CH 14

20 2 0
                                    

"Just call me when you need me," Heinrich said. I lightly nodded and gave him a smile.

Nasa labas kami ngayon ng Neicaro Hotel. Nag-alok pa ito sa akin na ihatid ako pero tumanggi ako. Hindi komportable para sa akin na s'ya mismo ang mahahatid sa akin habang si Alxe naman 'yong naghihintay sa akin sa isang tanyag na restaurant.

Kung tutuusin nahihiya na ako sa kanya, hindi dahil sa kung ano man ang namagitan sa amin ngayon. Na ang alam ko ay may pagtingin s'ya para sa akin, at habang ako ay nalilito sa kasalukuyang takbo ng buhay. Nahihiya ako dahil hindi ako sanay sa ganitong bagay. Sa tanang buhay ko, animo'y isang panaginip ang lahat ng ito dahil na rin siguro sa mga oras na sarili ko lang ang pinagkukunan ko ng lakas na loob. Kinahihiligan ko na ang mapag-isa palagi kaya nakakaramdam ako ng mga pangamba ngayon lalo na at nagiging komportable na ako sa presensya n'ya. Natatakot akong sumugal sa pag-ibig.

Heinrich. I looked at him. We're still waiting for a taxi. See? He still accompanied me here outside to make sure I could get a safe ride.

I like him. I won't deny it to myself. His care for me and effort to make me feel safe and loved are like a dream. A dream doesn't guarantee assurance. It is a dream that it takes a bumpy road to build stonger patience.

Totoo nga, na sa gitna ng mga pagsubok na ating hinaharap sa buhay ay mayroon din isang tao na magbibigay buhay sa ating mga puso.

But one thing I can promise myself right now is to take my time to contemplate the next steps. I should assess myself first. I don't want to show any signs of hope and act like they have a chance to be part of my life. Especially for him, I don't want to ruin what we have right now. At this time, I'll care for him as my friend.

Pinagbuksan n'ya ako ng passenger seat. "Thanks," tugon ko kay Heinrich. Kumaway pa ito sa huli kong tingin sa kanya.

"Boyfriend?" Joshi asked, he's the taxi driver.

Iisipin ko na lang, na hired talaga s'ya dahil s'ya palagi ang dumadating na taxi tuwing naghihintay ako.

"We're friends," I responded shortly.

"He's ideal," he replied, and chuckled. "I know that guy, rich and kind."

"Do you admire him?" I said, sounding surprised.

I'll talk to him to kill the time.

"Yes, I like that boy," aniya na tila ba ay hangang-hanga s'ya kay Heinrich. "As a man, mayroon din kaming standard sa kung sino 'yong mga taong magugustohan namin." He said seriously.

He's gay? I thought.

"And no, I'm not gay; I'm perfectly straight. A lot of girls hardly tried to seduce me, you know." He said it, sounding proud of it.

Kusang tumaas ng bahagya ang isang kilay ko sa narinig. Ayan na nga nagbubuhat na naman ng sariling bangko 'yong lalaki.

"Alam mo bihira na nga lang tayo magka-usap, ginawa mo pang mute ang sarili mo," biglang sabi ni Joshi sa akin, dahilan kaya nilingon ko s'ya.

"Alam mo rin, dapat magpasalamat ka at may nakikinig sa'yo," sumbat ko rito. "You know, not everyone will listen to you; they'll just act as if they heard you, and that's it. You can't expect someone to make time to listen to you and expect others to talk to you."

He whistled. "That was an honest response," he remarked, and chuckled.

Hindi ko matukoy kung anong punto n'ya kung bakit n'ya pinupuri si Heinrich ng ganoon.

Corner HimWhere stories live. Discover now