Chapter 2

5 0 0
                                    

Ang kapal ng libro na hawak ng Professor namin, pero mas makapal ang mukha nitong nakaupo sa harap ko.

Iyong Stingray!

Kung ano-anong kalokohan pinagsasabi niya, saksakan naman ng yabang at sungit. Ako na dapat ang sasagot kanina sa recitation kaso nag-answer in chorus ang abnoy. Hindi ata marunong magtaas ng kamay.

"Pew! Pew! Oh ayon! Headshot" bulong ni Dray sa tabi ko at uma-action pa na may binabaril at 'yong Professor namin ang kunwaring binabaril niya.

Patago niyang ginagawa yan, kanina pa siya dyan. Parang tanga! Mahuli sana ni Prof.

Ba't ba kasi siya pa naging seatmate ko?

Si Dray Xavier Reigo 'yong foxy eyes na matalim tumingin, na inakala kong masungit at mature pero ito siya parang grade 2 na naglalaro ng baril barilan.

Si Linus Dryle Reigo naman ang puti ang buhok na may piercing na kasalukuyang natutulog ngayon sa oras ng klase.

Si Yuno Laurence Reigo 'yong singkit na pilyo at titig na titig siya ngayon kay Precious.

At si Sting Aries Reigo Fuentevieros naman ang tinatawag nila na 'Stingray',anak ng may-ari nitong University. Gusto n'yo malaman kong anong ginagawa ng dahunan? Focus na focus siya sa pakikinig sa dinidiscuss ni Prof. Ediwow ,good student!

Magpipinsan silang apat, kaya hindi na nakakapagtaka na puro sila mga gwapo.

Gwapo nga, malala naman ang saltik.

"Ok class" napatuwid ako ng upo ng marinig si Prof, tumigil na rin si Dray sa kalokohan niya, samantalang si Linus naman ay gising na──correction! Kakagising lang kasi humihikab pa.

"I'll divide you into 8 teams, with 8 members each, that team will be your permanent team. Kung sino ang ka-team niyo sa subject ko, ka-team niyo rin yan sa ibang subjects. Magkakasama kayo sa lahat ng activities, performance task at mga mission" mahabang paliwanag ni Prof samin.

Teka, ba't may mission?

Kinalabit ko si Dray na nakatingin sa labas ng bintana. "Dray, ba't may mission? Eh students pa lang naman tayo"

"Challenges lang yan satin, sinusubok kung hanggang saan ang kaya mo. Kapag nagtagumpay ka sa misyon, pasado ka. Pero kung hindi, bagsak ka" napaawang na lamang ang labi ko sa sinabi niya.

Kaya pala hindi typical na school. May pa-mission!

"Oh, natulala ka dyan? Kasama mo naman ang magiging team mo sa mission. I'm sure na hindi ka nila pababayaan." sabi ni Dray nang mapansin ang reaksyon ko.

"Ah eh, na-shock lang ako. Sa ibang school kasi wala namang ganon" sagot ko sa kanya at nagpilit ng ngiti.

"For team seven.... " nakinig na ako kay Prof, dalawang team na lang pero hindi ko pa narinig ang pangalan ko. "Sting Aries Fuentevieros, Yuno Laurence Reigo, Linus Dryle Reigo, Dray Xavier Reigo" Hanep! Magkakasama ang malalakas ang saltik!

Nagbulong-bulungan naman ang ibang classmate namin. Pero hinayaan lang sila ni Prof at nagpatuloy na lang. "Yukino Greigsville, Elly Zia De Ries, Precious De Ries and Lesley Jiyana Zamora" napatingin lahat ng classmate namin sa akin.

"Ba't sa team nila napunta ang newbie? "

"May balak pa atang landiin ang magpipinsan"

"Ang daya naman"

Ang laki ng problema nila sa members ng team. Hindi ko naman ginusto na kasama ang mga 'yon. Kung pwede lang magprotesta kanina, ginawa ko na kaso nakakahiya naman lalo na't bago pa lang ako dito.

Embracing Her TighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon