Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Basag ang mga baso at pinggan. Natapon din sa sahig ang mga pagkain. Pati ang damit ng taong nakabangga ko ay marumi din.
"Look what you've done?! " sigaw niya ulit sakin at tinuro ang damit niya na natapunan ng pagkain. Nataranta naman ako kaagad. Nakakatakot siya...
"S-sorry po, sir. Babayaran ko na lang po ang damit nin──"
"Mahal pa to sa kaluluwa mo, tanga!" Aray! Tsk grabe naman 'tong si kuya.
Kahit na nanginginig ang tuhod at kamay lumuhod ako sa sahig para pulutin ang mga bubog at linisin ang nagkalat na pagkain.
"Bro, calm down. Pinagtitinginan na kayo ng mga tao. " sabi ng kasama niya.
"I don't care" supladong tugon niya sa kasama niya.
"Kideon, son, what happened here? " natigilan ako sa ginagawa ko ng marinig ang mahinhin na boses ng babaeng nagsalita.
M-mommy?
Dahan dahan akong nag-angat ng tingin. She's wearing a black heels and black one shoulder body con dress. Hapit iyon sa kanya kaya kitang kita ang magandang hubog ng kanyang katawan. Kutis labanos at matangkad siya, nasa tamang sukat ang dibdib, maliit ang bewang at mahaba ang biyas. Genes niya na namana ko.
Namilog ang mata niya ng makita ako. "L-lesley" napatakip pa siya sa kanyang bibig. "What are you doing here? "
Napayuko na lamang ako at hindi siya sinagot. Baka malaman ng mga tao na anak niya ako sa labas,magiging kahihiyan niya pa iyon. Nanliliit ako sa isiping mayaman ang mga magulang ko pero ito ako, nagpapakahirap magtrabaho para may panggastos kasi anak lang nila ako sa labas at nakakahiya kong manghihingi pa ako sa kanila. Pareho naman nila ni Dad hindi ginusto na mabuhay ako sa mundo kasi may kanya kanya na silang pamilya at one night stand lang ang nangyari sa kanila. Para sa kanila, isa akong pagkakamali.
Dumating na ang manager namin. "Lesley, anong nangyayari dito? " tanong nito sakin.
"S-sorry po. " tanging lumabas sa bibig ko.
"T-tumayo ka dyan, anak. " tarantang sabi ni Mommy at lumapit sakin.
Akmang luluhod siya para pantayan ako ng hinila siya ni Kideon. "Mom, umalis na tayo dito. Sa ibang resto na lang tayo kumain."
"Wait! Hindi siya dapat narito."
"Mom, pabayaan mo siya. Ginusto niya 'yan" pilit niya pa ring hinihila si Mommy.
"Kideon! She's still your sister. " madiin na sabi ni Mommy sa kanya.
"No! She's not! Wala akong kapatid!" Sigaw niya pabalik kay Mommy.
"Tita, let's go na po. Nakakahiya na, andaming tao. " singit na naman ng kasama nila.
"Ma'am, Sir, sorry po. " sabi ng manager namin.
"It's ok. We're leaving. " si Kideon ang sumagot.
Lumabas na sila ng resto. At ako naman pinagalitan ng manager namin dahil sa katangahan ko. Ikakaltas na lang daw sa sweldo ko ang mga gamit na nabasag at mga pagkain na natapon.
Hayst, nabawasan pa tuloy sahod ko:((
"Lesley, ok ka lang ba?" Tanong sakin ni Abby.
Nagpilit ako ng ngiti. "Oo, ok lang ako. Pagod lang siguro. "
Niyakap naman niya ako. "Sure ka ha, pwede ka magsabi sakin. Makikinig ako. "
"Ayos lang talaga ako. Salamat ha." Nagpapasalamat pa din ako kasi kahit papano may concern sakin. Naaappreciate ko na ang simpleng pagtanong kung ayos lang ba ako.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Tighter
RomanceA girl who desires attention and love from her father, but what she got is pain, sadness, mistreatment and betrayal. A leader of a team and heiress of Reigo-Fuentevieros. Who always want revenge to those people who hurt his love ones. What if...