CH 20

13 2 0
                                    

I was literally in my cheerleader era right now.

Nasa restroom kami ngayon at kinakabahan na tiningnan ko ang sarili sa salamin. Tinulangan ako ni Rylay na mag-ayos ng costume gaya ng isang cheerleader. At kanino galing iyon? Syempre sa kanya mismo itong damit na suot-suot ko ngayon. Maikli 'yong palda para sa akin at halos maging tube ko na iyong crop top ni Rylay.

"Naks! Tamang-tama sa iyo ang size ko mas lalong naging sexy sa'yo. Saan ba kasi ako noong nagpa-ulan ng katangkaran si, Lord." Aniya at proud na tumingin sa akin. Bigla pa itong natawa kaya bahagyang kumunot ang noo ko sa kanya.

"Ang sexy nito, Rylay, hindi ako komportable na suotin ito sa harap ng maraming studyante." Pagrereklamo ko. Lumaylay ang balikat n'ya sa sinabi ko.

"Promise parang modelo ka lang sa suot mo. Dapat ikaw na lang 'yong uniform model ng paaralan eh." Komento n'ya at inilahad ang kamay sa akin hudyat na lalabas na kami.

"Alam mo dapat ang magaganda hindi nahihiya, dapat rumampa ka habang papunta sa cheerleader bleachers. Ipakita mo na todo suporta ka talaga sa kanya ngayon. Nako!" natawa na naman itong si Rylay "baka malalag 'yong brief ni Heinrich pag nakita ka n'ya mamaya." Lumakas ang tawa n'ya matapos sabihin 'yon. Habang ako naman ay nagwawala ang tibok ng puso ko.

"Let's go! The game is about to begin."
She squealed with full of excitement.

Nagpatianod ako sa hawak n'ya habang tinungo namin ang soccer field. Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang makalapit na kami sa dagat ng mga studyanteng nanonood ngayon.

"Please just enjoy and don't worry doon lang ako sa tabi ng upuan ng mga cheerleader." Agad n'ya akong iniwan matapos sabihin 'yon.

Sinunod ko ang turo n'ya kung saan ako uupo ngayon. Nagwawala na talaga ang dibdib ko habang papalapit na ako sa bleachers. Sumulyap ako sa banda kung saan si Rylay at malaki ang ngisi nito sa labi. Sinundan ko ng tingin ang daliri n'ya na ngayon ay nakaturo sa banda ng mga players.

Tangina ka talaga Rylay! Napapaso na ang magkabilang pisngi ko ngayon. Nahuli ko ang titig ni Heinrich sa katawan ko. Gumalaw ang panga n'ya habang seryoso na tumingin sa akin ngayon. Kahit na nangiginig na ang mga tuhod ko ay sinunod ko ang payo ni Rylay sa akin na lumakad na parang modelo at confident. Kahit na may hangin sa labas ng field ay nag-iinit talaga ang naramdaman ko ngayon.

Hindi ko matukoy kung dahil ba iyon sa mga titig ni Heinrich sa akin o nang dahil sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon at kaba na hindi ko alam kung bakit.

Binati naman agad ako ng mga cheerleaders at lalo na 'yong tinabihan ko ay ngumiti sa akin na parang close kami.

"Hi, I'm Jepus; I'm Nelima's classmate." kaswal na pagpapakilala n'ya sa akin na ikinatigil ko rin.

Lumamig ng kaunti ang katawan ko sa narinig na pangalan.I tried to give her a friendly smile and just sit on the bleachers.

Lumakas na ang hiyawan at ingay ng lahat hudyat na magsisimula na ang laro. Natuon agad ang atensyon ko sa gitna ng field. Ang kaninang hiya na nararamdaman ko ay napalitan ng lungkot. Muli kong tiningnan ang katabi ko sumasayaw na ngayon. Unti-unting kumirot ang puso ko at tinuon muli ang atensyon sa laro.

Heinrich scored. Gumawi ang tingin n'ya sa akin. Ang masaya nitong mga mata ay napalitan ng pag-aalala. Pinilit ko na ipakita sa kanya ang proud na ngiti ko at gumuhit ako ng puso sa hangin. Napangiti s'ya roon.

Corner HimWhere stories live. Discover now