Chapter 3 (Kick out)

30 3 0
                                    

Leslie's POV

I saw her fighting with some guy. Medyo madilim na kaya hindi ko nakita yung itsura nung lalaki. Nakatalikod sya at nasa side nya si Yura.

Baket ko sila biglang nakita? Mag c-cr lang sana ako then suddenly. They caught my attention. Halata kay Yura na galit na galit sya. Nasa may baba lang sila at nasa second floor ako. Medyo hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila.

Siguro, dapat umalis na ako dito. Personal life ni Yura into at hindi dapat ako makihalo pa.

Pag kabalik ko sa room namin at natulog na ako.

Coleen's POV

Another day again! Omg. Ang dami kong magagandang pictures! Ang ganda ko talaga!

Nakasakay kami ngayon sa isang cable car. Tinatanaw ang ganda ng view. Kasing ganda ko ang view. Hahahahahahaha!!

When suddenly I saw a scar on Yura's neck. Omg anong nanyare sakanya?!

"Ehh. Yura what's that?!" Nagtatakang tanong ko ng nakaturo sa scar nya.
Napalingon nman si Leslie at nagulat din sya. Hindi naman sumagot si Yura at nakatingin parin sa labas.

Haaaaay nako. Ewan ko ba. Nag iba na ang nakilala kong Yura.

Leslie's POV

Naglalakad kami ngayon at papunta sa restroom. Kasama ko naman si Coleen. Medyo hindi kame parehas na komportable kay Yura kaya hindi kame magkasama ngayon.

Nadatnan naming papasok si Yura sa isang cubicle kaya pagkatapos namin ayusin ang make up namin ay umalis na kami.

Coleen's POV

Naglalakad na kami ngayon papunta sa bus. Dahil pauwi na kami.

"Omg. Naiwan ko yung purse ko?!"
Haynako. Makakalimutin. Tsk -_-

"Sige hintayin kita dito."

Mayamaya lang ay nakita ko na ulit si Leslie na palapit ulit sakin.

Yoona's POV

May sakit ngayon si giane. Isa sa mga batang kasama ko dito sa ampunan. Inaalagaan ko sya ngayon.

"Yoona! May bisita ka anak" sabi ni nanay. Hindi namin sya tunay na nanay ngunit nanay ang tawag namin sa kanya dahil sya ang nag alaga samin nila giane.

"Sige po nanay,bababa na po!"
Pag baba ko. Nakita ko ang mga taong nag papahirap ng buhay ko. Ang mga walang pusong tinapak tapakan ako.

Di ako makagalaw sa pwesto ko.

"Anak ano ka ba?! Kanina ka pa hinihintay nitong mga kaibigan mo. Kaklase mo daw sila anak? Hindi ba?" Kaibigan? Parang nabingi ako sa mga sinabi ni nanay. Ngunit ipinilit ko pading makalapit sa lamesang kinalalagyan nila.

Umupo ako sa tapat nya. si Alexandra Sandoval.

ang babaeng nagpahirap samen. mayaman sya kaya lahat napapasunod nya.

Nagsalita sya.
"Hmm. mam nandito po kami dahil kailangan daw naming makatulong dito sabi ni daddy."

Ang daddy nya ay isa pinakamaymang tao dito saamin. may ari ito ng AS Group of companies.

"Ay, ikaw pala yan mam Alexandra.pakisabi ulit sa papa mo na maraming salamat sa lahat ng donasyon na ibinigay nya." Oo tama ang narinig nyo, nagdodonte nga ako papa nya sa ampunan namin.

"Wala po yun" ngumiti siya.

Inutusan kami ni nanay na magwalis at magtanim sa likod ng bahay ampunan.

Who are you? (School love and trouble)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon