinanggal ang face mask sa mukha n'ya. Nakasuot ito ngayon ng specs na bumabagay din sa ganda n'ya.

"Just wait this afternoon, baka may papasok na teacher at pasusulatin ka ng how the demand of mask product this year?!" Napatawa ng kaunti si Lilly at umirap naman si Rylay sa kanya.

"At ikaw naman ay how to be angel antogonist of the year?" Rylay talked back, murmuring a little. "You know Lilly?!" Mataray n'yang sabi. "Sa akin ka lang naman hindi makakarinig ng backstab-kaya mind you, huwag mong iparinig sa iba ang pagiging pakialamira mo!" Mariing sabi ni Rylay at inayos ang cartons na pinaglalagyan ng benta n'yang mask.

Bumalik naman ng upo sa tabi ko si Heinrich na galing ng restroom. Kapansin-pansin ang pagkatulala nito ngayon.

"What's in your mind?" Tanong ko para hindi n'ya ulit sabihin sa akin na you're so quiet.

Napalingon ito sa akin. "Ba't hindi kita naging classmate last year?" He suddenly asked.

"Kasi hindi naman ako pumapasok ng school dito," sagot ko.

"It made sense, pero nakapagtataka lang... kung ang kuya mo ay nag-aaral dito, bakit ikaw hindi?" Patuloy n'yang usisa sa akin.

Ang dami n'yang tanong.

"Parang ang interesado mo naman sa buhay ko." Pagbibiro ko.

"Right," aniya at sumandal sa backrest ng upuan n'ya. "Now if it's okay with you?" Bigla n'yang tanong at tumitig pa ito sa akin.

I arched my brow. "Ba't naman hindi?" I asked rhetorically. By then, Heinrich looked at me amusingly.

"Okay. Will you let me close to you?" Agad n'yang tanong at literal n'yang inilapit ang kanyang upuan sa akin.

"S-seatmate naman tayo ah, pwedeng wait ka lang? Magiging close rin tayo," paalala ko sa kanya.

Sa sobrang lapit n'ya sa akin ngayon, naamoy ko na ang bango n'ya at kaunting galaw lang naming dalawa ay mararamdaman namin pareho ang magkabilang siko. Hindi ko na lang inabalang isipin pa ang position namin ngayon. Hindi rin naman big deal sa 'kin 'to pero kung may guro siguro ngayon sa harapan ay baka kanina ko pa s'ya naitulak.

Corner HimWhere stories live. Discover now