Chapter 1

14 0 0
                                    

Nakakapagod!

Oo umaga pa lang pero pagod na ko. 11pm na ko nakauwi kagabi dahil yun ang oras ng out ko. Dapat masanay na ko lalo na at pasukan na!

Firstday of school ko ngayon as a College student! Parang natatakot akong mag aral baka mahirap sa college, pero ayos lang kahit mahirap basta madaming pogi na schoolmates.

Ay pumipikit pala ako kapag may pogi .

Ok! Aral sa umaga, trabaho sa gabi. Kaya ko to! Bumangon na ko sa kama ko at dumiretso sa banyo para mag ayos. Maaga pa, 4am pa lang.

Aga nagising, excited makahanap ng po──maganda! Maganda talaga gusto ko, hindi pogi!

Pagkatapos mag ayos, lumabas na ko at pumunta sa kusina para magluto. Ang cute ng apartment ko, dagdag pa yung kulay ng pintura. Light pink at white! Minimalist lang din ang design.

Itlog, hotdog, gatas at kanin ang almusal ko. Madali lang kasi lutuin yun kaya iyon na lang. Pagkatapos ko kumain kaagad akong pumunta sa banyo para maligo. Siniguro kong malinis at mabango ako bago lumabas sa banyo.

Kakahiya naman sa makakabungguan ko mamaya at sasalu sakin para hindi bumagsak sa sahig!

Kaya dapat talaga na mabango. Paglabas ko, excited akong nagbihis. Ang cute ng uniform namin parang sa isang Anime. Gray na skirt╌╌hanggang gitnang hita lang yun.

Ang iksi! Baka bigla humangin at umangat──busog mata ng mga manyak!

Black school shoes at black rin na knee socks sa paa. KNEE pero hanggang hita! White polo naman yung top at may black na ribbon, sa panlabas naman Red blazer na may logo sa kaliwang dibdib.

University of Reigo-Fuentevieros. URF not typical academy

Pangalan pa lang pangmayaman na pero ba't hindi typical na academy? Ano ba meron sa academy na yan? Si Mr. Zeref ang nag enroll sakin sa school na yan at siya rin ang nag scholar sakin, sagut naman ni Mommy ang allowance ko. Kung tutuusin hindi ko na kailangan magtrabaho.

Pagkatapos magbihis, buhok ko naman ang inayos ko. Hanggang bewang ang straight kong buhok, kaya naisipan ko na dalawang salapid ang hairstyle ko ngayong araw. Ok yun para hindi mainit at saka convenient din yun para mamaya sa trabaho ko. Black na maliit na ribbon ang nilagay ko sa dulo non.

Pagkatapos mag ayos lumabas na ko ng apartment ko at nag-abang ng jeep na dadaan.

Nang may dumaan pumara ako kaagad.

Papap dol papap! ──charot! Para kuya, para ako sayo, Ayiiee!

Pagkasakay sa jeep, amoy putok yung katabi ko──Joke lang, bad ka Lesley!

Mabilis naman akong nakarating sa school ko dahil malapit lang naman yun sa apartment ko. Pagkababa ko sa jeep parang malulula ako sa taas ng gate.

Putek , gate palang yan!

Kulay puti ang pintura nun, sa taas nun may arch ng pangalan ng school. Malinis ang paligid, madaming matataas na puno ng palma, madami ding bulaklak na nakatanim sa mga plant box. Sobrang ganda, parang sa paraiso dagdag pa na madaming mga paru-paro na lumilipad.

Kesa naman na magmukha akong tanga na hindi pa nakakakita ng ganto kaganda na gate pumasok na lang ako. Pagpasok sa loob, malawak ang garden ng school at nakakalula ang naglalakihan at nagtataasan na buildings.

Baka maligaw ako dito.

Madaming estudyante ang nakakalat kahit saan kasi maaga pa naman. Naglakad na lang ako, hahanapin ko ang classroom ko. Habang naglalakad madaming nakatingin sakin at nagbubulong-bulungan. Yung iba ang creepy tumingin.

Embracing Her TighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon