Sabi nila kung mahal mo ang tao kaya mong hintayin pero ako hindi, hindi ko naman mahal 'yon eh.
Pisting dahunan 'to, ilang oras na ko naghihintay dito sa cafeteria wala parin. Mauubos ko na ata paninda dito, ang tagal niya. Sabi niya may dadaanan lang.
Baka naman na-trap na 'yon sa dinaanan niya?
Gagawa kami ngayon ng report, hindi naman daw magtuturo si Prof ngayon kasi gagawa daw kami ng report. Oh di'ba nag-give way Professor namin...
Habang wala pa ang dahunan magbabasa na lang ako ng wattpad. Pampatanggal stress at bagot.
Hihinaan ko lang brightness ng phone ko, puro kasi may warning hihi. Nandito naman ako sa pinakasulok kaya wala masyadong estudyante dito.
Nasa exciting part na ako...
"Hi"
"Ay exciting! " gulat kong sigaw nang biglang may magsalita sa harap ko.
"Exciting?" takang tanong sakin ng lalaki. Familiar siya. Matangkad at pogi din naman.
"Ah... K-kasi exciting 'yong..." Ano ba 'yan? Hindi ko alam ano irarason ko. Author help!
(A/N:hindi gumagana pagiging rasonable ko ngayon. 😒)
"E-exciting siguro 'yong misyon natin... Oo, exciting siguro 'yon. " alanganing rason ko sa kanya.
"Ahhh... Oo naman kahit mahirap exciting naman. " kamot batok na sagot niya. "Ahm ikaw lang ba nandito? " tukoy niya sa mesa na pangdalawa pero mag isa lang ako nakaupo.
"Ah, may hinihintay ako. Wala pa siya eh."
Tumango siya sakin. "Cydrick nga pala. Cydrick Castor. Ako 'yong kasama ng kapatid mo sa restaurant. " naglahad siya ng kamay sakin. Alanganin ko namang inabot 'yon dahil nahihiya ako sa kanya. Nakita niya 'yong eksena namin sa restaurant. Mukha naman siyang mabait at kaclose nila ni Mommy.
"Lesley Jiyana Zamora. Lesley na lang. " nahihiya sabi ko sa kanya.
"Dito ka rin pala nag aaral? " tumango lang ako sa kanya.
Hindi naman ako magaling mag entertain or maghandle ng conversation. Boring ako kausap, kung hindi ako papansinin hindi rin ako nagsasalita. Ewan ko ba, nahihiya kasi ako lalo na't hindi naman kami close at hindi ako sanay na may kausap lagi. Lumaki ako na halos nag iisa lang. Wala akong kaibigan simula pagkabata kasi nga hindi naman ako marunong makipag-socialize, kaya ayon.
Mga ilang minuto din na walang umiimik samin.
"Saglit lang, ha? Bibili lang ako" paalam niya sakin at tumayo na. Pinagpatuloy ko naman ang binabasa ko.
Maya maya ay bumalik din siya dala ang dalawang milktea.
Inilapag niya ang isa sa tapat ko at ang isa naman ay tinusukan na niya ng straw at ininuman.
"Inumin mo na 'yan. Para sayo 'yan" sabi niya nang hindi pa rin ako nagsasalita.
"Salamat. Mamaya na lang. " nginitian ko siya.
"Ang tahimik mo pala 'no" natatawang sabi niya sakin. Hindi pa rin ako umimik. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. "Naiilang ka ba sakin? "
Umiling lang ako. Kahit ang totoo ay oo...
"Uh huh, then why you're so quiet? " may naglalarong ngiti sa mga labi niya.
Ako naman mukhang takot na pusa na natameme. Hindi ko alam kung paano kausapin ang isang 'to. Bigla na lang akong naging anti social.
"Huy, magsalita ka naman. " tuluyan na siyang natawa dahil hindi talaga ako nagsasalita.
" She's not talking to a DOG." nagulat ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Tangina kanina pa kita hinihintay! Tiningala ko siya,dala niya ang laptop niya at may Chuckie at Fudge bar siyang dala. Tinaas ko ang tingin sa mukha niya, ang potek nag-smirk. Tiningnan ko naman si Cydrick, nakasalubong ang kilay niya. Mukhang napikon dahil tinawag siyang aso ni Aries.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Tighter
RomanceA girl who desires attention and love from her father, but what she got is pain, sadness, mistreatment and betrayal. A leader of a team and heiress of Reigo-Fuentevieros. Who always want revenge to those people who hurt his love ones. What if...