"Let go of her or I'll kill you." Malamig ang boses niya at walang makikitang emosyon sa mga mata niya.
Hindi ko man lang namalayan na dumating si Aries dito, dahil na rin siguro sa pagpupumiglas at sobrang takot ko sa lalaki na ito.
Sa isang kurap ko lang ay tumalsik na sa pader ng abandonadong gusali si Joshua. Nagkabitak ang pader dahil sa lakas ng pagkakatama niya d'on.Nakayuko siya at pinahiran ang gilid ng labi niya ng may lumabas d'on na dugo.
Umupo ako at niyakap ang nanginginig kong tuhod. Ayaw magpaawat ng mga luha ko. Kahit galit ako kay Aries dahil kinaladkad niya ako kanina papunta sa lalaking adik na 'yon, nagpapasalamat pa rin ako dahil dumating siya.
Maya-maya ay dumating na rin ang tatlo. Nagtatakbong lumapit sakin si Yuno. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya, naka-poker face lang si Dray at si Linus naman ay parang galit.
"Jiya, are you okay? Saan masakit sayo, ha? " sunod sunod na tanong sakin ni Yuno at sinuri ang kabuuan ko.
"Fuck! May pasa ka sa pisngi. " lalo akong napahikbi. Niyakap naman niya ako.
"Yuno, p-pinagtangkaan niya a-akong ha-halayin... " parang bata na sumbong ko habang umiiyak. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, halu-halo ang kaba, takot, at sakit na nararamdaman ko...
"Shh, tahan na. Nandito na kami, ligtas ka na..." Malambing na sabi nito sakin at hinaplos ang buhok ko.
"We'll make him pay. " lumapit samin si Aries, wala pa ring ka-emo-emosyon ang mukha niya. "Linus, Dray, alam niyo na ang gagawin. Dating lugar.... " walang lingon sa dalawa na sabi nito at na sa'kin ang atensyon. "Susunod ako... "
Pagkasabi nun ay binuhat niya ko na parang sako ng bigas, pakiramdam ko lalabas lahat ng kinain ko sa bunganga ko. Kahit kailan talaga hindi siya gentleman!
"Tol, naman. Ang brutal mo! " reklamo sa kanya ni Yuno.
"Damn! Ikaw na lang magbuhat. Andami mong arte. " parang manika na inabot niya ako kay Yuno. Binuhat naman ako ng lalaki, bridal style.
"Saan natin dadalhin 'to? " tanong niya kay Aries habang naglalakad paalis sa lugar.
"Sa clinic" maikling sagot sa kanya ng dahunan.
"Jiyana, kumakain ka ba talaga? Ang gaan gaan mo... You're so skinny! " hindi na ako sumagot sa kanya. Hindimaganda ang pakiramdam ko.
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
"Lesley, sure ka ba na kaya mong umuwi mag-isa? Ihahatid ka na namin." Pangungulit pa rin sakin ni Elly.
Sinabi ko naman kanina na kaya kong umuwing mag-isa pero mapilit talaga siya. Kanina pa iyan noong nasa clinic pa kami. Pagkaalam kasi nila ng nangyari sakin naghurumintado kaagad silang at pumunta sa clinic. Napagalitan pa sila ng nurse dahil sa ingay nila. Parang makakalbo tuloy si Yuno at Aries kakaawat sa kanilang tatlo. Gigil na gigil sila sa hayop na 'yon.
Nang kumalma sila, umalis kaagad ang Dahunan at si Yuno. Pupuntahan daw nila sina Linus at Dray.
"Okay lang ako. Kaya ko naman eh." Nagpilit pa ako ng ngiti para makumbinsi siya.
"Pero gusto kitang ihatid, sige na please kahit sa kanto niyo lang... " nag-puppy eyes pa siya at nag-pout. Hayyss naalala ko tuloy si Angel sa kanya. Kamusta na kaya siya? Kamusta na si Mr. Zeref?
BINABASA MO ANG
Embracing Her Tighter
RomanceA girl who desires attention and love from her father, but what she got is pain, sadness, mistreatment and betrayal. A leader of a team and heiress of Reigo-Fuentevieros. Who always want revenge to those people who hurt his love ones. What if...