Minsan na ba kayong nakabili ng fake na glue? Iyong ayaw dumikit ng maayos at natatanggal.
Parang ganon din 'yong band aid na nakalagay sa noo ko. Hindi ako makafocus sa klase kasi maya-maya nalalaglag.
Argghh! Kaasar...
Kasalanan talaga ng dahunan na 'yon kahapon. Buti na lang hindi malala 'yong nangyari sa noo ko, kinailangan lang lagyan ng band aid kasi may maliit na galos. Pa'no ba naman kasi, takong ang tumama sakin.
Ang galing bumato ng Aries na 'yon.
Siya pa may ganang mag-walk out! But wait, back to topic tayo. Nag excuse ako saglit kay Prof na pupuntang CR. Papalitan ko 'yong band aid.
Habang naglalakad papuntang CR may bumangga sakin. At talagang tumilapon ako sa sahig dahil sa lakas ng impact.
OA sa impact ha! Impakta ata bumangga sakin.
"Oh, what the hell! Are you blind!? " maarteng sigaw niya sakin.
Tumayo ako at tinignan siya. Maganda siya── pero mas maganda ako, maputi din naman, mukhang nakalaklak ng Gluta. Makapal ang make up at sobrang iksi ng skirt niya.
Kunting tuwad lang kita na 'yong ano niya!
Halus magkasing tangkad lang din kami.
"Wait.... You are? " tanong niya sakin at nakataas pa ang kilay niya.
"Marga, she's the newbie" maarteng sagot ng isang alipores niya.
Maarte niyang tinakpan ang bunganga niya na kunwari nagulat ── gulat sa ganda ko! "Kaya pala hindi niya ako kilala. Oh pathetic POOR girl" sabi niya at umirap pa.
Bigla niyang hinila ang buhok ko. "Let me inform you that I'm the queen here, at walang sino man ang pwedeng bumangga sakin. And you should bow your head if you see me, like what other students did! Huwag kang bastos dahil bago ka lang dito! Do you understand me!? " sigaw niya sa mukha ko at padabog akong binitawan na muntik ko pang ikatumba.
"I don't care" sabi ko at inirapan siya.
Akmang lalampasan ko na siya pero tinulak niya ako pabalik. "You should follow me or else! " galit na sigaw niya sakin.
"Ayoko nga, 'di naman kita nanay" bored kong sagot sa kanya.
"Fucking shit! Are you stupid ──" I cut her off.
"Baka ikaw stupid" mukhang lalo siyang nagalit dahil sa sinagot ko.
Akmang sasampalin na niya ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Marga" nagbabantang sabi nito.
Tumigil naman ang babae at umayos ng tayo."A-aries" ngiting ngiti na sabi niya dito. Pero hindi siya pinansin ng dahunan.
Snowbear(snobber) si Dahunan.
Napaiktad ako ng biglang hablutin ni Aries ang braso ko at naglakad, wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Ang lalaki ng hakbang!
"Sandali, ano ba!" Pagpigil ko sa kanya. "Bitiwan mo nga ako! " pilit kong binabawi ang kamay ko sa kanya pero mahigpit ang pagkakahawak niya roon.
Pero hindi pa rin ako tumigil, pilit ko pa ring hinila ang braso ko. "Errghh... Ano...Ba!"
Pero bigla niya akong binitawan dahilan para tuloy tuloy akong bumagsak sa sahig.
"Putek" bulalas ko pagkabagsak ko sa sahig at hinawakan ang balakang ko.
Ang tsakett huhu
"Tsk lampa" bulong niya pero parang sadya na iparinig sakin.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Tighter
RomanceA girl who desires attention and love from her father, but what she got is pain, sadness, mistreatment and betrayal. A leader of a team and heiress of Reigo-Fuentevieros. Who always want revenge to those people who hurt his love ones. What if...